Ngayong Lenten Season, panahon ito ng pagninilay.
Sa mga credit card defaulters, gamitin natin ang panahon para huminto sandali at magpahinga, at aminin sa mga sarili ang pagkakamali, at matuto sa mga naging desisyon sa paggamit ng credit cards at pera.
Oo, mabigat ang magiging defaulter.May takot.
May hiya.
May stress.
Pero hindi ito katapusan ng buhay.
Minsan, pinapadaan tayo sa hirap para matutong maging mas maingat, mas matatag, at mas mapagpakumbaba.
Kung wala pang pambayad, huwag munang mag-panic.
Magdasal. Mag-isip. Magbasa. Ayusin ang priorities.
At higit sa lahat, huwag kalimutan ang aral.
Ang utang ay problema lang. Hindi ito ang buong pagkatao mo.
Sa tamang panahon, makakausad ka rin.
Hindi man mabilis, pero unti-unti.
With faith, wisdom, and lesson learned.
Forget the debt, but do not forget the lesson.

No comments:
Post a Comment