Friday, January 26, 2024

Gabay sa Iyong Karapatan: Chillax Lang. Don't Lose Your Common Sense

Nadapa ka sa utang sa credit card? 'Wag mag-alala, hindi ka nag-iisa at hindi rin ito katapusan ng mundo. Pero kung dumating na yung mga maniningil na parang kontrabida sa pelikula, oras na para ilabas ang iyong superpowers - kaalaman at karapatan, with a side of humor.

SOA: Show Me the Paper: Kung wala silang maipakitang Statement of Account na may pirma ng bangko, isipin mo na lang na naglalaro kayo ng "Bring Me" at hindi nila na-bring ang tamang item.
Ikaw ang Magdidikta sa Bayaran: Isipin mong game show host ka. Ikaw ang magtatakda ng rules kung magkano at paano ka magbabayad. Pero make sure, naka-document, hindi lang chikahan.
Pag Di Nagkasundo, 'Wag Kang Magpapadala sa Drama: Hindi krimen ang utang sa credit card, civil issue lang 'to. Kung ayaw nila sa proposal mo, 'wag kang mag-panic. 'Di ka contestant sa Survivor na kailangang mag-strategy agad.
Dinamay Pa Pulis at Barangay Na Back-Up Dancers: Tandaan, ang pulis at mga Barangay officials, hindi sila taga-kolekta. Kung may mga totoong pulis o taga barangay na pumunta sa inyo o sumama sa maniningil, demand for their IDs. Wait lang, at ipaalala sa kanila kung within sa jurisdiction ba nila ang ginagawa nila.
Mag-ingat sa Mga Nagpapanggap at Dramatic Entrance: Kung may mag-ala delivery guy tapos biglang mag-reveal ng true colors, parang contestant sa reality show na may surprise twist. 'Wag kang mahulog sa bitag, tawagin mo agad ang pulis o Barangay para humingi ng saklolo.'
Wag Maniwala sa Horror Texts at Calls: Kung may makatanggap ka ng mga scary messages, treat them like prank calls. Ang tunay na warrant of arrest, hindi parang promo text na basta na lang dumarating.
RA 8484: Hindi Para sa Mga Honest Debtors: Ito'y para sa mga nag-commit ng fraud, hindi sa mga hindi lang makabayad on time. Kaya kung i-threaten ka nila dito, isipin mo na lang na nag-audition sila sa isang bad acting contest.
Travel at NBI Clearance: Go Lang Ng Go: 'Wag kang maniwala sa mga pananakot nila na hindi ka makakalabas ng bansa o makakakuha ng NBI clearance. Fake news 'yan.
Ipublish ang Pangalan sa Diyaryo? Chill Lang!: Kung may banta na ipapublish ang pangalan mo sa diyaryo, isipin mo na lang na parang naging celebrity ka bigla, pero walang bayad. May nabasa ka ba ng listahan ng defaulters sa news? Di nga sila makasingil, gumastos pa sila.
Garnishment ng Property? Hindi Yan Basta-basta!: 'Wag basta maniwala kung sinasabi nilang kukunin ang iyong ari-arian. Hindi ganoon kadali 'yun, may proseso pa yan. Aw, wala ka palang ari-arian.
Nakikipag-ugnayan sa Pamilya at Kaibigan sa Social Media: Kung may nag inform sayo na may nagkontak sa kanila at naghanap sayo at urgent na ipa-contact ang kotong low opis, sabihan mo sila na naglipala scammers ngayon. Ikaw nga mismo, di na inform. Sabihan mo sila ipa-report sa NBI.
Barangay at Pulis: Ang Iyong Dream Team: Kung sobrang kulit na ng mga maniningil at feeling mo nasa teleserye ka na, tawagin mo na ang Barangay at lokal na pulisya. Sila ang magiging tagapagtanggol mo. Teamwork makes the dream work, 'di ba?

Tandaan mo, trabaho lang ng hunghang na kolektors ang mangulit, pero may karapatan ka rin. Stay cool, gamitin ang suporta ng awtoridad, at kunin ang lesson sa experience na 'to habang tuloy ang buhay with a smile."


Di naman end of the world to para sayo. Kaya, chillax ka lang. Diskarte. Pray.


284 comments:

  1. Lastly, " let's talk in court"👻

    ReplyDelete
  2. Share ko lang ang experience ko about sa pag handle ng aking mga credit card debts. Galing ako sa PINOYEXCHANGE BLOG. Dun ako unang natuto ng mga "diskarte" sa pag handle ng CA crooks mula nung isa isa akong na default sa mga cards ko. Nung una grabe ang kaba ko kapag tumatawag sila sa phone ko at sa office. Pero nung nalaman ko ang mga dapat kong gawin, lumakas ang loob ko. Last year nawala na yung website nila. One time pag search ko sa google ng name ng isang CA na na-assign sa akin, lumabas yung blog na ito. Kaya nung nabasa ko yung mga exchanges dito, para akong nakakita ng mga bagong kakampi sa laban ko na ito.

    Aware naman ako na mainly ako ang may fault kaya na-default ako sa mga cards ko. I am not proud of what I did. Nangako din naman ako sa sarili ko na once makaluwag ako sa buhay ay isa isa kong babayaran ang mga utang ko sa banks. Tumataya din ako sa lotto para kapag tumama ako, maraming tinik ang mawawala sa aking dibdib. Hindi lang giginhawa ang buhay ko, matatahimik na din ako dahil wala na mangugulit sa akin.

    Nakakatuwa ang mga responses na nababasa ko dito sa blog. Mula kay Banker, Sonixx, BrianSureWood, Mr.Kabado2, at sa iba pa. Lalo na yung mga nag-share din ng mga kwento ng buhay nila. Nakaka-encourage din yung mga unti unti nakakapag bayad at nababawasan yung mga banks na may utang sila. I hope one day mangyari din sa akin yun. For now lakasan na lang talaga muna ng loob.

    Malaki ang pasalamat ko sa mga ganitong online blogs na tumutulong ng walang hinihinging kapalit kahit na ano. Hindi niyo lang alam kung gaano kalaki ang naitutulong niyo sa amin na mga simpleng mamamayan na nabaon sa utang sa credit cards. Alam ng Diyos ang nasa puso niyo at dalangin ko na patuloy kayong ingatan at gabayan ng Panginoon sa araw araw.

    Sa huli isa lang ang katanungan ko at sana ay may makasagot. 5 banks ako may defaulted na cards. Nabasa ko dito na kapag may supplementary ka maaari siyang madamay sa kaso. Yung sa akin, yung wife ko ang supplementary ko sa HSBC. Public school teacher siya and ang worry ko ay baka pag nagkaroon na ng judgment at garnishment ay makuha yung sahod niya sa Landbank. May nabasa din akong case dito na nakuhaan siya ng sahod dahil sa negligence ng manager ng bank. Ang tanong ko lang ay possible ba na mangyari sa amin yun? Anong mga steps ang pwede kong gawin to prevent it from happening to us? Wala pa talaga kaming extra ngayon pambayad and yung salaries namin sapat lang sa mga gastusin sa araw araw.

    Maraming salamat ulit at pagpalain tayong lahat Panginoon.

    ReplyDelete
    Replies
    1. posible. pwede rin hindi. handle it when it happens. for now, hayaan mo na. don't overthink much. kayanin yan. positive outcome yung negligence ng Landbank. primary card holder yun.

      Delete
    2. Yes, posible na madamay ang supplementary card holder.

      Hindi sya ang kakasuhan pero yung accounts ng supplemnetary card holder ay pwede ma-offset and garnish.

      However, may nakausap ako last year na supplementary na hindi nadamay sa case since he never used his supplementary card. This part I am not certain pero yun ang sinabi sakin.

      Delete
    3. Hindi ko na maalala sir kung nagamit ba ni Misis yung card. I think mga ilang times lang siguro. Kapag may garnishment naman na may notice naman yun sir di ba? Or nakalagay sa isang letter?

      Delete
    4. yes, mag appear yan sa notice of court filing pa lang, the sa decision, execution and garnishment. chill ka lang muna now. matagal pa yan.

      Delete
    5. Thank you sir sonnix. For now chill na lang muna talaga. Here and there may mga emails at calls pero dedma na lang. Wala pa kasi talagang pambayad eh. Kung ako sana yung nanalo sa lotto eh di hayahay yung mga collector saken. Haha

      Delete
  3. Hello po maraming salamat po sa blog na to. Nabawasan any anxiety ko. Pero bumalik nanamn nung na offset ni UB sahahod ko...😥 kaya inuunahan ko n I withdraw agad pag may sahod na. If ever po umabot na s garnishment, affected po na kung may ka joint account? Halimbawa po anak ko yunh ka joint acct ko. Salamat po

    ReplyDelete
    Replies
    1. technically 50% of the account is yours. so better maintain accounts in the name sa anak mo or sa iba.

      Delete
    2. Hello Annexia, nakuha po lahat ng sahod nyo? Tumawag ako sa UB para sa settlement ng account ko in installment, kanila payroll ko, pero so far wala naman na offset. Pero unahan ko na, buti may pambayad kahit papano.

      Delete
    3. @Sonnix Haven salamat po, so ibig sabihin po ba pag may garnishment decision na lahat ng accounts pati payroll kasama?
      @Lucas lahat po pati 13thmonth natatakot kc akoag commit kasi sakto sakto lang sahod ko pambayad bills. D na ako.makagawa online acct kc may existing profile na naglilink s name ko kahit ibang email p gamitin ko... Every 15-30 aligaga ako 😥

      Delete
    4. legally, di dapat kasama ang payroll. pero may nakakalusot pa rin. there are legal remedies to address it though.

      Delete
  4. Hi Sir @BrianSureWood, ask ko lang po, nung nakipagsettle po kayo sa Security Bank, meron po ba silang binigay na written agreement from the bank or email lang po ba? Sa ngayon po kasi kausap ko CA. Ung sa UB po na kausap ko from bank mismo, email lang sinend nya kung magkano monthly and duration and total. Ung sa EWB po naka word document na may pirma kaya alam ko sino kausap ko.
    Ano po ba much better? Or safe na po ba ung sa email lang nya nilagay without signature ng bank representative? Thank you

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yes, may agreement kami na pinirmahan sa harapan ng Judge.

      Kung ang kausap mo 3rd party, tell them na isama sa email yung agency manager na nag-hire sa kanila para makasigurado ka na valid yung agreement. May pirma dapat yan once may deal na.

      Delete
    2. Hi Sir BrianSureWood, thank you po sa reply. How about po ung sa bank na mismo kausap? Via call po kami then inemail nya ung napag usapan na monthly, duration and total na babayaran. Sa email thread lang po na may offer si bank na ganitong amount lang babayaran. Dun po sya nagreply. Need ko pa po ba magrequest ng word document na may signature nya? Or valid na po ung sa email since sa email thread naman po and sa bank collections galing?

      Delete
    3. Mas maganda kung may document since it will show it came from their collections.

      Since bank naman kausap mo, mas madali sila makakaag-produce ng document. That agreement will bind you and that signifies you both agree.to the terms.

      Delete
  5. Hi, Curious lang po if meron pong nakapag settle sa default account na naka installment for 3 years, then after a year nag offer ng discounted amount to close the account? I mean ung remaining sa napag usapang amount, bibigyan ng discount just to close na at hindi na mag wait ng ilang years pa? Thank you.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ginagawa po talaga yan. Kung kaya mo na ang offer, kunin mo na.

      Delete
  6. May question lang po aq may natanggap po aqng email, para daw po sa legal matter then tinag po lahat ng email ng bangko na pinagttrabahuhan q, ano po kaya un. Salamat po

    ReplyDelete
    Replies
    1. May utang po ba kayo sa bank tulad ng defaulted card or loan?

      Delete
  7. Hello po,
    Paano po kaya ung sa SB ko, hindi sila nagbibigay ng breakdown ng principal amount and interest sa account ko, sa CA na kausap ko. Tapos nagbase sila sa last SOA ko na meron na halos 50k interest and charges due bago maclose. Halos minimum lang din po kasi ako dito. Pang 4th year na kasi ayaw ko na paabutin sa small claims dahil hindi ako makakapunta. Nasa 300k po lahat based sa last SOA and ung sa installment na pinapabayaran. Thank you.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Demand to get a detailed statement of account. It is mandated by law.

      Delete
    2. Kung di naman po bayaran now, kahit umabot pa yan sa Small Claims at wala pa din pambayad, wala naman sila magagawa.

      Tumaas na po yan dahil four years na sabi nyo.

      Actually, kung umabot nga ng small claims yan baka makakuha ka pa ng discount.

      Delete
    3. Thank you sir Sonnixx Haven and Sir BrianSureWood, bale nahanap ko po ung last SOA ko, nasa 280k (with finance charges and late charges for 5 months na walang bayad) naclosed po account for 280k sa last SOA. Then ung ung sa latest proposal naman po, sabi nila 280k principal anount payable for 3 years.
      Diba po ang principal amount ung naganit ko lang? Please let me know po if mali intindi ko. Thank you.

      Delete
    4. negotiation stage ka pa. so you might as well propose for the lowest amount na as tingin mo kayanin mo. I paid my Maybank account for only 15% of my last statement amount.

      Delete
    5. Hello po Sir Sonnix Haven, ung 15% po na yan ay one time payment? Nung nakipag negotiate po ako sa CA, 198k lang for the one time payment. Mag 4 years na po akong default.

      Delete
    6. Personally, kung may option to pay na one-time, gawin mo na kung kaya mo.

      Kung di naman kaya one-time, installment is the next best thing.

      As long nagbabayad ka regularly, kahit lumagpas pa sa date na agreed yan, they will allow that.

      Delete
    7. Hello magtatanong lang po, tawag po kasi ng tawag ang security bank dahil sa utang ko sa sb nung 2020.. ang sinisingil po kasi sa akin ay 75k pero ang cc limit ko lang ay 35k. Nakikipagnegotiate ako na sana 35k lang bayaran pero ayaw pumayag. Nagdedemanda po ba ang SB? Salamat po

      Delete
  8. Good day po, may small claims na po ako from HC, sheriff ba talaga nagdadala nito sa bahay? Hindi man lang naka envelope. Ano po next move? Paki share naman po if may experience nang ganito. Thank you po...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sheriff po ang magse-serve nyan. Di sya required na naka-envelope kasi madalas yan makapal.

      Makikita mo dyan ang Date of Appearance at reply mo, at anong branch ng Municipal Trial Court.

      Delete
    2. Hello po ask ko lang po how many months or years po kayo bago na bigyan Ng summon and ano pong bank. Sana po ma sagot

      Delete
  9. Meron po @BrianSureWood... Papanig kaya sa akin ang court if mag negotiate ako na 1k monthly till mabayaran lahat? 283000 po yung amount. 150k loan amount , 5700 monthly for 5 years...naka 11 months po ako nagpay..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sa palagay ko po malabo na papayag ang korte at 1k a month, even if ang pabayaran lang eh yung 150k. That would be 12.5 years.

      Sa palagay ko eh the best you can get is anywhere from 2-3 years. Posible din ang 5. Kung hindi pa kaya wag muna bayaran.

      Transfer your savings to a different name as early as now

      Delete
  10. Salamat po @BrianSureWood . So if hindi kami magkasundo, possible po ba na property ang kunin? Yung bahay hindi under sa name ko, sa wife ko nakapangalan. Yung kotse po under sa name ko. Sa savings po may konting ipon

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yung equivalent ho ng utang nyo eh kukunin ng cash so garnishment malamang yan.

      Wala pa naman nagsabi nakuha property nila pero kung kununin nila property mo, kelangan ka nila suklian.

      They cannot get a house worth 2 million kung 280k lang utang mo. Abonado pa sila.

      Delete
    2. while property garnishment is legally possible, but it is more challenging and not practical for the bank. but still, it is better to get prepared.

      Delete
    3. Thank you po sa pag-accommodate para masagot yung mga tanong ko po @Brian SureWood at @Sonnixx Haven. Sa Feb21 po yung hearing, balitaan ko po kayo. Paano po kaya magandang sabihin ko para pumayag na 150K na lang babayaran ko, saka mas mahabang term ?

      Delete
    4. Una po, you have to make your offer realistic. Frankly yung 1k per month is not a realistic offer.

      Ang judge po ay magde-decide ng patas para sa dalawang parties. You have to remember, kayo po ang hinahabla, so your offer should be realistic and fair to tye aggrieved side.

      Pwede nyo po sabihin na kung pwede ay 150k na lang ang bayaran nyo dahil yun lang ang kaya nyo. Subukan nyo hingiin na 5 years to pay, that would make it 2500 per month at 60 months. Maaring di pumayag ang HC.

      Mabilis lang po yan. Hindi na po titignan ng judge ang anumang document na meron ka. Same with HC. Kung baga, the judge will just facilitate an agreement. Kapag hindi nyo po nasunod ang agreement, garnishment or offsetting na po yan.

      Kaya magready na din kayo na itransfer ang pera nyo to another account.

      Delete
    5. Just tell them na yun ang kaya mo. Then its up to them to accept or not. Be sure na kakayanin mo kasi kung di kakayanin along the way baka its all for naught

      Delete
    6. Thank you po sa lahat ng inputs ninyo po, hoping mapagbigyan ako ng court, update po ako rito by Feb21....

      Delete
    7. @jitters pwede po malaman anu bank ang nag file ng case sa u at gaano katagal ka defaulter bago sila ng file ng case..thnaks

      Delete
    8. @BrianSureWood yun po bang garnishment or offsetting one time lang po ba?

      Delete
    9. offsetting can be forever, kasi the bank where you have default ay may direct access sa account mo. Paunahan ng withdraw, or if you have the option, close the account and open a new one.

      garnishment is typically one-time as the sheriff is the one who will process it and report to the court. it can happen again and again if the legal officers of the banks have all the energies to request processing it again and again. it is costly to the banks though. diskarte lang.

      Delete
    10. Thank you po Sonnixx Haven. Paano po kaya sa case ko kasi hindi naman bank ang Home Credit?

      Delete
    11. eh di garnishment ang pwede mangyari. before mangyari yan, kasuhan ka muna nila.

      Delete
    12. Tama si Sonxix Haven, ang offsetting can happen until you fully settle. Best ask your payroll to issue a check or transfer it to another account.

      Same with garnishment, pero sa dami ng nagaga-garnish taon taon, mahirapan na sila balikan so usually one time lang.

      Delete
  11. Good day. Sa small claim ano po ang ipapabayad ng judge sayo? Yung nagamit lang po or yung SOA that time na nag file sila ng case? Thank you!

    ReplyDelete
  12. Hello, every month na po ba yung Offset sa Unionbank? Kung kelan naman nag iwan ako ng pera saka nakatsamba. Haha. Bale first time naman po yun, may susunod pa ba? Please advise thanks!

    ReplyDelete
  13. Hello nag reply ako sa isang email na send ng isang CA I told them na struggling pa kami financially so di ko pa kaya mag commit. ang reply sa akin is di na daw nila ihohold ang docs ko and I should face the consequences daw. nakaka loka yung reply parang may gagawin na di kanais nais.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ang sagot po dyan eh "Kayo po ang bahala."

      Delete
  14. Napadalhan na ng letter to attend sa small claims pero bago ung pinaka schedule, nakipag negotiate na sa bank/CA para hindi na umattend. Kapag nagkaron ng agreement, case dismiss na ba agad yun? Or tuloy pa rin hanggang hindi nacacancel ng CA? Thank you

    ReplyDelete
    Replies
    1. Madi-dismiss lang po ang kaso kapag nabayaran na po ng buo ang utang.

      Kung baga, hindi lang nila itu-tuloy hanggang mabayaran mo. If you default, tuloy ang kaso.

      Delete
    2. At hindi po CA ang nagde-decide kung itutuloy ang kaso, bank po yan.

      Ang magfa-file po ng kaso ay either internal collections ng bank or a 3rd party.

      Delete
    3. Thank you sa reply BrianSureWood. Kung sakali pa lang na file na, tapos 5 yrs installment ang mapag agreehan, tagal po pala nakahold yung case.

      Delete
  15. If for example mo may cheke po kayong i tuturn into cash sa bank na defaulted ka po, mahohold po ba ang cheke?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Medyo far-out na tong scenario na to so hindi po.

      Maho-hold lang yan kung idedeposito mo bank account mo kung san ka may utang at may garnishment order na pwede offset ng bank. Otherwise hindi po.

      Delete
    2. Meron po ako dati check sa BDO kung san may utang ako sa cc. Napalitan ko naman po ung check .

      Delete
  16. January 23 2023



    NAME :

    ADDRESS :



    Re: Demand with Notice to Sue





    We write on behalf of our client, COLLECTIUS PHILIPPINES, who duly and legally acquired your delinquent account from METROBANK MCC1 PH under this card number XXXX XXXX . Records show that you have continuously failed to settle your outstanding balance amounting to Php 105,218.23 up to date. The actual outstanding balance will vary based on penalty and/or interest applicable until you have fully settled your obligation.



    Several demands were made but went unheeded. Therefore, FINAL DEMAND is hereby made upon you to settle your outstanding loan obligation in full. Your failure to comply with the foregoing final demand within FIVE (5) DAYS from receipt hereof will constrain us to institute the necessary legal actions, whether criminal and/or civil. By then, we shall be demanding from you the appropriate amount of damages, attorney’s fees, and litigation expenses due to our client.

    Good eve ako pwede po magtanong ilang months ko na po iniignore tong maraming email nila pero ngaun po DEMAND AND SUE NOTICE NA PO.. sa tingin nyo tutuluyan na po ako nito i sue? Defaulter po ako since mga 2013 na ata po nyan. Please help po. THANK U IN ADVANCE. (Metrobank Defaulter here)

    ReplyDelete
    Replies
    1. those are all recycled emails. you will receive tons of them. it is their right to sue us. backread please. maraming diskarte naka latag na.

      Delete
  17. Ask ko din po kung ok lang po kaya na mag iba na lang ako ng email then deactivate ko na po ung email ko. Itong blog lang din talaga ang nagpapalakas lang ng loob ko everyday ako nagbabasa kahit na feeling ko mas may malala sa akin. Hindi ko na lang binubuksan ko email ko fo days pro pag may need akong tgnan sa email ko di ko maiwasan na buksan ung spam ko at dun nagsesend ang sa CC ko. Then mag papanic na namn ako sa nababasa ko. Although paulit ulit lang naman at same lang din ang nakalagay kaso ung Subject pa lang at intro nakakapanic na sorry na ma feel ko to although nandyan kau para mag support sa mga nababasa ko. Di lang talaga maiwasan. Salamat sa blog na to pa rin. At nakakahanap ako ng karamay. (metrobank defaulter)

    ReplyDelete
    Replies
    1. May I know magkano po defaulted amount nyo nung 2013?

      Delete
    2. the amount does not matter. 10k man o 1M yan, defaulter pa rin tayo. again and again, mag backread dito. if you continue to believe the lies na binibigay ng hunghang na kolektors, decision mo na yan. kung gusto silang magkason, dapat matagal na.

      Delete
    3. Pwede mo naman i-deactivate yan kung gusto mo.

      However, kapag di ka na macontact ng mga yan, they would probably go to your house or call your place of work.

      As a personal preference, I would rather get emails and calls than house and office visits than office calls.

      Isa pa, mas maganda may contact ang collection agency sayo so alam mo ang next move nila.

      There is also a possibility na pag nalipat yan sa ibang collection agency eh may offer na kaya mo na bayaran.

      Yan lang ang sakin since that worked for me.

      Delete
    4. Email is way better. Paulit ulit lang naman yan. sagutin mo rin ng paulit ulit na pag maka recover ka, mag settle ka agad ah. Kung ayaw mo basahin, diritso mo na sa spam folder.

      Receiving messages from hunghang na kolektors is much a preferred strategy. mahirapan yan sila mag English, so di yan kayang manglait compared sa calls na more trained sila to disturb our "peace". Meron nga ako auto response message sa pag may unknown caller. "thanks for your call. kindly email me XXXXX for proper documentation." hahahaha

      Delete
  18. Yung emails at calls ko tumigil 😬 Nilipat na naman yata ako ng ibang CA.
    Paulit ulit ko naman sinasabi na once I get the funds to satisfy my accounts sila unang makaka alam. Sa ngayon wala pa talaga.

    ReplyDelete
  19. Hi,

    Silent reader here. I have been a defaulter for more than 10 years na. Tulad ng karamihan dito napraning din ako sa mga CAs until napadpad ako sa page na ito.

    Kababasa ng mga present at previous posts ay unti unti akong natuto maghandle ng mga CA based sa mga tips and suggestions dito.

    Huling grabe ko na naranasan na panghaharass mula sa mga CA was in 2022. Grabe mangulit kahit linggo, minsan pasado 10PM may magtetext or tatawag.

    Ngayon humupa na. Ang ginagamit kong linya mapa email, text, call ay inaantay ko pa yung pangakong tulong/papremyo ng isang NGO sa UK, US or Jamaica. Once matanggap ko un bayaran ko agad ng buo. Pag tinakot ako na kakasuhan, ang sagot ko lang ay pwede ko makuha deposit account number nyo para dun ko na lang ipakiusap sa NGO na ipadala?

    Natawa lang din ako dun sa isang caller na nagsabi na naniniwala ka sa scam na yan? Napapangiti na lang ako tapos sagot na "paano mo nasabing scam?"

    Pag mga messengers at mga naghohouse visit pinahaharap ko sa sirang CCTV camera na kinabit ko sa pintuan ng gate namin. Sasabihan ko na humarap sa camera para recorded then hihingi ako ng ID nila para picturan. Pagkatapos nun, minsan mag-aabot na lang talaga ng sulat tapos aalis na.

    Hindi ko pa nararanasan ung patawag sa barangay or may kasamang pulis patola.

    Kaya kalma lang po, mag-isip muna bago maniwala sa mga CA.
    Darating din ang tamang panahon at opportunity/offer para mababayaran natin ang suliranin na ito.

    Salamat Banker, Ms. Cherrylou, Sonnix, Briansurewood and the rest of the admins at mga followers ng site na ito. Kayo yung liwanag noon na nagbiigay pag-asa sa madilim na kalsadang tinahak ko.

    ReplyDelete
    Replies
    1. "scamming the scammer"- astig na diskarte. lamang ang may alam sa diskarte. makakaahon rin tayo.

      Delete
  20. Anong amount po dapat para po maconsider na small claims? Need po bang umattend sa mga hearing kahit wala pong pang settle? Salamat po in advance.

    ReplyDelete
    Replies
    1. What qualifies small claims in the Philippines?

      What are small claims? These are civil claims which are exclusively for the payment or reimbursement of a sum of money not exceeding P1,000,000.00 (as amended by Supreme Court Administrative Matter No. 08-8-7-SC).

      Delete
    2. not to exceed 1M. if you have the funds to negotiate and settle, then attend. others attend to negotiate for payment arrangements they can afford. it is your call. clearly matalo ka sa case. kung wala pang pambayad, eh di wala pa rin.

      Delete
  21. Pano po kung di napo nktira doon sa address dahil nwalan na trabaho kya umuwi na ng probinsya. Mgamit ba RA 8484 if di inaupdate ung bank sa present address?

    Your obstinate to pay your credit card obligation with client Union Bank Credit Card, despite several demands, has left us no alternative except to file a collection suit against you and/or a criminal complaint under R.A. No. 8484 for credit card.

    Your outstanding obligation is representing unpaid availments / purchases, interest and finance charges, exclusive of 25% stipulated attorney’s fees. If you wish to settle this out of court kindly coordinate with us for proper handling and to hold your account.

    From this date of default, the plaintiff shall be entitled to the issuance of a Writ of Execution for the enforcement of this agreement since your account was already filed in Metropolitan Trial Court. But before we ask the sheriff to seize, levy and pull out your properties, we are giving you the last chance to pay your credit card obligation immediately until FEBRUARY 15, 2024 to avoid the embarrassment that may be caused by a Sheriff Execution.


    Please give this matter your utmost attention, otherwise, we shall proceed with the legal action against you without further notice.

    Very truly yours,

    ATTY. ABELARDO G. LUZANO



    --
    AGLAW Account Management, Inc.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pwede mo sabihin sa tukmol na abogado na yan na ang paglipat ng bahay ay di kasama sa RA 8484.

      Delete
    2. "And/Or" ibig sabihin nyan nananakot. Shoot mo sa basura.

      Delete
  22. Hello, Need your advise po. Recently nakipag settle ako ng defaulted amount ko going 5 years na, installment for 3 years.
    Email from collections ng bank as confirmed sa customer service.
    Nagbayad muna ko ng initial down payment to proceed, then wala pa ung signed agreement letter namin. Provide naman daw as soon as available, kaso 1st payment ko sa katapusan ng Feb.
    Baka kasi ma setoff ung payroll ko kaya inasikaso ko na agad. Ano kaya magandang step if hindi mabigay to before ung next payment? Nasa email naman namin ung monthly payment amount and duration. Gusto ko lang din may signed agreement like sa mga nasettle ko before.

    Thank you.

    ReplyDelete
    Replies
    1. May agreement na naman kayo so hopefully wala na issue.

      And in future dealings, wag kayo maglalabas ng pera ng wala pang agreement.

      Delete
    2. My apologies. I meant wag maglalabas ng pera ng walang signed document.

      While valid and binding ang agreement sa email, lalo na kung galing sa mismong bank, it's best na may pinirmahan na papel. Mahirap na.

      Delete
  23. Thank you po BrianSureWood. Yes po, confirmed naman na from email ay galing sa collection department and legit daw. Mag follow up na lang din ako sa customer service if ever. Thank you po sa reply.

    ReplyDelete
  24. Hello po mga mga ba filan na po ba ng case dito ni BOC? defaulted po ako sa kanila ng 30k ma filan po kaya nila ako ng case? Struggle po kasi talaga kami financially ngayon.

    ReplyDelete
  25. Hi po nabili n po ni Union si Citibank may existing po ako dun. By March mapapalitan n yung card, na annexia nanaman ako, ano po kya possible mangyari? 😥

    ReplyDelete
    Replies
    1. Medyo magulo po yung statement nyo. Ano po ang issue?

      Delete
    2. If I got this right, yung utang mo sa Citi will just be carried over sa Unionbank.

      Delete
    3. Cenxa na po. Ang ibig ko po sabihin Bale ung utang ko s Union baka ma carried over sa Citi Bank. Tatawag po ako sa Citi ask ko if pede ano mangyari then I share ko po dito. Thanks po

      Delete
  26. Akala mo mga propeta ung mga CAs kasi ung mga parang patay na na delinquent account nabubuhay uli hahahaha.

    Citibank acct. ko 13 years na nanahimik nagparamdam ngayon. Ayaw magbgay ng detailed SOA. Total amount lang.

    ReplyDelete
  27. Ask lang po. Pano po pag ang CA na ang nagdemanda at nabili napo Nila ung debt sa bank. Ano po Kaya ang mangyayari..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi po magde-demanda ang CA,

      Napakamura ng pagbili nila sa account na delinquent. Kung hindi sila makasingil, okay lang yun.

      Bakit pa sila magdedemanda eh gastos pa yan sa kanila.

      If nabili na yan ng agency, kukulitin ka lang nyan.

      Delete
    2. Thank you po sir BrianSureWood.

      Delete
    3. Hi BrianSureWood, ung mga nasettle nyo po na nabili na ng collection agency, nagbigay po ng Certificate of Full Payment si bank pa rin or CA na? Thank you.

      Delete
    4. Collectius na nagbigay ng COFP. Nakalagay dun na nabili nila sa Unionbank account ko.

      Delete
    5. Noted po BrianSureWood. Thank you. I hope na update rin ung sa Transunion record nyo dahil paid na rin naman sa Collection agency.

      Delete
  28. Hello po hingi lang po ako ng payo, defaulted na po ako sa HSBC nag file na sila ng kaso and may decision na rin since hindi ko na rin pinuntahan. Ngayon lumipat na kame ng bahay may mga tanong lang po ako.
    1. Kailangan ko ba ipaalam sa SP Madrid or HSBC ung current address ko?
    2. May email ako natanggap from SP Madrid asking may updated contact number, kailangan ko po ba ibigay?

    Nag aalala kasi ako na pag hindi ko binigay maka apekto sa mga pwede pa nilang ikaso?

    Salamat ng marami...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi po. Wala kayo kelangan ibigay.

      Delete
    2. Hello po @worriedme..ilang yrs po bago kayo na file an ng case and ilang yrs po bago nagka decision.. May defaulted din po kasi sa hsbc 2 cards. 120k Saka 80k po. Sana masagot.

      Delete
    3. Ilang buwan ka di nagbayad bago sila magfile ng kaso?

      Delete
  29. Hello po, Security, Citi(NowUnionBank) & EastWest ang tumatawag lagi sa akin, email at text. Sinasagot ko sa email at text na "I'm sorry i have no capacity to pay for now because my net pay can barely cover our basic needs (which is totoo naman po) I will contact the bank once my financial situation gets better. Di ako nasagot sa kahit anong number na wala sa contacts ko kasi inaanxiety ako di makatulog. Medyo matagal pa ako makakabayad kasi nag rerecover pa sa paaral sa 2 college na magkasunod. Ngayong taon may mag ka college na naman ang isa 4 kasi anak ko at mag isa ko nataguyod. Sa govt ako nag wowork at naka handa na ako mapahiya sakaling ipahiya ako ng mga naniningil. Prayers at lakas ng loob na lng panlaban ko at nilalabanan ang anxiety at insomnia. Pero pag kinasuhan ako ng small claims pwede ko ba harapin kahit di ko pa kaya magbayad? Maraming salamat sa sasagot. God bless us all.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pwede naman po.

      Ang advantage ng pagharap nyo eh malalaman nyo kung open sa arrangement ang bank. At baka makadiscount ka pa.

      Delete
    2. To answer, pwede mo harapin sa korte pero kung anxiety ang kapalit baka mas mabuting pabayaan na lang. Mas importante ang mental health. Its up to you.

      Delete
    3. Salamat sa pagsagot @Kinakape & @BrianSureWood pero ano mangyayari pag di ko hinarap? Salamat na marami, pasensya na........

      Delete
  30. Hello po, kapag po ba may case na sa small claims for defaulted cc and loan, lumalabas po sya sa financial report like Transunion etc.? Kapag po paid na, lilitaw pa rin sa history?

    Thank you po sa sasagot.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yes. Lumilitaw sya. Ang defaulted cards and loan are tagged as open.

      Kapag nabayaran mo na, tagged as closed and will stay on your report for five years.

      Delete
    2. Noted po BrianSureWood.. Pero pag may case na sum of money. Lumilitaw pa rin po yun sa report?

      Delete
    3. May nakalagay po na "For Legal Reasons" kung bakit defaulted yung account once may decision na.

      Delete
    4. Thank you po. Hindi ko pa po natry mag request ng report. Check ko rin if may online lang. thank you po.

      Delete
  31. Hello po uli. Mag ask lang po ako if Rbank ay nag file ng case sa amount na 40k? SP Madrid yung CA na may handle sa ngayon. defaulted po ako simula 2020-2021. Since marami na ako bad exp kay SP Madrid sa pghandle nila ng other CCs ko. Ayoko na sila kausap pa. For case filing na daw kasi. Ask ko po sana if reasonable po kaya ang offer na 10k para ma settle yung acct ko with Rbank, plan ko rin sana to directly email them para dito. Baka po may suggestions kayo? Di ko po kasi sure kung yung acct ko ba e nabenta na kay SP or pdeng ke rbank ko pdn i-negotiate or dumadaan lang sya now kay SP tapos mapapalipat po uli ng CA. Been a silent reader here since mag start ako ma default sa mga cards ko. Slowly, sinusbukan ko makabangon, sa ngayon ay UB palang na settled ko, kasi nag off set sila. 😔 waiting po ako sa cert of full payment. Salamat po, sana may makatugon.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Reasonable na ang 10k. That is a 75% discount.

      Delete
    2. You can always call the bank to check if ung account mo ay nasa tamang Collection Agency. Nung nagsettle ako sa EWB, tinawagan ko sila to confirm kung nasaan ung account ko kasi may nagcontact na CA. Just to be sure lang. Always ask for written agreement before you pay na rin. Tapos kausap ko ung CA pero naka cc sa email ung taga collection department ng bank.

      Sa ibang bank, pwede ung sa kanila ka na magsettle, bibigyan kang steps kung paano.

      Delete
  32. Good am , sorry, dumb quesion po. Gusto po ng wife ko ma magopen kami ng joint account, pede po ba mdamay yun kpag my garnishment order? Ngddlawag isip ksi ako n bka pati perang ilagay ng asawa ko eh mkuha..maraming salamat po in advanced.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Better open an account in someone's name. kung ikaw lang malagay sa case, 50% can be garnished. if kasama ang wife, lahat yun.

      Delete
  33. hello makakapag open pa po kaya ako ng checking account kahit defaulted ako sa ibang bank? Need po kasi for housing loan. Thank you!

    ReplyDelete
  34. Good pm po, sana po mapansin..

    I have a long overdue default in Metrobank since 2016 or 2017, around 365k incl all penalties and charges, and they offer me 189k one time settlement.

    Ofc di ko po kaya isettle yung amount, and prior to my default, yung initial na CL ko kay MB na nasa around 60k lang, ginawa nilang 200k given na hindi na nga po ako nakaka pay on time. Nalaman ko lang po na 200k na ang limit ko nung may tumawag from their dept na nag offer pa ng credit to cash loan. And being in need and financially irresponsible at that time, ginrab ko po. Then moving forward nung nag default na po ako, na compromise po yung card. Nahack po yung cc ko and nagka unauthorised trx sa pagkakatanda ko po sa Brazil pa ata.

    Ask ko lang po pwede ko po kaya sabihin to kay RGS in consideration for a lower and humanitarian deal? I am a single mom of a child with special needs...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hello, same tayo defaulted sa Metrobank nung 2020 naman ako. Around ganyan din defaulted ko kasi may charges and finance charge pa. Based sa experience ko, kapag nasa CA na, the more na installment sya, mas mataas. Kapag lump sum around ganyan din offer sa akin. Hindi ko pa kaya rin ung lump sum at installment nila, kaya sabi ko coordinate ako kapag kaya na.

      Try mo po sa bank mismo magcall. Baka po mabigyan kayo ng mas lower amount.

      Delete
    2. Pwede nyo po sabihin yan pero wag nyo po asahan na bababaan ng mga yan ang amount.

      Your chances na mapababa yan ay pag tumagal pa.

      You mentioned na single Mom ka with a special needs child. Focus on your kid and your needs kung di pa kaya.

      Mukhang di na naman magka-kaso ang MB since seven years na. Wait for the time na kaya mo na or the time they cannot file anything anymore. You have a better shot at negotiating the amount you can pay by then.

      Delete
    3. Thank you so much for getting back Sir @BrianSureWood and @Lacus. Yes po, sa ngayon in any way wala ako capacity to pay, and kung may pera man po ako i would prioritize ang needs ng anak ko. I had 4 defaulted ccs before, na settle ko na 2. Nautakan nga po ako pareho kasi nagpadala ako sa takot, so yung all in na pera ko binayad ko, wala natira para sa anak ko which is never ko na uulitin, thanks to this page/blog. Upon checking din po sa CIBI ko wala na rin yung MB ko dun, pati na rin yung 2 cc (HSBC and Ewb) na nasettle ko na.. Nakapag apply narin ako ng CC sa SBC yung secured Credit card nila (may naka hold na depo amount), pero this time I made sure na lahat ng dues ko nababayaran ko. And thank God kasi na lift yung hold deposit ko kahit may deliquent pa kong cards, and nag increase pa sila ng CL ko. But this time I am matured enough na to handle my card responsibly. And 1card nalang talaga ako lalo nalaman ko here na nagkakaso si SBC, hehehe.

      Sa inyo po na admins ng blog na to, super laking tulong nyo po sa amin. Maraming salamat po. 💖

      Delete
    4. Hello natural lang po ba na mag ask si CA ng mga personal details through email if gusto ko manghingi ng updated SOA sa kanila. Naka receive po kasi ako ng Demand Letter na for filing na daw po. Nagulat ako dun sa amount na halos 6x nung outstanding balance ko sa nag aask ako sa kanila. In case na mag file po sila okay lang ba na icontest ko sa judge yung amount? Nag undergo kasi ako sa ibang CA before ng installment 6 months pa yung kulang and maliit nalang siya biglang nag ka emergency kasi sa bahay kaya di ko na natuloy. Possible ba na iconsider ng judge yung mga na payment ko na? Salamat po

      Delete
    5. Kapag nanghihingi akong SOA, laging ung last SOA binibigay nila. Pag breakdown hiningi ko, walang binibigay.
      If ever magka sum of money case ako, hihingi akong breakdown para makita ng judge.
      May nabasa ako, nagcompute pa raw ung judge tapos mas lumiit ung need bayaran.

      Delete
    6. Hello, ano ung 1 na hindi mo pa nasesettle? Sa Transunion mo ba lumitaw ung Metrobank? Hindi pa ko nakakarequest. 2 cc defaulted ko sa MB kaya hindi ko pa rin nasesettle.
      Puro minimum payment din ako sa kanila kaya ung outstanding balance ko mga balance conversion at finance charge.

      If you don’t mind, kelan mo po nasettle ung EWB and HSBC?

      Thank you.

      Delete
    7. Hello po, nakuha ko po yung CIBI report ko thru Lista app. Yung isa po na di ko pa settled si Citi, nasa cibi report ko pa, sabay sabay ko sila na default na 4 nung 2016-2017, di ko lang sure kung ma carry over kay UBP yung sa citi ko po but if that happens, i know the drill na, super thanks to this blog po 🙂 last paramdam nila 2019 ata pero dedma lang po ako, hehehe

      I was able to settle my ewb and hsbc nung 2019, grabe rin yung anxiety ko nun sa mga CA, naranasan ko rin ma sendan ng tex na kesyo may sked na ko ng hearing. Compared sa mga nababasa ko dito na maliit lang yung pinapabayad, i can say na malaki laki pa nabayad ko kung tutuusin sa 2banks na yun. Pero okay lang po atleast tapos na.

      Delete
    8. Thank you po sharing your story. 7cc ang nadefault ko nung pandemic. Puro minimum payment ako kaya talagang hindi nababawasan. Most of them nasa 300k+ kasama finance charge and penalty. Ung ibang card ko nasa 8k+ finance charge.
      Ewb pa lang nasettle ko last 2022. Target ko si BDO next. Currently naka payment arrangement ako sa UB para hindi ma-setoff salary ko. Praying ung SB and Metro ang next this year. Baby step muna, matatapos din lahat.

      Delete
    9. @Lacus, agree po, baby steps. And katulad ng sinasabi nila dito, wag pilitin pag hindi pa kaya. Yung dinidemand nila na 100k na bayad satin, sa mga big banks napakaliit na bagay, pero sa atin na normal na manggagawa, pag nawala satin ang 100k baka mahihirapan nanaman tayo bumangon. Ang mahalaga we learned our lesson and we move forward in good faith, hindi na uulit sa naging pagkakamali, and pray lang. Sa hirap ng buhay sa Pinas with more than half of the Filipinos na nasa low to low-middle class, lahat gusto umasenso, lahat sumugal, pero hindi lahat pinalad.

      Sa ngayon continue lang tayo sa life, kung wala pang solusyon sa problema, wag muna problemahin 😅 in God's perfect time po makakaahon din tayo lahat. 😊❤️

      Delete
  35. hello po ask ko lang po kung legit po ito

    This serves as STERN AND STRONG FINAL WARNING for how many times and in several attempts, our company sent its repeated demands for you to settle and pay your obligation but still unheeded. Thus, we will be giving you only 24 hours from receipt of this message as your last opportunity to pay your outstanding balance. Otherwise, we will proceed in securing the necessary warrant and writ against you, affecting your real and personal properties including your bank accounts once garnished through court process.

    Also, expect our Legal Officers to conduct an ocular Inspection / Visitation either to your residence or office address for an assessment for the purpose of determining the practicality and viability of possibly filing the appropriate complaint against you relative to your unpaid obligation to our client.


    Thank you,

    SILLANO LAW OFFICE Counsel for SCASI
    530 Shaw Blvd., Mandaluyong City
    Tel. no.: (02) 8534-7753 loc. 103
    Mobile : +63 919-0840565 / +63 998 5970136 / +63 998 5911309 / +63 998 0841954
    Viber: +63 919-0840565
    Whatsapp: +63 919-0840565
    Email: summit_r27@scasi.com.ph / summit_r31@scasi.com.ph

    i know madmi na po sample dito ng mga emails
    ask ko lang po if may way ba na para malaman mo kung talag pong nasa court na kasi po kagaya ko through email lang nila ako nakokontak
    kinakabahan naman po ako na magalaw ang payroll account ko
    salamat po sa sasagot.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Bluff po yan. Kung nasa korte na yan, wala ka na makukuhang email. Summons makukuha mo. Makapal na papel. Nakalagay dun ang utang mo at SOA pati date of appearance at branch of court.

      Delete
    2. hahaha. tapon, recycled email galing hunghang na kolektors.

      Delete
  36. Magkano po pinakamalaki nyong utang sa credit card?

    ReplyDelete
    Replies
    1. mcc defaulter po nasa 65k++ po less than 70k po tpos mga 2014 or 2015 pa po siya.

      Delete
    2. less than 70k po 2 mcc defaulter po ako noon 2014 or 2015. wala na po akp sa address na naka file sa knla kaya sa email nalang sila nakakapagsend. nageemail din po ba if ever magfile sila?

      Delete
  37. Ano po kaya pwde gawin pag umabot na sa 1M ung utang dahil sa mga dagdag na charges? Hirap na hirap na po ako.

    ReplyDelete
    Replies
    1. in millions na rin defaults ko. if we can't change our current situation now, we change the way we perceive it. this is beyond us now. but time will come, makakaraos rin tayo. so chill lang.

      what is the worst thing that can happen to a defaulter? WALA. but this requires knowledge and diskartes.

      Mag backread "https://failuretopaycreditcard.blogspot.com/2023/11/what-is-worst-thing-that-can-happen-to.html#comment-form

      Delete
    2. Thank you Sir. Nababawasan kahit konti ang anxiety ko. Buti na lang andyan kayo.

      Delete
    3. Usually, kapag matagal na ang utang, banks agree na bayaran mo na lang yung nagamit mo. Same with if it reaches the court. Ang issue lang eh you need to show up.

      Delete
    4. Hi @BrianSureWood, and sa mga active po rito na may same scenario. Kapag po puro minimum payment lang tapos ung outstanding balance around 200k pina balance convert (walang na swipe, puro minimum payment dahil malaki na interest and finance charge), nadefault and na close sa 300k+ kasi na total na ung pinabalance convert and interest, paano po kaya inegotiate sa bank yun, kasi kung principal amount diba po yun ung nagamit lang?

      Please advise po. Thank you

      Delete
    5. ang sagot nyan, sa negotiation mo sa bank or CA. ang balance conversion ay technically card usage yun. if you are ready at may resources ka na, negotiate with the bank or CA. again, the longer your default, most likely the lower amount they will offer. why is this so? because you went through hell already with all the pangungulit and scare tactics ng CA. hehehe

      Delete
    6. Thank you Sonnix Haven, hehe tama po kayo, pang 4 years ko na po hehe. Pero sa UB ko po kung ano last SOA ko bago madefault un na ung ginawang installment last month, nasa 4 years default na rin po ako, baka po kasi ma offset pa account ko sa kanila.
      Dapat daw nasa 380k un kasama mga ibang charges, pero ginawa kung ano nasa last SOA ko na lang.

      Delete
  38. SANA PO MAPANSIN. may natanggap kasi ako na email last February 8 at ito po ang nakasulat. meron po ako 4 default CC since March 2022 kasi nagamit ko po sa investment scam at 1 year ako nawalan ng work because of pandemic at June 2023 ako nakahanap ulit ng work kaya hindi ko pa xa kaya bayaran talaga.. Hindi ko po alam kung anong BANK tinutukoy dito File Case. Ano po dapat kung gawin pag naka receive ng ganito. salamat po..

    ReplyDelete
  39. SANA PO MAPANSIN. may natanggap kasi ako na email last February 8 at ito po ang nakasulat. meron po ako 4 default CC since March 2022 kasi nagamit ko po sa investment scam at 1 year ako nawalan ng work because of pandemic at June 2023 ako nakahanap ulit ng work kaya hindi ko pa xa kaya bayaran talaga.. Hindi ko po alam kung anong BANK tinutukoy dito File Case. Ano po dapat kung gawin pag naka receive ng ganito. salamat po..
    REPUBLIC OF THE PHILIPPINES REGIONAL TRIAL COURT
    NATIONAL CAPITAL JUDICIAL REGION
    TAGUIG CITY BRANCH CREDIT INFORMATION CORP.
    BR.72 CASE NUMBER 21507
    Plaintiff,
    -versus
    ____________________
    Defendant. FOR: Sum of Money
    x-------------------------------------------------x
    COMPLAINT:

    PLAINTIFF, through the undersigned counsel and unto this Honorable Court respectfully
    states that:

    PARTIES
    Plaintiff, CREDIT INFORMATION CORPORATION (CIC) is a corporation duly organized and existing under the laws of the Philippines with office and principal place of business at 18th Floor Fort Legend Towers, 31 street corner 3 road Avenue, Bonifacio Global City, Taguig City. It may be served with summons, pleadings, orders and other court processes through its counsel, LAW OFFICE OF ATTY. LORRAINE GABINO-UY at #390 Perez Boulevard, Dagupan City Philippines;
    Defendant/s, __________________________, is/are of legal age, Filipino and with address at____________, where he/she may be served with summons, pleadings, orders and other court processes.
    MATERIAL FACTS AND ALLEGATIONS COMMON TO ALL CAUSES OF ACTION
    It actively provides financial services to both local and foreign markets including extensive services to individual consumers offering the public a wide range of products such as peso deposits, foreign currency deposits, cash management services, corporate lending, treasury services, payment and remittance services, trust products, international trade and consumer. With specific reference to its consumer loans, offers different forms of loans to its individual clients such as a “Salary Stretch Personal Loan” (Personal Loan) which is an all-purpose, no-collateral personal loan that comes with flexible terms of amortization such as a 12, 18, 24, or 36 months payment scheme.
    Regards,
    Atty. Lorraine Gabino-Uy Law Office and Accounting Firm

    ReplyDelete
    Replies
    1. tapon, recycled email galing hunghang na kolektors. CIC ba naman ang plaintiff. mga ganitong email nakakabobo pag di mo alam. pero, mas bobo ang CA crooks. hahaha

      Delete
    2. Hello po. Sino dito naka try na sabihan si 3rd prty collector na wag mgpapadala ng sulat sa bahay since hindi naman ako always nasa bahay And just communicate thru email instead. Possible po kaya mag request ng ganun?

      Delete
    3. Pwede nyo sabihin yan pero hindi kayo pakikinggan ng nagdadala ng letter. Iisipin lang ng mga yan na natatakot kayo may ibang maka-receive ng sulat na para sa inyo.

      Wag nyo pansinin. Hayaan nyo sila.

      Delete
    4. one strategy is talk to the delivery guy and inform him na lumipat na kayo at di mo alam. 😂

      Delete
  40. ask lng po, nakapagtry na ba kumuha ng credit report? ako kasi ng try na 337 lng credit score ko huhuhu nakalist n rin ng mga details ng credit card ko nakit ko rin doon na naka write off(BLW)and 4 cards ko and yong isa write off and fully sttled (closed na status), ano ibig sabihin ng write off BLW??. sa MOCASA apps ako ng kuha ng cresit score officially issued by CIC 299 pesos..ask ako sa mga nakapagtry ilang years kaya ito mawawala sa credit score/history natin

    ReplyDelete
  41. Hello good afternoon.

    Tanong ko lang po may nagtx sakin nyn. Legit po ba ito? Ano gagawin ko po?

    ATTENTION
    This is from National Capital Region Police Office ( NCRPO) Camp Bagong Diwa. This is to inform you that we will assist and conduct operarion will be served within 24 hrs under Article 1170 Breach of Contract and Article 318 Deceit Tantamount to Swindling Case with motion of attachment of properties. Kindly call 09537128796 look for PMAJ Alvin Eugenio RTOC Division.

    ReplyDelete
  42. ATTENTION
    This is from National Capital Region Police Office ( NCRPO) Camp Bagong Diwa. This is to inform you that we will assist and conduct operarion will be served within 24 hrs under Article 1170 Breach of Contract and Article 318 Deceit Tantamount to Swindling Case with motion of attachment of properties. Kindly call ××××××× look for PMAJ Alvin Eugenio RTOC Division.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Di totoo yan. Wag mo pansinin.

      Delete
    2. Si Major sumisideline na rin sa collections hahahaha.

      RTOC o ROTC? Kung ROTC baka cadet Major ito at kailangan ng pang tuition or school supplies hahaha

      Delete
  43. Hello po pag ang CA nag ask ng updated details ng company and cp number okay lang ba sagutin na same lang details with the bank? nanghihingi po kasi ako ng SOA 5x kasi yung sinisingil nila. tapos naka receive po ako niyan.

    Since you are not interested despite our several demands regarding your credit account complaint, we decided to conduct a preliminary investigation regarding your status, liabilities, assets and capabilities to pay your debt. We will constrain to recommend to our client the appropriate legal action. It will definitely embarrass and jeopardize your financial status in all financial institutions.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Eto sagot mo sa kanila:

      "HAHAHAHAHAHAHAHA TUKMOL!"

      Wala silang alam sa capabilities mo kasi that would require them to spend to investigate and that will cost money.

      Delete
    2. Shoot mo sa basura. Walang nagiimbestiga na nagpapaalam 😅

      Delete
    3. ako pa nga nag suggest sa kanila "to do thorough assessment of my financial capacity to ensure that once they file cases in court against me they can recoup all legal costs and exact payments from me." Hahahaha. nothing to worry. sila pa ang gagastos. turn the table and tell me, yes, go ahead.

      Delete
  44. Hi. Ask ko lang kung yung De Lumen valdez & zamora ay law firm or collections din? Nagpadala sila ng letter and sabi dun…file appropriate Civil complaint, writ of preliminary attachment, garnish your salaries, court sheriff to levy attach or seize personal properties, bank deposits and foreclosure Of collateral. 7-8 years ago na yung utang na hindi na namin nabayaran. And isa lang nagtatrabaho sa amin. Wala rin kaming properties, nakikitira lang sa magulang. Jan 30,2024 nila piandala. Totoo po ba lahat ito? Thank you.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Malabo na yan matagal na yung utang para magfile ng case.

      Delete
    2. Back read lang for your own peace of mind. You took time to look for this blog, it won't hurt to spend some more time reading. Promise. lahat ng pwedeng isagot sa katanungan mo mabababasa mo po. Good luck

      Delete
  45. Ang default ko po 10 years na po nakalipas... Iffile pa rin po kaya ito na civil case?

    ReplyDelete
  46. Hello po. Good morning po sa lahat and super thankful po sa group na to dahil malaking tulong po talaga sa kagaya kong defaulter. Defaulter po ako ng 2 banks (Eastwest and Metrobank) Tanong ko lang po maari po ba akong makasuhan nung sa RA8484 pag hindi ko po sa kanila inupdate ang work ko? As of now po kasi ang alam po nila wala po akong work pero working na po talaga ako. Ayaw ko po kasi iupdate dahil baka tatawag sila ng tatawag sa office at manggulo. But yung email address and cellphone number ko naman po and home address is still the same po. Nagrereply po ako sa kanila via text and email. Hindi ko lang po sinasagot tawag nila dahil nakakastress sila.
    Salamat po sa makakasagot.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thank You po sa pagsagot Sir Sonnixx.

      Question po ulit. Need po ba replyan po yung ganitong email? Totoo po kaya nga bibisita sila? Kung bibisita po ano po kaya pwede nila gawin at sabihin sa tao sa bahay? Kinakabahan po kasi baka kung ano sabihin sa mga tao dun sa bahay.

      This is with regard to your Platinum MC ending in **** We would like to notify you that we will be conducting a personal visit either at your office or residence address on February 16, 2024. This will be for financial status evaluation, employment verification and asset checking for our future reference. For inquiries you may call IVY JARDIEL to hold investigation process.

      Delete
    2. usual reply ko "let me know how many are you coming para naman makapag prepare ako ng snacks." walang pupunta sa inyo. pag meron man, hatid lang ng sulat yon. pag pupunta man, diskarte mo na yan https://failuretopaycreditcard.blogspot.com/search?updated-max=2023-06-24T13:27:00%2B08:00&max-results=1&start=10&by-date=false

      at magbasa ng maraming open na posts.

      Delete
  47. Hello po, ako ko lang may nareceive ako sa email na ganto, totoo po kaya ito?

    Subject: Request for Assistance_Atty. (Name ng Atty)

    Dear ,
    We are pleased to inform you that we have arranged a Legal Visit in your Barangay we our Paralegal Team will meet with you and your Barangay Officials to gather the necessary....

    Basta ganyan po ano po dalat kong gawin dito, hindi ko po kase binubuksan ang email dahil nagkaka anxiety ako sa kanila

    Ano po dapat ko tandaan po, natatakot na naman ako sa kanila.
    Maraming salamat po sa inyo mga sir/mam

    ReplyDelete
    Replies
    1. budol yan. don't mind.

      walang kinalaman ang barangay sa CC defaults. pag ang taga barangay, magpabudol sila sa CA crooks, gamitan mo ng Leni-supporters' style ng campaigning "let me educate you." hehehe

      https://www.lawphil.net/courts/supreme/ac/ac_14_1993.html
      4. Any complaint by or against corporations, partnership or juridical entities, since only individuals shall be parties to Barangay conciliation proceedings either as complainants or respondents (Sec. 1, Rule VI, Katarungang Pambarangay Rules);

      Delete
    2. sir Sonnixx Haven, pero posible po nila ako sunduin sa bahay para pagharapin sa baragay about sa cc default ko? and what if hindi ako nag agree sa negotiation namin, should I say to file na lang instead po? or ano yung better move for that sir?

      Delete
  48. Hello po sino po kaya ang pwedeng eemail regarding sa harrassment ng mga collector. They are emailing me and looping our HR as well. They are saying that they are from CIBI and they are filing criminal case. Natatakot kasi akong ma terminate matagal na ako sa work ko at baka ito ang mag cause. na matanggal ako

    ReplyDelete
    Replies
    1. CIBI has no business with you.

      CC default should never be a basis for termination.

      Just inform your HR that you are a victim of cybercrime. There is a legal process for criminal case filing.

      You may report them directly to PNP Cybercrime Unit.

      https://acg.pnp.gov.ph/eComplaint/

      For BSP -
      https://www.bsp.gov.ph/Inclusive%20Finance/Consumer%20Assistance.pdf

      I reported multiple times to BSP, just for the heck of it. I know wala ring patutunguhan. Hehehe

      Delete
    2. Hindi ka tatanggalin ng company to dahil dyan. If they do, they are inviting a legal case they cannot win..

      Delete
    3. Hindi ka nila pwede iterminate but you might as well say goodbye sa promotion to higher positions.

      Delete
    4. bali makaka affect pa din siya sa promotion kahit di naman kami sa banking industry po?

      Delete
  49. Congrats you are here. The best thing you can do to give yourself peace of mind is to BACKREAD!

    https://failuretopaycreditcard.blogspot.com/2023/04/quick-reminders-from-banker.html#comment-form

    https://failuretopaycreditcard.blogspot.com/2023/11/what-is-worst-thing-that-can-happen-to.html

    https://failuretopaycreditcard.blogspot.com/2023/05/paranoia-synopsis-answers-to-most.html

    https://failuretopaycreditcard.blogspot.com/2023/03/diskarte-booklet-must-read.html

    https://failuretopaycreditcard.blogspot.com/2023/03/the-secret-not-to-panic-dont-believe-ca.html

    ReplyDelete
  50. salamat po dito, hindi naman po to pwede maging cause ng termination ko po no? ni loop ko na po ang bsp. kinakabahan ako at naiiyak sa ginagawa nila di pwedeng mawalan ako ng work breadwinner ako and both of my parents ay may sakit may pinapaaral pa akong kapatid kaya di ako makapag undergo ng monthly payment sa mga defaulted cc ko almost 3 to 4 years na din ako nung na default pero sana wag naman ganito. though nasa magandang company ako kulang pa din talaga ang sinasahod ko.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wag po kayo mag-alala.

      Lahat po ng nagbibigay ng payo dito has been through that.

      And andito pa din po.

      Delete
  51. ANU PO IBIG SABIHIN NG PROPERTY EJECTMENT?
    VIOLATION OF DECEITS
    MAY EMAIL PO SA AKIN FROM BANKERS INSTITUTE PH
    ANU PO ITONG PLS SOMEONE CAN ANSWER

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi related sa utang ang property ejectment.

      Pusta ko, yang email ng Bankers Institute eh generic email, like gmail.com?

      Delete
  52. Gudpm po, sir @Sonnixx Haven and @BrianSureWood

    May nareceived po akong email, hindi ko po alam kung legit ba toh at kung anong bank po ito since name ng sender at naka @gmail.com ang gamit eto po ang nakalagay sa email

    Subject: NOTICE OF COURT CASE - NAME KO

    CIBI- REGIONAL LITIGATION DEPT.

    NOTICE: NAME KO NA WRONG SPELLING PA / NAME NG DATI KONG COMPANY KO NA 2YRS NA AKONG NAKAALIS

    ADDRESS: HOME ADDRESS KO
    WITH
    (LIST OF NAMES NG SA EMPLOYEE SA COMPANY KO BEFORE, ACCOUNTING, HR DIRECTOR, ETC.)
    NAME NG MAMA KO

    Re: NOTICE OF COMPLAINT Against you and warrant of Seizure to sheriff and garnishment of your property will be served if you fail to coordinate regarding your complaint under CIVIL CASE. you have a mandatory 24 hours to coordinate otherwise we will execute a court order accompanied by a local officer for assistance. Contact us for proper coordination and a full extension of the law shall be applied against you by the plaintiff for the relief requested. for coordination, call us.

    Ano po kaya pwede ko ireply dito? Nakaka stress na naman tong mga toh talaga haaaaysss

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi totoo yan. Gmail email din yan eh.

      Delete
    2. magiging totoo to pag maniwala ka. backread.

      Delete
    3. salamat po sir @BrianSureWood and sir @Sonnixx Haven

      Delete
  53. Hello po question, kahit papano po ba makaka affect pa din sa credit report if monthly ka nag pepayment sa isang credit card? pati sa ibang loans example tonik. kahit papa ano po ba ma isasalba nito credit score ko? may 5 pa akong defaulted cc. pero so far may 1 akong cc na under restructuring and may 2 personal loans na ongoinh payment ako.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Magbabago lang po ang credit score nyo pag nabayaran na ang mga defaulted amount.

      Delete
    2. the defaulted CCs definitely affect your credit score. the only way to salvage is to pay off all your CCs.

      Delete
    3. Hindi pa lumalabas ang Tonik sa Credit Report, or for that matter, Digital Banks. Wala sa CIBI or Transunion.

      Pag nabayaran mo na ang card, it is considered closed pero lumalabas pa din sya sa report for 5 years. After 5 years, nawawala sya sa report.

      Delete
  54. Hi naka receive po ako ng ganitong email at naka cc pa ang hr namin. nakakaloka at nakaka bwiset.

    Good day, this is to advise you that the plaintiff has filed an execution case against you for both civil and criminal violation under Article 315 & 318 Deceit, and Small Claims Case. The plaintiff presented a major source of evidence that would be used as the main petition for the issuing of the Legal Notice. The filing date will be on February at Regional Trial Court. Make yourself accessible for the court notices that will be delivered by your local barangay and court sheriff to your permanent address as well to your employer listed in the sworn statement affidavit. You can contact the Mediation Office for coordination and look for Atty. (Mediation head).


    Note: Kindly request for your Dismissal Order to be submitted to the Mediation Department office today before 2:00 PM. Otherwise, the MDO will sign the formal complaint and advise the plaintiff to proceed with the filing of the case against you. We are hoping that you treat this notice as important. Thank you.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ang tawag dyan Robo Scam email. Shoot mo sa basura 😅

      Delete
    2. utang is personal. walang pakialam ang company mo nito.

      public shaming ay isang scare tactic ng mga hunghang na kolektors. just tell your HR that this is illegal and a huge scam. idiritso na lang sa spam.

      mahirap ang tracing nito sa kanila kasi gumagamit ng aliases at gmail accounts, But just to prove your point that this is a illegal and scam, ireport mo sa PNP Cybercrime https://acg.pnp.gov.ph/eComplaint/ and furnish a copy to your HR.

      Galawan talaga to ng mga hunghang na kolektors.

      Delete
    3. maka affect po kaya siya sa promotion? di naman po kami financial institution.

      Delete
  55. Magandang Umaga po, ask ko lang po sana ano pong possible grounds para makasuhan ka po nang R.A. 8484?, Defaulter po ako last year lang po with 5CC, malaki po ang amount na default ko po, sa ngayon po ay wala po talagang pambayad hindi na po sapat ang sahod ko, nagpalit po muna ko nang cp number yung email ko po ay active pa po, hindi po dinedeny nang mga tao sa bahay na nakatira ako doon pero sinasabi lang po na wala ako umalis at hindi alam kung kelan babalik. Sa work naman po dahil sa sobrang pangungulit nila sa point na naiistorbo na both HR and Guard sinasabi nalang nila na hindi na pumapasok..tinry ko naman pong makipag ayos sana kaso pinipilit nila ung gusto nilang deal na hindi ko naman kaya, paminsan minsan po nag ttry ako mag open nang email kahit inaatake nang kaba at ayan nga po nakita ko sa letter nila, naka re: final demand letter, then ine-evade ko daw po ung responsibility ko dahil hindi ako nakikipag usap sakanila at kesho tinaktakbuhan ko daw po sila, possible daw po ako makasuhan nang R.A. 8484 Access Device Code 1998 na may imprisonment, and possible daw po na balikan daw po nila ko sa credit card application ko para makahanap sila nang pwede nilang ikaso para makulong at makapag bayad ako through falsified infos?( though ID and Signatures lang hiningi) para ma approve sa malaking credit limit. meron po kasi akong CC na 490k credit limit nakuha ko po through phonecall lang nang CCard Agent. Sana po walang mag judge saakin huhu, alam ko naman pong may fault ako, kung kaya ko lang po talaga bayaran ngayon huhu. Buti nalang po napadpad ako dito. nawawalan na po ako nang pag-asa at nawawala narin sa sarili. Halos mamuti na mata ko kakahanap nang pweding gawin pati kung saan saan na kong court cases nakarating kakasearch if may nakukulong ba talaga, pakiramdam ko wala akong malalapitan.. again salamat po ulit sa reply. magbabasa basa po ako dito. God Bless po sainyo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Unless gumamit po kayo ng ibang name to obtain the credit cards, malabo kayo makasuhan ng RA 8484.

      Panakot ng mga Kolektor yan para tawagan mo sila.

      Asahan mo na may pupuntang pulis sa bahay mo at mag-aabot ng papel na may phone number at tawagan mo daw. Ang sasagot sayo Atty daw pero kolektor lang.

      Nothing to worry about.

      Delete
    2. Hello po, sa mga defaulter ng Metrobank, nagbibigay po ba sila ng huge discount? Like ilang percent po kaya? Mag 4 years default na po account ko.

      Sa SB po, meron na po bang napapayag na ung offer na one time payment gawing installment? Wala naman pong mabigay na breakdown ung CA na principal amount. Outstanding lang lagi and ung once time payment na nasa 200k.
      Kapag gagawing installment laging umaabot ng 300k.

      Thank you po.

      Delete
    3. Para po di ka na mag-isip:

      Kung di kaya bayaran, wag po bayaran.

      Sa SB, antayin mo na kasuhan ka. Mas malaki ang chance na
      gagawin pang installment yang 200k mo para masettle. Baka mabawasan pa yan ng ilang libo.

      Delete
    4. Thank you BrianSureWood. Gusto ko na rin po sana maumpisahan ung sa SB, pero kung hindi talaga kaya, mag wait na lang ulit ako.

      Pero ung sa SB po nyo nun, pinakita pa po breakdown ng principal balance nyo? Ung nagamit nyo lang po? Or kasama ung mga finance charges, interest etc.

      Thank you.
      April

      Delete
    5. Hindi ko na po tinignan yun. Nasa 140 or 150 ginawang 120. 24 months so kinuha ko na. Di ko na po inalam kung yun lang yung principal. Ang alam ko malapit yung amount na yun sa nagamit ko.

      Delete
    6. Hello po sir BrianSureWood mga ilang yrs po inabot bago po kayo nakasuhan ng sb..bago po nagkaron ng settlement
      Thanks po

      Delete
  56. Hello po.. Baka po may Naka experience npo dito mag default ng AMEX card American express card under bdo... Same lang po Kaya ito ng mga regular cards like metrobank. Defaulted na po kasi ako ng 2 Mos...
    Bdo at amex
    Anlaki napo kasi ng minimum payment ko. Di po nababawasan ung principal. Nanghihinayang po ako sa pera na binabayad sa interest pagkain n din po nmin ng 1 month.

    ReplyDelete
  57. Hello.
    Gusto ko lang share diskarte ko tuwing may text message or email akong narereceive.
    Hinihingi ko ang real name, company name, endorsement letter mula sa bank( as per BSP circ dapat meron nyan before endorse sa third party collectors ang acct. usually ang sagot nila, ano po yun? O db nakakatawa!
    Pag ang email naman ay lobong amount to pay, hihingan ko ng updated SOA from the bank which more often din po ay wala sila maibibigay. Ang sasabihin nila, magpoporvide sila pero in exchange magbayad ka. Ano sila hilo! magic ba yung SOA ng once maproduce e makakapag produce ka dn ng pambayad. Ang galing naman kung ganun sana!
    Kung ano man pong mga RA at batas ang sabihin nila, uagaliin po munang i google kung ano ibig sabihin nun. Mag basa din po ng BSP circ na may kinakaman sa cc. Baka tayo pa makapag lecture sa kanila.
    Minsan gusto ko na ngang idare sabihin na ang sa akin civil liablity, sa iyo criminal liability haha kaso baka isipin masyado ako matapang at lalo ako iharass.
    Kapag may mga messages ako natatanggap at bigla lumulukso ang dibdib, dito po ang takbuhan ko.
    Kaya maraming salamat sa lahat lalo na kay maam Cherrylou nung baguhan akong defaulter. SALUDO PO AKO!

    ReplyDelete