1. NO TO CA : You can never trust them. They will just push you around and you panic with threats and lies. 2. WAIT FOR THE COURT: It is always formal, legal, and fair. No need for a lawyer, or attend. Pay when able pa. 3. BANKS GET PAPER VICTORY ONLY: Unless you have millions in deposit. Other assets don't count. BACK READ..... BACK READ.....BACK READ.... para makakuha ng mga diskarte. Kung walang makitang sagot, pwede ka na magtanong.
Ano kayang mangyayari kung mamamatay tayo as defaulters? Like unexpected ganyan. Say wala naman laman lagi ang bank accounts ko, pero may other assets na under sa estate ko (condos, house and lot na family home). Babawiin kaya talaga yun doon or not na? Pwedeng di rin naman malaman ng bank na dead na si defaulter, right? Just curious (and also, to prepare kung kelangang i-split ang conjugal stuff namin or donate to our kids early to avoid this from happening).
ReplyDeleteTransfer and donate as early as now. Secure your future by giving it to others. Unahan mo na sila.
DeleteUnless you get sued, there is no way for banks to make you pay your debt. If they can't make you pay when you're still alive, there is no way they can make you pay when you're dead.
DeleteWalang obligasyon ang mga kamag-anak o asawa to pay credit card debt unless sila ay supplementary mo or gyarantor mo.
@BrianSureWood in your case, nasama ba ang supplementary mo case as respondents? what about the others na may cases na? i remember @banker was saying na may provision na ang primary card holder lang ang usual na nakakasuhan.
Delete@Sonnixx Haven,
DeleteYes, kasama ang Supplementary sa suit when it comes to credit cards. In the event na may judgement, both primary and supplementary are liable.
thanks for this info. It must be interesting how the banks would prove the actual utilization of supplementary cards holders. would be great to know the experiences of other defaulters.
Delete@banker baka pwede rin kayo maka share on this. Salamat.
@Sonixx Haven,
DeleteNasa Terms of Agreement usually ang liability ng supplementary.
However, you raise an interesting point. How does the bank prove the liability of the supplementary to pay for everything.
Legally speaking, the supplementary is also liable. HOWEVER, financial evaluation is primarily based on the Principal. one can appoint a supplementary CH even without financial capacity.even husbands are not liable if x x x x.
DeleteLastly, you can check the dispositive portion of any court decision where only the Principal CH is liable.
Thanks for this clarity @Retired Banker
DeleteSana maging HABBIT ng lahat yan, MAG BACK READ!!!
ReplyDeleteInhale. Exhale.Pray. Backread then Pray.
yes, yes, yo! maraming diskarte ang napag usapan na. backreading is the KEY.
DeleteAgree with @Mr.Kabado2.
Deleteback reading helps to lessen your anxiety.
nababasa mo ang diskarte ng iba at need lang tapangan loob mo to apply that said diskarte.
Hello! meron po ba ritong accounts na nagfile ng case ang PNB? I have defaulted account pero walang tumatawag na CA sa akin? nakakatakot kapag hindi sila maingay e
ReplyDeleteHave you backread po? as posted wala pa po nadedemanda si PNB. CA dont dwell sa account na alam nilang wala silang mapapala
DeleteBaka small amount lang delinquent nyo sa pnb..
Delete@BrianSureWood sir ung sa supplementary dapat ba kasama name nung supplementary sa suit and judgement? paanu kung wala nabanggit hindi liable?
ReplyDeleteMagandang Buhay po sa ating lahat. Ask ko lang po kun ang 2 cards sa rcbc, combination of 2.5million e possible n mas seryoso ang demanda ng bank. ksama n mga charges at nka bayanihan pa.po sya . Ksama n unbilled installment. Paano po unnganito case kun pagbyarin at walang sapat na pera para dto. Lahat po kc yan ay doon sa kumuha sa akin sa cards.
ReplyDeletehello. YES NAGDEDEMANDA SI RCBC lalo sayo milyon... but as posted dito na madaming beses kung walang pambayad edi wala...
DeleteHi po mam ilang mos ka na po defaulted sa rcbc..same po kasi may 2 cards din po ako sa rcbc defaulted 4mos.dami na din pong calls and text .
DeleteThank you po sa pagsagot. May oirmahan po kmi ng may utang talaga sa card, lahat po yan ay kinuha nya sa card ko. Nkalagay po sa pirmahan namin ay ay, SYA ANG MANANAGOT SA AMOUNT NA YAN PAG NAKARATING PO SA LAW FIRM. WITNESS PO AY ISA LN NKA SIGN. . ma valid po kya yan ganyan, kmi lan nag sign. At isa ln witness. Salamat po
ReplyDelete@Anonymous,
DeleteAng sinsabi nyo po ba ay iba ang gumamit ng card na sa inyo nakapangalan? Sana po bayaran kayo kung ganun.
Pero kahit may pimragan kayo, pag nagdemanda ang RCBC, kayo po ang idedemanda ng sa civil court, hindi po yung gumamit ng card.
Hello Admins and moderators, any suggested group sa fb regarding diskarte din sa cc debt natin? Thank you
ReplyDeleteHi po , isa po akong single mom and defaulter rin ng 4 banks.Hindi po sya millions per bank pero lumulobo dahil sa interest and penalties.Di narin ako nakarinig anything from the collectors since nagpalit na ako ng number , lumipat rin kami since di na pinaextend yung renting namin ng may ari at the same time wala narin ako sa work ko na kadeclare sa time na nag apply ako.Tahimik naman po buhay ko pero nakameet po ako ng lalaki na willing maging ama ng anak ko.At the same time since ofw siya nakabili kami ng lupa pero sken nakapangalan and paid it thru cash since ofw po sya.Lahat po yun pera nya.Question lang parang naparanoid po kasi ako , what if bumalik sila magparamdam sken?paano po yung lupa na nabili namin?sayang pinaghirapan ng bf ko kung ganun.Any advise po?silent reader po ako pero bumalik ulit yung pagkaparanoid ko kasi baka matrace yung lupa.Di pa po kami kasal pero baka po pag uwi nya possible po.Aware rin po bf ko na defaulter ako.Ayaw ko lang madamay sya at yung pinagpaguran nya para makabili ng lupa.Pls help me po.Salamat.
ReplyDelete@Anonymous,
DeleteUnless supplementary or guarantor mo ang boyfriend mo, wala po sya liability sa utang mo.
@BrianSureWood sir ung sa supplementary dapat ba kasama name nung supplementary sa demanda and judgement? paanu kung wala nabanggit hindi liable?
Delete@WorriedFather,
DeleteDi ko matandaan if kasama.
However, someone I spoke with said depende sa terms of agreement ng bank. BPI and SB include supplementary holders as liable.
ah ok po... anu kaya masusunod ung judgement or ung agreement, lets say sa demanda and judgement hindi kasama tapos sa agreement liable...
Delete@WorriedFather,
DeleteKung may kaso na po, judgement na po yan. And pag may judgement na po, ang i-enforce din po ay ang signed terms of agreement between you and the bank.
@BrianSureWood. Hi po, nag swipe po sya sa akin. Kasama na rin ibang cards na nagun po ay past due. D ko n kya abonohan. Bali po, na order sya sa akin items. Anything po. At alam nya n s acards kc sya namimili kun ilang months i convert un purchase. Pero ako po ang nag swipe . Fear ko po is, sa sobra laki d ko alam ang gagawin ng rcbc. Kc 2 cards. At may existing bayanihan pa both cards na dinpa tapos. Kakaopera ko ln po ng TOTAL HySTERECTOMY THABSO. Last March 15. Kya sobra po ang depression ko. Di na po ako nababayran.
ReplyDelete@Anonymous,
DeleteSana po mabayaran kayo ng nag-swipe para mabayaran nyo din ang RCBC.
Kung wala naman kayo ibabayad, wala naman magagawa ang bank kahit magdemanda pa sila. Yun nga lang, dahil di na kayo nakabayad, bad credit na po kayo at kayo ang naabala.
Tulad ng walang magagawa ang banko para pabayarin ka, wala ka din naman magagawa kung di ka kaya bayaran ng nagka-utang sayo.
Ako po sa inyo, wag nyo na po alalahanin yan dahil kung wala naman kayo ibabayad, eh wala din naman saysay ang pag-iisip.
Ang pinakamagandang payo ko sa inyo ay stay in touch with RCBC so alam nila na ako-contact kayo at alam nyo din ang next move nila. Wag ho kayo mag-iiba ng number para sila ay makausap nyo at makapag-areglo po kayo.
@BrianSureEasywood. Yes po, updated po contact no. At email at address ko sa knila.kahpon po may dumatin n letter from Molaer, may past due n pinapabyran . Nakikipagusap nman po ako , sinabi ko sitwasyon , no fund at naopera. at alam din po ng banko ms aknila p account ko. April lang po ako di nkabyad. Pero un mga
ReplyDeleteprevious n months pabalik dyan ay puro.min. until d n nka pay. . Salamat po. .r. BrianSureEastwood. God Bless.
@Anonymous,
DeleteHere is another tip. Kung di nyo po masu-sustain ang pagbabayad eh wag po muna kayo magbayad kasi masasayang lang po yan.
Magbayad po kayo pag ready at able na po. Do not pay because you are pressured or fearing na kayo ay makakasuhan.
Kung nagbabayad kayo at di nyo naman matatapos at ginagawa nyo lang para makaiwa sa demanda, eh pag di nyo natapos yan eh madedemanda din kayo.
Pay when able po, not by fear or pressure.
May nagparamdam na namang CA sa akin. Gusto ko na sanang i monthly na lang, defaulter ako 3 years na. Question, may experience ba kayo na kahit naka installment payment napasa sa ibang CA? Thank you.
ReplyDelete@Lacus,
DeleteMalabong mangyari na ipasa pa sa ibang agency ang account mo kung nakakabayad ka naman consistently.
Dati po nag monthly ako sa SP Madrid for around 11 months yata, 1500 each. Even so, may tumawag pa din sa akin na iba. So tinigilan ko na ang bayad. Nasayang lang pera ko.
Delete@BrianSureWood Thank you very much, naibsan ang nararamdaman ko na bigat. God Bless you po. Also, @ Banker @ mr. Kabado2. Salamat po
ReplyDeleteHi Po. I just received a text message that may writ of execution to seize property. May date at MTC branch pa.
ReplyDeleteWala naman Po ako natatanggap na demand letter? Ano Po pwede ko gawin?
@Anonymous,
DeleteDi po kayo ino-notify thru text pag may writ na. Kung updated number nyo, at bank po tatawag sa inyo para sabihan kayo.
Ang makukuha nyo po documents.
Pwede nyo din chexk yang MTC branch na yan by calling them.
Ano pwede mo gawin? BACK READ. The answer ay nasa mga backread.
DeleteHello po. Meron po ba ritong defaulted sa UnionBank Quick Cash Loan? Ano po scenario pag UB? Thank you po...
ReplyDeleteSa experience ko, wala naman tumatawag, pero basta nagkakalaman ang UBP account ko, nadedebit agad
DeleteThank you po, kasama kaya dun yung pag-ibig loyalty card?
DeleteHi po so far sa akin po di naman na auto debit ang ginawa ko po once received ni transfer ko po agad sa ibang bank ko po
DeleteThank you po....
DeleteHi po, its nice to be back at magbasa ng mga post dito. Nakaka wala ng anxiety! Pero my question pa rin po ko, meron po akong credit card default sa Eastwest Bank way back 2012 or 2011 ata. Im an OFW po, 2013 nang umalis ako sa pinas, before ako umalis ng pinas di na ko nakakabayad at wala naman akong narereceive na mga calls or emails regarding being delinquent. Until last week, may tumawag dito sa office namin kung san ako nagtatrabaho as OFW asking me to pay my eastwest card na umabot na raw ng 200K. Nakipag negot ako at angvending 50K na lang daw babayaran pero need ko magsubmit ngvhardship letter bakit di ako makabayad. Which i did with my signature pa. After that wala naman silang reply if tinatanggap nila ung condition ko na installment ung 50k kasi gusto nila in 1 shot . Tanong ko po, tama po ba nagsend pa ko ng hardship letter na my pirma ko pa? At ilang years po ba nawawala sa record nila ung mga delinquent, kasi a decade na ung lumipas bakit nakapag contact pa rin sila saken. Thanks po
ReplyDeleteparang ang tagal na nito ah. the CA crooks are very desperate to collect from you. since they know that you are earning and now are able to settle. But before yo do that, make sure that you are dealing with the legit people. dapat you have all the documents before you settle. better yet, you might consider dealing with the bank directly.
ReplyDeleteUsually ang mga collectors is ipapapunta ka pa din sa bank to sign some forms for your agreed settlement. Di ko pa naencounter na via CA lahat dadaan. Much better to contact the bank as well to verify the CA and their computation offer is legit
ReplyDeletehello po. pwede ba pumunta ang CA sa barangay para mag pa blotter? TIA
ReplyDeleteActually sinabihan naman nila ko na mag authorize ng ng person sa pinas para ipa process ang payments ko. Pero iyun nga po til now wala naman sila reply sa email ko about condition ko sa terms of payment. Sana naawa na lang din saken kasi lahat naman ng nilagay ko sa hardship letter is totoo. CKD patient ang tatay ko na kailangang ng panghbang buhay na gamutan, ganun din ang nanay ko na nag mamaintenance para sa diabetes niya at ganun din saken na nagkaroon ng mild stroke kaya may maintenance din for my hypertension. Nakakapagtaka lang talaga for how many years nagpaparamdam ulit sila. Parang may nabasa ako dito na kapag 10 years na close na yung file.
ReplyDelete@Anonymous,
DeleteMay prescriptive period po na pwede sila magdemanda sayo. May nagsasabi 7 years and may nagsasabi 10 years pero after nun di na sila pwede magfile ng case.
Di po nawawala ang file ng utang.
Hello.
ReplyDeleteShare ko lang nagyari sakin. Nag default ako sa CC ko sa BPI around 2016 and now nagka writ of execution niya nai hain 2023 na. I forgot na may bank account pa ko under my name na Non BPI bank and na garnish lahat ng funds ko sa account. Small amount lang naman enough para sa maintaining balance.
Tanong ko lang kung pati ba yung bank account under my Wife's name nung dalaga pa siya ay madadamay ng garnishment? Or kahit yung bank account under her name na naka declare ako ang asawa niya?
If natanggap mo ang writ of garnishment, dapat andun kasama. If di kasama ang wife mo, accounts mo lang ang hanapin. Better yet this time na di mo pa alam, withdraw muna funds sa mga bank accounts. Di naman need i-close accounts.
DeleteThanks po sir. Wala naman siya dun sa Writ. Naisip ko lang na kasi since conjugal eh baka pati accounts ng wife madamay.
DeleteYes wala na din po considerable funds sa bank account na name ko. maintaining balance na lang para di ma close yung accounts ko. Need ko din kasi pang encash ng check pero ililipat ko din kaagad sa ibang account once nag clear yung check.
Also damay po ba ang GCASH and Paymaya na naka name saakin ng garnishment?
@testing lang pwede po malaman complete details ng nangyari sa inyo? Same case mo defaulter ng bpi for 4mos. Salamat po
Delete@Anonymous,
DeleteDepende sa terms of agreement ng bank pero uless supplementary mo o guarantor mo ang asawa mo, hindi liable ang asawa mo.
hello po, pano po i have na ksi xtra money pero ndi po gnun kalaki balak ko sana makipag negotiate sa bank pra mas mababa ko na lang bayaran ung outstanding ko, possible po kaya un? and knno po dapat makipag usap? if direct sa bank, pano po? thank you
ReplyDeletehello po, i have xtra money pero maliit lang, plan ko po sana ibayad na lahat kaso d ko kaya ung full amt ng outstndng balance ko, possible po ba makapg negotiate sa bank? and if yes, pano po ba ggwin ko? punta po ako bank or email? sino po eemail ko pp? thank you
ReplyDeleteContact the bank directly, either tawagan mo or mag emai ka, or punta ka sa branch mismo.
DeleteHello po ano kaya pwedeng gawin meron kasi text na CA na magtago nalang daw kami ngayon po may nakita mama ko na naka motor bumaba po yung isang lalaki doon banda sa garahe namin tapos parang spy ang peg nila. Ano pwedeng gawin sa kanila? Natakot po kasi kami baka may masama silang gawin sa amin po.
ReplyDeleteKunan nyo ng video at magtawag ng police. Sila ipa-blotter nyo. Harrassment yan.
DeleteSaan pwede mag file na complaint dito sa CA? Na receive kami ng text " ang kapal daw ng mukha namin na enjoyin yung pera na inutang tapos ngayon nagtatago daw kami" Fyi po nagamit po yan dahil walang wala kami malapitan nung panahon na naghirap kami wala matakbuhan kaya napilitan ako na gamitin agg CC nayan. Gusto naman namin magbayad ayaw nalman nila pumayag na installment kasi one time talaga gusto nila e hindi naman namin kaya pa ganyana na amount.
ReplyDeleteNasa Enzi corporation ang account namin possible ba na sila yon?
ReplyDeleteAno pwede ireply sa ganon ? "Tingnan natin kung hanggang saan yang kakapalan ng mukha nyo matapos nyo enjoyin magatatgo kayo" harassment na to e. Patulong po ano pwede ireply sumosobra na talaga sila :(
ReplyDeleteEmotional blackmail tawag dyan. baka more practical na i-block mo na lang numbers nila. Huwag ka paapekto. You don't owe them your sob story sa buhay. Their only goal is to collect from you. So diskarte ka lang. Chill.
ReplyDeleteDiskartes are found under " Unfair Debt Collection Library"
Deletegusto ko sanang mag-help but somebody promised to give me 2 jollibee yumburgers for my advise, pero na scam ako!
lol!
maybe you can send my consultation fee thru Sonnixx first before you can call me. Deal?
hahaha...
good day po! sino na kaya dto nakapag try na from like 200k na utang possible kaya 50k na lang pra maclose acct, pumayag kaya si bank?
ReplyDeleteSaken nangyari yan with Eastwest Bank. 200k+ ung due amount daw, nung una pinabayaran nila around 120K but then again sinabi ko ung current situation ko kaya sila na mismo nagsabi na 50K na lang bayaran ko in one shot pero wala riin ako ibabayad saknila kaya nakiusap ako na 10k per month na lang. Til now di na nila konnireplyan.
DeleteWhich bank po ba? depende kasi yan. best if you can call straight sa recovery dept ng mga banks kung saan defaulted ka. Minsan naman may good deals nabibigay ang mga collection agencies.
DeleteFrom my experience Eastwest Bank lagi yan sila nag padala ng text na kasama ang CC acct ko for amnesty, at nun nagkaluwag luwag na from 209k defaulted with interest they offered 12k. Sept 2022 yan. grab ko na. aarte pa na ako?
Pero bago nila ako text at inalok ng ganyan, mga 6-8 months prior lagi sila text iba iba amount may times na 50k may times na 89k may time na 28k.
With Metrobank naman dito lang din nakuha yun diskarte, if you find the time to read old posts at go thru the comments may nag comment/share how na settle niya ang Metro CC niya by answering calls from the collection agency nun ready na siya makipag deal at may saktong pera pambayad. at ask kung ano ang alok nila sa one time payment.
sinabayan niya ng kausap din sa mismo recovery dept ng Metrobank.
Pero sa akin tumawag mismo from Metrobank collections dept at bayaran ko defaulted amount which was 35k to close the acct. sakto nakaluwag luwag din ng mga panahon na yan grab ko na.
@Anonymous,
DeletePosible pumayag ang bank kung one-time payment o sa sobrang tagal na ng default di na sila.pwede mag-file ng case sayo.
@alexa
DeleteMagkano default mo sa metrobank? Tia
nakaka manhid na din makatangap ng mga ganito. Same thing over and over.
ReplyDeleteATTENTION:
(c/off BRGY CAPTAIN / BRGY OFFICIALS)
For your immediate assistance
You have left us no choice but to pursue “SUIT CASE” Immediately.
We hope that you fully understand the risk of being served with SUMMONS and COMPLAINTS to appear in court without further notice. We strongly advise you “NOT TO DISPOSE, SELL, TRANSFER your real and personal properties” we should be otherwise officially listed down by the Court Sheriff.
WRIT OF PREMILINARY ATTACHEMENT WILL BE ISSUED BY THE COURT AND WILL SERVE AS SOON AS POSSIBLE.
You have 24 hours to prepare your legal defense.
FOR THE FULL DETAILS YOU MAY CONTACT US: 0965-901-5209 look for Ms. Jasmin Cruz (Secretary)
ATTY. NORMAN V. PAMINTUAN
Wala yan, ignore lang kasi same old script. Wala pambayad pa eh. Bahala sila lol.
DeleteHello po, does anyone can applied for cc even if has bad credit score?
ReplyDelete@Anonymous,
DeleteKung yung bank kung saan ka nag-apply ng card eh ang ginagamit na credit report eh di lumalabas ang utang mo, makakakuha ka ng card.
In my case, iha ang score and status ko sa Transunion and CIBI.
Pwede ka din mag-apply ng card kung saan may deposit ka sa bank and iho-hold nila yun habang may card ka sa kanila.
Kung madami ka din pera sa isang bank, posible din bigyan ka ng card.
Meron na rin nakakuha ng CC despite the low credit score. Swertehan lang din. Other way to do it is to get a CC out of your time deposit. But I am thinking, what for do I need a CC with my experience. Well, your choice 🤣
ReplyDeleteHello! Mam Sir. Defaulter po ako ng SB at the same time nasa kanila po ang car loan ko. Updated po ang payment namin don kasi ang nagbabayad ang kapatid ko. Ngayon po itatanong ko lang once na matapos na po ba namin mahulugan ang car may possibility po ba na hold nila ang docs ng sasakyan? Salamat po
ReplyDeleteDepende po ata sa bank. In may case, deflaut ako sa mcc yng car loan na sa kanila din. Nong na fully paid na yng carloan na e release naman nila yng papers. Pina transfer ko agad sa name nang father ko yng car kasi sya naman talaga may ari nong sasakyan at nag bayad ako lng yng nag carloan para sa kanya. Thanks to banker na nag bigay nang advise sa akin ano yng gagawin ko, deflauter na ako sa mcc that time eh. Forever grateful sa kanya. Salamat banker.
DeleteAno po ang ginawa nyo sir? Binasa ko naman po ang agreement namin with SB Car Loan. Wala kasi nakalagay don na pwede nila hold kung sakaling may obligation ako sa CC nila. Pwede ko ba ilaban yun? Thank you
DeleteGreat experience to ah. So therefore ibat ibang ways ang banks.
DeleteMahirap yung issuance ng papers after full payment. So ang unit naka encumbrance pa rin sa bank even after full payment. Yung may actual experience can share more.
ReplyDeleteSimilar situation ko with BPI car loan na matatapos by October pa.Naka ready na ako in the event ma hold papers ko. This is part of the life of a defaulter.
Sakin wala ako default or credit card sa EWB and andun din car loan ko patapos na next Jan. May chance pa din ba sila mag hold po? Kahit sa ibang banks ka may default?
DeleteThis comment has been removed by a blog administrator.
Deleteano po gagawin mam Sonix if ever i hold yung papers.. 1yr to go nalang po car loan namin kung saan defaulted din cc ko...
DeleteMeron po ba dto pwede mag explain about writ of execution at salary garnishment regarding sa credit card debt? Salamat po
ReplyDeleteKasuhan ka muna. Talo ka of course. Execution, then garnishment. Na explain nato many times dito. Magbasa.
DeleteQuestion po, asawa ko po ay defaulter sa ilang bank at ako po ang nasagot ng mga tawag kase nagkaka anxiety na sya kada natunog ang cp. Magkakaproblema po ba kame kung ako ang nanasagot ng tawag, pambabae po kase ang name nya kaya kapag hinahanap sya via call naoo nalang ako kapag sinabing Ms. May bad impact po ba kung sa record nila Ms. ang mister ko? Salamat sa sasagot.
ReplyDelete@Anonymous,
DeleteDi po kayo magkaka-problema kahit kayo makipag-usap.
And bakit magkaka-anxiety? Pwede naman sabihin na wala ka pambayad for now.
Always we said na diskarte talaga natin paano mag handle ng mga CA crooks. This is psychological and emotional game. If we are not equipped with right diskartes, magka anxiety and panic attack tayo. Buhay natin to. We decide.
DeleteHello po kapag po ba nag open kami ng bank account under po sa name ng anak po nmin for their education po,hindi po b ito masasama kapg po may writ of garnishment na
ReplyDeleteMaraming Salamat po
Hindi po.
ReplyDeleteThank you po sir Sonnix Haven❤️
Delete5 Months na akong defaulter, At ayun na nga kinusap ko Recovery Dept for my 2 HSBC CC nakipagnegotiate to close the account on one time payment but 50% discount ayoko kasi ng installment, ayaw nila interest and fees lng daw pwede nila idiscount. At dadaan parin kay CA (Prime Alliance) sabi ko ayoko na makipagusap sa CA dahil mga bastos. Sila daw makipagcoordinate in behalf of me.
ReplyDeleteTahimik sa ngayon mga 1 month na di nagpaparamdam si CA (Prime Alliance) sakin, Ang worry ko lng baka i-alert ni bank si CA na sabihin may pambayad ako at iharass ulit ako eh 50% nga lang kaya ko.
Ano kaya pwede sabihin Kay CA pag nangulit na nman. Thank you po.
Ano po ang masasabi nyo kay metro once na na default na acct ..sla po ba ay nagbbgay ng amnesty? Kung mga 200k po ang naiwan ko bayaran pde po ba na ipababa ang 200k? Sana may mkasagot sa tanong ko salmat po
ReplyDeleteJust like any other credit card, singilin ka. Ipasa sa CA crooks, mag file sila ng sum of money case. All of the diskartes nandito na. Magbasa
Delete@Ty U Tang,
ReplyDelete5 months ka pa lang defaulted so they are going to exhaust everything to get paid. Malabo ka makakuha ng malaking discount dyan.
Thank you po @BrianSureWood so diskarte lang muna talaga hanggat wala pa pambayad.
DeleteIsa din po ako credit card defaulter.
ReplyDeleteGood afternoon po!
ReplyDeleteAt ito na nga po ang kinatatakutan ko, nalaman na nga ng CA ng RCBC na currently working ako sa dati kong company, dahil nung last na tawag nila is binabanggit na nila na nag email daw sila sa HR naming at nag confirm daw na active daw po status ko sa trabaho at kesyo daw po nagka conduct na ng investigation ang HR naming, since medyo mabait nanam HR naming nagconfirm ako sa kanya, and nalaman ko na wala pa lang ganung pangyayari, hinuhuli lang ako ng CA na kausap ko na sa kasamaang palad eh nahuli ako dahil sa sobrang takot ko, at nahihiya din ako malaman ng mga boss ko kasi mababait naman talaga sila. Naka usap ko ung CA from RGS RECOVERY MANAGEMENT and COLLECTION SERVICES, ung Jennifer Mendoza, ang total amount na obligasyon ko sa kanila is P69,870.05, may discount daw kapag binayaran ko ng 1time payment before May 24 magiging P30k na lang daw,nakipag usaop ako na gagawan ko paraan kaso parang ayaw ng CA, gusto agad agad babayaran ko bukas kasi humingi daw ako proposal sa kanila, kapag di ko daw binayaran, pasensyahan na lang daw kami, gang dun na lang daw ang extension nila. Please enlighten me, aside po dito sa utang ko na ito, meron pa akong utang sa ibang card pero same bank pa din RCBC pero mas malaki amount nasa P110k pero ibang CA naman may hawak.
Di ako makapag focus sa work. :( di na rin po ako makatulog ng maayos. Ano po kaya pwede kong gawin or sabihin sa Ca para tigilan na po ako.
Good afternoon po!
ReplyDeleteAt ito na nga po ang kinatatakutan ko, nalaman na nga ng CA ng RCBC na currently working ako sa dati kong company, dahil nung last na tawag nila is binabanggit na nila na nag email daw sila sa HR naming at nag confirm daw na active daw po status ko sa trabaho at kesyo daw po nagka conduct na ng investigation ang HR naming, since medyo mabait nanam HR naming nagconfirm ako sa kanya, and nalaman ko na wala pa lang ganung pangyayari, hinuhuli lang ako ng CA na kausap ko na sa kasamaang palad eh nahuli ako dahil sa sobrang takot ko, at nahihiya din ako malaman ng mga boss ko kasi mababait naman talaga sila. Naka usap ko ung CA from RGS RECOVERY MANAGEMENT and COLLECTION SERVICES, ung Jennifer Mendoza, ang total amount na obligasyon ko sa kanila is P69,870.05, may discount daw kapag binayaran ko ng 1time payment before May 24 magiging P30k na lang daw,nakipag usaop ako na gagawan ko paraan kaso parang ayaw ng CA, gusto agad agad babayaran ko bukas kasi humingi daw ako proposal sa kanila, kapag di ko daw binayaran, pasensyahan na lang daw kami, gang dun na lang daw ang extension nila. Please enlighten me, aside po dito sa utang ko na ito, meron pa akong utang sa ibang card pero same bank pa din RCBC pero mas malaki amount nasa P110k pero ibang CA naman may hawak.
Di ako makapag focus sa work. :( di na rin po ako makatulog ng maayos. Ano po kaya pwede kong gawin or sabihin sa Ca para tigilan na po ako.
@Anonymous,
DeleteEh ano ngayon kung nalaman ng CA kung san ang work m o?
Una, wala naman pwede gawin ang opisina mo regarding your employment kung may utang ka. Your office won't even entertain that or should not entertain that.
Tell them wala ka ibabayad and move on. Di po problema yan.
Hello po,
DeleteGanyan po tlg CA ng RGS Recovery napakatalas po ng dila magsalita saken before hinayaan ko lang magdaldal siya sa telepono hanggang sa napagod hindi na ako natawagan ulit kasi paulit ulit lang naman kame sa telepono ayaw niyang maniwala na wala enough fund magbayad eh di wag. Hindi ka naman po mapipilit magbayad kung wala ka talaga enough fund para magbayad kung sapat lang ung sinasahod mo para sa mga bayarin at pangangailangan mo para mabuhay wala sila magagawa. Titigil din po sila kapag alam nilang wala sila mapapala sayo.
Lulubog lilitaw yan sila. Di yan sila mapapagod hanggang pwede sila maningil ng maningil. Hayaan mo sila. hehehe
DeleteMany times sinasabi na emotional, psychological game ginagawa ng CA crooks. See, naisahan ka ng CA crooks dahil naniwala ka sa kanila.
ReplyDeleteBakit ka takot na malaman nila kung saan ka nag work? Personal issue mo to, hindi issue ng opisina mo.
Pag wala ka pang pambayad, eh di wala. Dare them, "sue me". Basa ng diskarte dito.
Salamat po, pero what if ifile nga po nila ng case, need ko po ba abogado dun?
ReplyDeleteSalamat po ng marami, if mag file po ng case sa court, need ko po ba ng ng lawyer dun?
ReplyDeleteNo need. Use your funds to cover your priority needs. You better read the many posts here. You will learn a lot.
ReplyDeleteSalamat po sa pagsagot, kahit papano nababawasan po ang bigat ng nararamdaman ko😊
DeleteHello po..ask ko lang po if ever may pumunta po na CA na may kasamang barangay ano pong documents ang pwede ko hanapin sa kanila.kasi nabasa ko po dito na if ever puntahan ng barangay ask them if may dala sila (CA) na documents..thanks po
ReplyDeleteWalang pakialam ang barangay sa personal na credit card default issue with corporation. Di kasama sa legal jurisdiction ng barangay. Pag hinarass ka ng CA crooks, yan pwede mo sila ipa barangay o ipa-blotter sa police.
ReplyDeletePag magpumilit, hanapan mo nito.
I. Collector's Personal Data
- 2 valid Identification Cards ( Company ID and Government-issued ID)
- Authority To Perform Specific Acts as Collectors
- Approved Assignment of Accounts of the Collection Agency
II. Collection Agency
- Collection Arrangement between bank and Collection Agency.
- Notarized Secretary's Certificate or Board Resolution of the bank :
a. authorizing appointment of specific Collection Agency
b. authorized signatory for the bank
- Copy of Bank Endorsement as required by BSP Cir. 702
- Collection Agency's Authorized Delegated Compromise Terms,Conditions and Limitations
- Collection Agency's authorized signatory and specimen signatures
III. Statement of Account
- Latest and dated Statement of Account
- how much is owed ( principal, interest, other charges, expenses etc.)
- Indicated applicable rates
- Indicated covering periods
- signed by authorized signatory of the bank
IV. FORMAL OFFER
- in writing
- duly signed by Collector
Thank you very much po sir Sonnix..your reply is very much appreciated ☺️
DeleteSinunod ko po ung suggestion nyo sir, ayun nagalit ung CA sa akin. Ang dami ko pa daw na palusot. Matuto daw ako magbayad. Pag pinrovide daw ba nila yan babayaran ko daw ba ng buo. Sabi ko tignan ko kung may budget ako pero need ko makita muna mga yan. Ayun nagtaas ng boses, naninindak pa, utang daw ako ng utang wala naman palang pambayad. Ayun nag drop ng call.
DeleteIn short epektib. Thank you po
See. Dapat marunong tayo paano i-manage ang CA crooks. Sayang ang energies and emotions natin pag magpapatalo tayo sa kanila.
DeleteAt the end of the day, sabi nga ni @reTIRED banker - "sue me in court" remains the best strategy para lalo sila magalit.
Gudam po, mgtanong lang po sana, meron po kasi akong issued cheque for Citibank nakahiram po ako pra pang negosyo ko unfortunately wla pong ngbayad sakin sa mga pinahiram ko, ngyn po ang tanong ko po dahil nkpagissued po ako ng cheque sa ngyn po wla na po akong funds pra po malagyan ung checking account ko tatalbog po ba yun, ang tanong ko po ok lng po kaya na iclosed ko na po ung checking account kung San meron akong inissued na check, d po kaya Yun tatalbog kc natatakot dn po ako dahil bka po makulong po ako, pede Nyo po ba akong payuhan ang Plano ko po Sana iclosed ko na ung checking account , tatalbog po ba yung kung closed na po ang account? Salamat po
ReplyDeleteSyempre tatalbog yun. Pag di na kaya, eh di closed mo na account mo. Walang fraud dun at di ka makukulong. May similar experiences sayo dito. Basa lang.
DeleteHello po may naka encounter na po ba dito sa ARM collection? Kamusta naman po sila nag ha house visit po ba sila?
ReplyDeleteTreat all other CA crooks the same, with main goal to collect however it takes. Syempre at our expense, di lang pera pati na emotional and psychological stresses. Basa ka lang dito para matuto ng diskarte.
ReplyDeleteSalamat po sonnixx haven, GOD bless po sating lahat
ReplyDelete@sonnixx haven ask ko po kelan ung pay when able at kelan nagiging garnishment ang hatol ng court sa small claims po.
ReplyDeleteIf ever garnishment, salary po ba ito? Meaning hindi ka na sasahod hanggang mabayaran sila?
Depende yun sa mga lawyers ng banks. Ibat ibang experiences ang na share dito. ang iba nga, after execution, more than two years pa nangyari ang garnishment. usually, bank accounts lang ang garnishment, and dapat one-time lang. withdraw mo lang agad sweldo mo pag pumasok na.
DeleteHello pwede po makahingi din tip ano gagawin if yung autoloan ay sa defaulted bank? Kukunin po ba nila ang car? Di po ba marelease ang documents like ORCR at mortgage? Patapos na po kase ang loan tinapos ko bago yung sa utang ko sa cc naman yung ayusin ko next
ReplyDeleteDepende to sa banks. May nag share ng recent experience, na nakuha niya auto documents niya after full payment. Sa bank na my CC default siya.
DeleteI have yet to process mine with BPI in November. I look forward na makuha ko rin docs ko. Hehehe
Hi po. Tumawag po sa akin ang Aiqon Unicorp at naniningil nga po, need ko lang daw po maginitial ng 6k then monthly na 1k. Gusto ko po sana kaso nga lang nananakot po sila, na kapag hindi ako nakapagbayad irereport daw po sa BSP,CMAP since nagtratrabaho po sa isang Rural Bank at bawal na bawal daw ang may utang na nagtratrabaho sa bangko (alam ko hindi) at sabi pa po sa akin pupuntahan daw ako dito sa work ko at makikipagusap sa manager at sa kanya makikipagnegogiate regarding sa payment ko at maaring din daw akong ipatanggal sa work ko. Stressed na po ako. Pwede po ba nilang gawin to? Salamat
ReplyDeleteNaniwala ka naman? Magbasa ng diskarte sa ibang post. Don't believe in their lies. Pag di pa kaya, unahin ang needs muna.
DeleteHello po wala pong kaso kung nagwowork ka sa rural bank at may utang ka sa CC hindi ka naman tatanggalin ng employer mo bkt ka tatanggalin? Eh mas kailangan mo na may trabaho diba. Ako po nagwowork po ako before sa commercial bank nung nadefault ako sa mga cc ko during pandemic hindi naman ako tinanggal sa trabaho kakaresign ko lang last March at currently naghahanap ng new work. Kung hindi pa po kaya magbayad wag ipilit unahin po muna ung mga pangangailangan natin. Makulit po tlg mga CA kasi trabaho nila yan.
DeleteAsk ko din po yung Metrobank po ba nagbibigay ng amnesty or big discount po?
ReplyDeleteMag offer yan pag matagal na defaulted ang account mo.
DeleteHi Admins.
ReplyDeleteQuestion po. Paano mapapatigil kakatawag sa office phone number ang mga CA? Nakakainis na kasi CA ni EWB early in the morning pagtungtong ng 8am natawag na agad sila. Nkakaistorbo na kasi sila sa office transactions. Lagi ko sila inaadvice na wag na tatawag sa office phone, may email naman kako ako sakanila dun nila ako kausapin sa offers nila para may black and white ung convo namin.
Kaso makulit parin everyday tawag parin kahit sabado. nakakahiya na sa unang nakkareceive ng call dahil naiistorbo na rin sila. Baka kasi ma-taon na ung pinaka boss na namin ang makasagot mapapagalitan ako. hays.
Difficult to control the CA crooks not to call your office. Manage it from your end. Sabihan na lang taga sagot sa phone nyo, you don't take personal calls. Drop the call na lang pag may magtawag. Back read din sa ibang post for diskarte.
ReplyDeleteAsk ko lng po kung tinatangap nmn yung letter galing sa CA at sumasagot sa call and text at email..pupunta pa b sila kung saan nag wowork kht bnbgay nmn sa address nmin?
ReplyDelete@Anonymous,
DeleteVery slim chance na puntahan ka pa ng CA pag natatawaganno nakakausap ka pa nila sa email, text or phone.
once ma contact ka pa nila, baka unlikely na pupunta sila sa office. but still, the possibility is there. ang CA crooks ay gagawin kahit ano basta maka collect sila. pag pupunta sa office naman, eh ano ngayon. pag magwala sila sa office nyo, ipadampot mo sa guard. hehehe
ReplyDeleteLegit po ba ito? Pag nakasuhan na ba may matatanggap na ganito? Anong pending documents pinagsasabi po neto? Wala naman ako recent transactions with government or anything para masabi na may "pending documents" ako na need ipasa or what. Tapos hindi pa sinabi sa email kung bakit nila ako kino-contact.
ReplyDeleteSubject: URGENT ATTENTION: PENDING DOCUMENTS
Name: Maureen Imperial
Email address: mimperial.pmoc@gmail.com
Email message:
Attention: (name ko nakalagay)
Good day!
We tried calling you several times but we didn't receive any response from you. This is a very important matter that's why we were trying to reach you, please cooperate with us as soon as possible to avoid legal action like for barangay assistance near you.
Nevertheless you can give us a call @ 0963-5975-808 / 0953-2896-485
to avoid further escalation of this matter.
Thank you
Regards,
Maureen S. Imperial
Philippine Mediation Center.
608 Ermita Manila,1000.Metro Manila
Naku, delete na. CA crooks lang to. Hirap pa sa grammar. Philippine Mediation Center kuno, tapos ang email nanakot. Pesteng kotong kolektor lang to.
DeleteSalamat po Sonnixx Haven. Pero sinearch ko yang name nya sa facebook. Nakalagay sa profile nya "Worked as research assistant sa [Philippine Mediation of Court]". Haha. So di ko alam kung umalis naba sya doon at lumipat sa CA. Pero sinearch ko rin ung address na nakalagay dyan sa signature nya, ang lumalabas ay isang company na CARGO FORWARDER. Hahaha. Nakakaloka. Binasa ko nang paulit ulit ang enail, inisip ko kung taga korte, bakit may pa-barangay eme pa? Mag-aaksaya sila ng panahon na ipabarangay ako?
DeleteSomeone email me galing daw sa Phil.Mediation center ng supreme court. Regarding sa pending documents possible ba na collector to? Wala naman ako matandaan na pinasa eh
ReplyDeleteSee above. Ikaw pa rin to?
ReplyDeleteBaka naman pwedeng maglagay ng names ang lahat pag magpost. Very easy lang "Comment as: xxx, type anong gusto mo" salamat.
Ibang tao po yang nagcomment na may nag email din daw sa kanya (galing Phil. Mediation Center kuno). Hehehe. Sorry po.
DeleteXOXO
Same CA crooks yan. Pareho kasi diskarte nila.
DeleteAgain, mas maganda lagay kayo ng name nyo para hindi "Anonymous"
Hello po,
ReplyDeleteI am bit worried po today. May nareceive po ako na form4 SCC - notice of hearing po kahapon and today na daw po ang hearing. Meron po nakarceive ng ganito dito?
Galing ba sa court yan talaga? Or baka galing lang kay CA crooks yan. Kung sa court talaga, eh di mo naman need na mag attend kung wala ka talagang pambayad. Hayaan mo na lang. Tagal pa yan from judgment to execution hanggang garnishment. Let it be. Tuloy ang diskarte mo.
ReplyDeleteHello po, Sir Sonnixx silent reader po here very helpful po ang advice nyo but this one parang natablan po ako ng kaba. An email from Litigation department daw po. But I wonder why plaintiff is Credit management bureau hndi ang bank mismo. But wala nmn ako narereceive na hard copy.
DeleteAnother budol ng CA crooks to. Dapat ang bank ang magkaso sayo. At ng notice should be delivered to your address. Again, kalma ka lang. Kahit ilang kaso pa yan, at matalo ka, at wala ka pa ring pambayad, eh di wala. Focus muna sa diskarte sa buhay. Chill, relax, pray!
Deletemagandang buhay sa ating lahat. Update ko lang po kau. Ako po un nag ask dati n may 2.5 million estinated na bill 2 cards sa rcbc at unbilled n bayanihan na existing. Nka 2 final letter na po ako from alexis Maer law firm. I transfer na dw po sa hiher collection ang acvount. Eto po dumating sa email knina, bali sa isang card pa ln po ito
ReplyDeleteDear ...
We understand your current situation and we would like to offer you an arrangement to help you lessen the interest incurring in your account. Below are the payment options applicable in your account ending in
Our Payment Arrangement Program is computed at 1% interest rate for a maximum of 36mos terms with the ff terms and conditions:
⚫the account will be blocked permanently.
In view of the arrangement, your other Bankard credit card will be blocked permanently.
Reactivation of account will be subject for approval by our credit committee upon full payment or after the term.
. Your monthly statement of account cannot be adjusted to reflect our arrangement.
Upon 1 month default in payment, the total unpaid balance will be rendered immediately due and demandable. Your account will be referred to our Recovery Department for proper legal handling. · a Debt Acknowledgement and Repayment Agreement Form (DARA) will be sent via email for signature.
Computation for Payment Arrangement
Outstanding Balance: 745,735.14 Unbilled Installment: 464,228.47
Negotiated Balance: 1,209,963.61
12mos: 112,929.94
24mos: 62,514.79
36mos: 45,709.74 Payment Due Date: 1st payment on or before May 20, 2023 then succeeding payments every 14th of the month starting June 2023
Kindly advise your preferred payment option on or before May 20, 2023 and pay the amount required.
Thank you.
____________________
Yan po un sa email nila knina. Di ko pa po masagot. Wala p ako pambayad at di galaga kakayanin. At un may utang po sa card na amount na iyan ay di pa po nkakabyad sa akin.
Salamat po sa maaring makasagot @banker @briansurewood or kahit sino po may kaalaman po dto.
From Melay po, code name
ReplyDelete@Anonymous or @Melay,
DeleteMalaki po yung bil, pero kung wala ka naman ibabayad, ano ang magagawa mo at ano ang magagawa nila?
Just make sure they are able to contact you and you reply na wala ka papambayad.
Normal mag-alala pero wala naman sila magagawa. If tyey file a case, that will take years, and if they win, wala din naman sila makukuha pag wala ka pera.
mas malaki pa ang cumulative defaults ko dito sa more than 10 banks. noong una, nanginginig ako dahil di pa ako marunong mag manage sa mga CA crooks.
Deletepero after three years, parang naging manhid na ako. pag walang pambayad, di muna pilitin. pag maka ahon na ako, unahin ko ang banks na di nag file ng cases sa akin. o di kaya, i-donate ko na lang sa orphanage or magbigay ng scholarship sa mga bata.
meanwhile, tuloy muna ang diskarte sa buhay.
Pag di sila makasingil sayo, ililipat lang yang account mo sa ibang CA crooks. Eh ano ngayon? Diskarte pa rin ah. Sinabi mo na ang gusto mong isagot. "Wala p ako pambayad at di talaga kakayanin."
ReplyDeleteREMINDER!!!
ReplyDeleteMR/MS. TOLENTINO SHANNE CAMILLE,
This is to inform you that we will be conducting an Asset checking/ Financial Status evaluation on declared residential/ business (COMPANY/EMPLOYER) address possible May 22, 2023.
This is to determine the practicability of recommending the possible filing of civil and/or criminal charges against you and your spouse if any.
For the veracity of the message, you may call at 09067186900 (calls only).
Thank you.
Nakakaloka na talaga mga CA ngayon. Hahahah kakauwi ko lang at yan agad message na yan ang nabasa ko. Mukhang mag oocular bwisit ang mga bwisit. Hahaha. Kala mo events place para mag REMINDER!!!
MR/MS. TOLENTINO SHANNE CAMILLE,
This is to inform you that we will be conducting an Asset checking/ Financial Status evaluation on declared residential/ business (COMPANY/EMPLOYER) address possible May 22, 2023.
This is to determine the practicability of recommending the possible filing of civil and/or criminal charges against you and your spouse if any.
For the veracity of the message, you may call at 09067186900 (calls only).
Thank you.
Kakauwi ko lang at yan agad bumungad na message sakin. Hahaha nakakaloka na talaga ang mga CA ngayon. May pa ocular inspection yata hahaha para ievaluate ang assets ko. Puntahan man nila bahay ko di naman sakin to sa parents ko to kaya wala silang mapapala. Hahaha 😂 ni hindi manlang nagpakilala kung sino siya o anong collection agency siya galing jusmiyo 😂
nakatanggap ako ng similar message few months ago. sagot ko - "uy, welcome kayo sa house. ilan nga kayo para maka prepare kami ng snacks?" ayun, lalo nagalit. di naman talaga sila pumunta sa bahay. at kung pupunta man, pag wala silang legal docs na maipakita, tawagan ko ang guards, or ipa-police ko sila.
ReplyDeleteTama po kau, d talaga maiwasan mag alala. Pero mula nun kakahanap ko sa google ng mga related sa unpaid cc, at nadiskubre ko itong page na to e talagang nakatulong ng malaki sa emotional stress ko. Nag update lang po ako kc nasa higher collections na. Bago sa pa dinig ko po. At isang card p ln ng rcbc ito. Rcbc n isa nsa 1.5m po ata Malaki po talaga lahat ng cards, bpi nsa 1.2m. ewest 1m din po. Bdo 600k pkus at metro 600k plis. All charges included. Ang nabbayran ko po s angaun ay un maliliit lng n ibang cards. At iisang tao lang po ang yan na may utang sa akin. Salamat po @briansurewood @sonixxhaven. Wag kau magsawa po na mag share ng inyong kaalamn. God bless
ReplyDelete@melay
DeleteMalaki mag discount ang bpi. Sa akin from 289 down to 32k. Ang isa ko bpi 55k naging 18k nlang. Pnb 155k dscount 42k. Sa bank ko nakipag usap. Sana ang metrobank at eastwest ma deal din cla ng ganyan. Hirap nila kausap. May rcbc ako maliit lang monthly 1500 at 1200.
Hi po @Melay ask ko lang po kung ilang mos napo kayo defaulted.medyo same po tayo situation medyo malalaki po defaulted MB 1M plus na po.ung ibang cards po nasa 500k na din po..di pa po ba sila nag oocular visit..kausap ko po kasi ung rcbc mag ocular daw po.sabi ko nga why need mag visit e nakakausap naman ako sa phone.para daw makita kung capable magbayad.medyo nag worry lang ako kasiwala pa talaga pambayad di naman pwedeng basta basta ibenta kotse para bayaran lang sila
Delete@anonymous..mam ilang mos or years po bago kayo nabigyan ng malaking discount ni bpi at pnb.
Delete@kunting tiis pa
Delete2020 ako na default sa bpi. 2022 ako binigyan ng discount. Sa pnb ng offer sila agad sakin. Sa bank ako makulit sa tawag kahit panay pasa nila ako sa collections.
Between 2020 to 2022 hindi po talaga sila nag demanda..occular visit or ano po na experience nyo mam..ang laking discount po kasi binigay nila..sana ganyan din po sa akin.thanks po sa reply ☺️
DeleteSa bpi naka apat ata ako collections. Puro sulat at calls until may isa collector sinabihan nya ako na wala din cla magagawa kung wala ako ibabayad. Sabi ko lang hayaan nila ko makipag usap sa bank until mabayaran ko.
DeleteHi @Melay. Happy that you found this blog. relate ako sa iyo lalo ng nun mga panahon na bago bago lang ako nag default.
DeleteMukhang similar din tayo kasi same din sa akin nag tiwala ako na mababayaran ako nun naki ride sa CC ko. kaya super lesson learned the hard way.
Dito sa blog ni Banker at ni Miss CherryLou tangal anxiety ko pag nakaka back read ako sa mga comments kung paano ang diskarte ng iba iba defaulters. Isa lang lagi na mention dito ng mga ADMINS ang gamitin ang mga diskarteng nababasa dito (thru the comments) wag pasisindak at lagi isipin na kahit defaulter tayo may RIGHTS din tayo. :=)
sa dami ko naranasan at na share ko na dito tulad nun kinukulit ako sa office ng tawag at tumawag sa mismo HR namin or yun ang kulit na nag pa- receive sa office reception ng sulat buti na lang trained ang mga receptionist namin at barado sila nasasabihan na kung personal matter di sila nag receive. or yun pati admin officer at mga guards on duty ng condo eh binuburaot nila; buti na lang alert yun admin officer ng condo at nag tawag talaga ng tutoong police at tinuruan ng leksyon kuno kuno "police" na nag pakilala na kasama nun collector.
Dito sa blog na eto dami ko nadampot na diskarte at apply ko sa sarili ko :=) unti unti nabawasan ang anxiety.
dahil may intention naman tayo lahat mag bayad base on experience si EWB madali kausap.
Lagi ako nakakatangap ng verification code sa mobile number ko, linkend, facebook etc. Simula naging defaulter ako. Pilit binubuksan siguro nun collector un mga account na nka bind sa info na hawak nia, kayo ba?
ReplyDeleteLuma na to. Naglipala kaya ang mga scammers, kasama na ang CA crooks.
Delete@AnonymousSaturday, May 20, 2023 at 9:59:00 PM GMT+8
DeleteI had the same experience with my LinkedIn account. na restrict tuloy.
Best talaga na naka 2FA ( 2 factor authentication) ang mga social media accounts natin. At marami na nag comment na "set to friends" comment section or mga posts natin sa FB or IG. OR BEST i-private na muna. kasi napaka gagaling dumiskarte ng mga Collection agencies kaya kung sila madiskarte dapat tayo mga defaulters din.
Hi admin. New defaulter ako ang tagal ko habol ng payment sa mb kz nka payment arrangement ako. Kaya lang ngaun di ko na naintindihan account ko na di nababawan kahit monthly ko binabayaran dahil worried ako kasuhan. Thankful ako nakita ko 2 blog. Nakipag negotiate ko sa mb ng 1 time payment pero di pa dn kaya. 300k balance ko at ganun pa din daw e pay ko. Madamot po ba sa amnesty ang mb? Since 2021 pa ako payment ky mb pero di nababawasan almost 10k payment. Ngaun na month 18k na nalito ako sa computation nila. Sa ewb balak ko dn mg default 200k kz unahin ko muna mama ko ipagamot dko na kya tiisin mother ko dahil kakababol sa payment. 2020 ako nasira mg payment dahil sara ang negosyo. Mg file ba case mb at ewb? Gus2 ko pg ipunan ang payment kasi ngaun sagad na talaga. Gus2 ko magsimula uli. Isa ako spmu artist dahil sa anxiety nasira dskarte ko. Gus2 ko umalis muna sa bahay ko at mg cmula sa province at d muna sagutin mga tawag ng ca. Sa iba cards ko wala prob sa payment kz maliit lang. Ang mb at ewb ang pa2loy sa pg taas ng penalty at interest. 8k monthly nterest ni mb at 4k ang penalty. Nka list purchase ko matagal na tapos kung wala yan mga penalty. Mag file po ba case ewb at mb? Thank you
ReplyDeleteGreeting from Legal office,
ReplyDeleteSchedule of field visit will be served to you with coordination of your Brgy. officials that will be held this(MAY THIS MONTH 2023) by our legal representatives in line of the Complaint filed against you. Please Secure your presence at your Residence Venue to avoid any untoward incidents & commotions. Coordinate with us for details to avoid full extend of the law.
Legal team
GS CONSULTANT
Totoo po kayang pupunta tong mga to sa brgy? Kinakabahan tuloy ako at baka totohanin nila. Nattakot din po ako na baka magemail sila sa hr or manager ko sa work ko which is a large commercial bank. And I'm worried baka it will affect my work? Possible ba na ipatanggal ang isang employee because of debt lalo na sa bank din nagwowork? Simula kasi pandemic at nabuntis ako hanggang ngayon na nanganak ako e hindi ko na naharapan itong mga dues ko. Nasa 300k na daw ang due ko sa SB at meron pa ako sa HSBC at Citibank na halos nsa 200k din siguro. Wala din pambayad sa ngayon. What to do po kaya para makaahon sa utang?
Lumang diskarte na to ng CA crooks. Huwag kang pa budol.
Delete"What to do po kaya para makaahon sa utang?" Eh di, diskarte tayo. Patuloy ang buhay.
@Konting tiis pa.
ReplyDeleteHi po. 1 month pa ln po sa rcbc . Nka received nnako 2 letters from Molaer. Last un final demand. Knina po tumawag taga RGS, magalang nman po un lalaki. Offer po kun kua dw imbes na maging 1.4million ksama n unbilled bayanihan e magiging 1.1m n lndw po. Or initial n 65k. Wala po talaga mabbgay. 1 month dw sila tatawag pa rin aftr dw po nun at walang nagyre. I endorse na sa Legal Dept. Or Law firm ata po iyon. Doon dw may additional n 25prcnt monthly kya lalong lalaki. Wala po tlga un sinabi ko at d nakkabyad un may swipe sa card ko n isangvtao ln.
Sa metro, panay cols ln po ng tga collections dept ng banko kc nag pay ako last month below min. Bka po ths month wala n ako mai pay.
Hi po @melay ako po 5 mos na defaulted sa rcbc 2 cards din ung isa nasa 320k na at 144k ung isa..nung 1st month palang din po nagpadala na sila ng demand letters 2 at 1 final deman letters aiguro po within 5 mos.naka 4 na lipat na po sila ng collections agency na maniningil.ung ngaun po ang medyo matapang minsan po di ko na sinasagot ung call..defaulted po ako ng 9 na cc..minsan kinakabahan pa din pinapa sa dyos ko nalang din po..and laking tulong ng site nato mula ng makiga ko po..
DeleteOk lang na kabahan. Pero huwag kang mamuhay sa kaba. Delikado sa health yan, at negative ang epekto yan sa ating diskarte sa buhay.
DeleteKahit ilang milyon pa yan at kahit ilang cards, pag wala talagang pambayad, eh di wala.
Trabaho ng CA crooks na maningil. Hayaan mo sila. Pero huwag mong hayaan na bastusin, at i-harrass ka nila.
Salamat po @Sonnixx Haven
DeleteGood day Po asking for advices mkatulong relieve anxiety. Nkareceived km final demand letter from BDO. After restructuring 6 yrs ago. And they will take legal action as per the letter. But Wala p Po kming gnyan cash kc kktrabaho p lg ng Asawa ko. Yong husband ko ung nka name sa card. Ako po kc nkagmit sa card. Mynumber cla for payment settlement. Any one here n pumayag ung bank n byaran cla let's say monthly until mbayaran ung whole amount. Yong afford mo.lgmagbyad? 250k kc utang nmin after restructyre 6 yrs ago. Sana d n lg nmin pla nirestructe. My 5 days lg km to.settle this amount. E take b km nila legal action kc un yong nkastate sa letter.
ReplyDeleteThank u po sa mkkasagot. God bless po.
@Hopeful Wife,
DeleteKung wala po ibabayad, wala naman kayo magagawa. Lalo na wala magagaw ang bank. Kung magifle po ng case, ganun din po.
Wag nyo na po alalahanin. Wala naman din sila makukuha sa inyo.
@BrianSurewood
DeleteTanong ko lang po about garnishment. Pag may garnishment madamay ba ang gamit like sasakyan na naka name sa asawa? About sa house single pa kasi bago na acquire sa pag ibig. Pero nag ready na ako umuwi ng province para magsimula kasi nalugi last pandemic.TIA
If you read the many diskartes here, priority to be garnished ay pera sa banks. technically, pwedeng ma garnish all our other properties (except https://lawphil.net/judjuris/juri1964/nov1964/gr_l-21189_1964.html), pero very unlikely yun na gawin ng banks. Diskarte ka na lang.
Delete@Sonnix Haven thank you.
DeleteThis month ako default na sa metrobank ang cguro next month Ewb wla na tlaga ko maibayad. Lahat naka sangla na kakahabol ko pay ng minimum. Mag iipon ako na maka setle ako ng payment at sana alisin nila lahat ng nterest at penalty. Sa property ask ko lang.
Wla dn naman ako property. Sana walang case ky Mb At eastwest.
Mas ok nga sayo na diskubre mo ang blog nato early stage or even before ka mag default.
DeletePag di na kaya maghabol ng payments, stop na. don't borrow additional money or sell another gamit or property to pay.
Just tell the banks or the CA crooks na wala pang pambayad. Focus muna sa priority needs ng family mo. Makakaahon ka rin.at MAGBASA ng maraming diskarte dito.
Hi po @sir Briansurewood..ask ko lang po if ever po ba manalo ang bank sa court ..pwede po ba iutos ng court na ibenta ung properties namin like Cars Suv ,house n lot to pay the debt?..kasi po baka ung nag oocular visit magpicture po tapos i send sa bank ung picture ..thanks po..
ReplyDelete@Ms. CC
DeleteBawal yun mag take vid or pictures na labag sayo lalo na wala naman court order.
@Red Pano po kaya kung magpunta sila tapos wala pong tao sa house and magpicture po sila..may nabalitaan po kasi akong ganun
DeleteSo what? Kung gawin nila yon at may tao sa bahay, eh di tawag ka ng police. Marami kang pwede ikaso sa kanila.
DeleteIf you read the many diskartes here, priority to be garnished ay pera sa banks. technically, pwedeng ma garnish all our other properties (except https://lawphil.net/judjuris/juri1964/nov1964/gr_l-21189_1964.html), pero very unlikely yun na gawin ng banks. Diskarte ka na lang.
good day po
ReplyDeleteasked ko lng po, worst case scenario gaano po ba katagal bago makasuhan at bumaba ang desisyon na pwede tignan or pakialaman ng bangko ang iba mo pang bank accounts?
salamat po, more power
Depende sa banks. Ang sagot ay nandito na. basa ka lang.
DeleteHi Admin,
ReplyDeleteAsk ko lang po if may nakapagpost na po ba dito if may nakasuhan na si PNB? 2 years na po akong defaulter.Sana may makasagot.Matapang kasi kung makapag email ang collection agent nila na Receivers & Liquidators
Totoo po kyo @Anonymous, ang tatapang nila parang ang dating sa kanila ako may utang kung makasigaw... nkakastress po sila... 2 years n din po akong di nkkpagbayad gusto nila mgsettle ako agad by friday, eh wala po tlga akong funds right now. Pti yung cash on hand ko tintanong nila kung magkano...sabi ko po personal questions n yan. At wala pa kong funds. Grabe po sila
DeleteAgain and again, the role of the CA crooks is to collect payments from us. Diskarte kailangan natin. Only when we allow them to use scare tactics that they continue to do all those stupid actions. Draw the line palagi. Mas may control ka paano mo sila i-manage. Chill lang.
Delete@Ms Paranoid patawag ka barangay ereklamo mo sila. Nung kinausap ako ng ca dati sa bpi sinabihan ko sila hayaan nila ko makipag usap sa bank para mabayaran ko in full. Ano bank sau?
DeleteDi natin kailangan matakot pag magpa-barangay sila sa atin. We use that to our advantage.
DeletePag andun na sa barangay, opportunity natin yun na hanapan sila ng lahat ng documents. Pag wala silang ipakita, sa harapan ng barangay officials, file tayo ng complaint against them - unjust vexation, harrassment, fraud, misrepresentation, etc. Pag meron sila ipakita, file pa rin tayo ng harrassment, scandal and unjust vexation due to inappropriate jurisdiction ng complaint nila against us even alam nila na di dapat dadaan sa barangay ang disputes between individual and corporation. And in this situation, the CA crooks ang mas maging dehado. And we can use the same for our BSP complaints against the bank due to misconduct and violations of BSP circular 454, etc. We can remind the barangay also that they should know what complaints to take to ensure not causing unnecessary stress and harm to private individuals, and that the barangay has no jurisdiction over disputes between individual and corporations.
See? Dapat ba tayong matakot pag pupunta sila sa barangay. HINDI.
Yes, CC defaulters and we should know our rights.
Pinag-usapan nato dito sa maraming open posts. I encourage na MAGBASA.
Hello. Nakatanggap ako ng text na
ReplyDeleteYour refusal to pay your overdue obligation in union bank will now have preliminary investigation eme eme. Galing cases and chun. Tapos kanina nakatanggap nnmn ako ng text from UB LEGAL DEPT asking me to pay 4k sa monday para ma hold ung preliminary assessment. Pano po ba to?
natawa ako dun sa 4k para ma-hold. ano un parang 'lagay'?
Deletelagay talaga yun sa CA crooks. huwag sayangin ang kakarampot na pera. focus muna sa needs.
DeleteUsual text na tong "eme eme" nila. Minsan sinagot ko similar text na "Paano mo nasabi?" Hehehe
ReplyDeleteSa CA crooks lahat to galing. Ang UB Legal Dept ay hindi manghingi ng 4k.
Action - delete and block number.
HELLO? MAY KARAPATAN PO BA SILANG I-AUTO DEDUCT YUNG LAMAN NG BANK SA PAYROLL?
ReplyDeleteYes, pag same bank. nasa fine print yun. ibang usapan pag payroll account kasi technically may exemption sa salary, pero di naman sinusunod ng banks. withdraw agad pag may pera na pumasok na.
DeleteMay nagka encounter napo ba dito sa ARM COLLECTION,, kumusta naman po sila? Brutal din po ba katulad ng SP madrid😊?tnx po
ReplyDeleteNasa ARM collections ako now, mabait nmn sila. Pag sinabi kong wala pa, di na nila pinapahaba ang tawag pero araw araw sila natawag hehehe Araw araw ko din sinasagot pero pumunta pa din sila ng bahay twice, magalang yung pumunta sa bahay binigyan ko pa ng zesto hehehe
Deleteastig pa Zest-o mo ah. next time, may pa sandwich na ako sa kolektor 🤣
Deletetreat all CA crooks equal. hehehe. wala pa akong experience sa ARM.
ReplyDeleteHello po, question po please. Nagdefault po ako sa BPI lasf Nov 2022. Umabot na po sa 1M as of this May ang total kahit orig amount ay nasa 800k lang. Hindi po naman ako nagstop magbayad pero di po umaabot sa minimum amount. May ino-offer pong payment terms ang ika-3rd CA na naghandle which is di ko pa rin kaya sa ngayon. Stress na po ako. Parang di naman po nakakabawas yung binabayad ko. Betted po ba na wag na muna akong magbayad at intayin ko na lang ang case para mas ok makipagnego? Sabi po nitong CA na qualify daw po ako sa small claims kaya pwedeng magfile ng case. Thank you po in advance. God bless po.
ReplyDeletepag di kayanin talaga, stop ka lang munang magbayad. mapunta sa wala yang less than minimum na binabayad mo. unahin muna needs.
Deletesa amount mo, very likely na mag file ang BPI ng sum of money of case. pero ano ngayon? matagal na process yun until sa execution at garnishment. pag wala ka pa ring pambayad, eh di wala rin.
Magbasa ka na lang ng mga diskarte dito.
Thank you so much sa reply mo, Sir Sonnixx. Super appreciated po ito. Magbackread po ako para makadiskarte. Sa ngayon, mag nego si CA na magbayad ako kahit 6k until May 30 para daw mahold ang pagfile ng case. 🥺
Deletehuwag mo na pansinin yun. di naman sa "bombay" ka naka utang. hehehe. budol strategy ng CA crooks yun
DeletePlease help me po bigla na naman po akong kinabahan dahil sa kaso daw na isasampa sakin ng metrobank almost 500k po ang utang ko. Ayan po email sakin please help me nasstress na naman po ako.
ReplyDeleteSUM OF MONEY COMPLAINT W/ PRAYER FOR PRELIMINARY ATTACHMENT and/ or a CRIMINAL CASE/S FOR VIOLATION OF R.A.8484 otherwise known as the ACCESS DEVICES REGULATION ACT OF 1998, violation of any provision of the Revised Penal Code or any other law as may be warranted against you without prior notice to protect our client’s interests.
old script, delete fast. huwag sayangin ang "biglang kaba" mo. focus muna sa needs. 1000X ka maka tanggap nito bago mag file ng sum of money, civil case ang bank. not criminal case, and definitely not against RA 8484.
DeleteChill ka lang.