Saturday, June 24, 2023

RARE CASE OF PRISM BLUE: SALARY GARNISHMENT AND BOBONG LANDBANK MANAGER

 


PRISM BLUE WON IN THAT ILLEGAL GARNISHMENT NI BOBONG LANDBANK MANAGER DATED MARCH 3, 2022

-Si PRISM BLUE ay lumapit sa group na ito and asking some advice.
-Siya ay isang Public School Teacher at sa Land Bank Pumapasok ang kanyang salary.
-May default credit card siya sa BPI 100K(2014) but nung nademanda siya ay worth 500k na. Notorious si BPI sa pagdedemanda ng mga defaulter.
-Expected denemanda siya at si SP MADRID ang Collection Agency. 

Court Decision: SALARY GARNISHMENT. Hinold ng LandBank ang sahod niya.

-In Normal cases, PAY WHEN ABLE. Magpapadala si Sheriff ng letter sa lahat ng banko para tignan kung may tinatago kang pera, ihold nila yun at igarnish. ONE TIME LANG YUN. Kung wala edi wala sabi nga namin dito JUST PAPER VICTORY. Kung meron igarnish nila kahit 10pesos laman niyan kukunin nila. 

-Pero sa cased ni PrismBlue, hindi ganun. the decision is correct per Rule 39 of Rules of Court ; the IMPLEMENTATION/INTERPRETATION of Land Bank is WRONG.

-Lumapit siya sa PAO, ang sabi wala na daw magagawa kasi my court order na. Lumapit ulit siya sa ibang PAO nalift ng 4months ang garnishment pero after 4months ay hinold ulit ng landbank.

SO PAANO NIYA NAPANALO?
-Seek a private lawyer.
-Nagsulat siya PCC.. PRESIDENTIAL COMPLAINTS CENTER.
-Your lawyer can file for a "Certiorari" (a judicial review order by the Court of Appeals/Supreme Court)

....and after a long battle, HE WON. GARNISHMENT PROCESS NI LANDBANK AY ILLEGAL.

Is the Landbank Manager working in SP MADRID? Sabi niya sumunod lang siya lol

Pwede ba kasuhan ni PrismBlue si LandBank Manager? YES. 

Pwede ba mangyari sa akin ito? DEPENDE KUNG BOBO yung manager. Marami na po nademanda dito ng mga banko pero one time lang ang garnishment sa kanila, yung iba nga wala pa. YANG case ni PrismBlue ay rare case. Sa tagal ko member dito, inabangan ko talaga yan kasi paano kung mangyari sa akin or sa iba, alam natin gagawin. 

Lahat ba ng bank nagdedemanda? HINDI PO. IBA nga milyon utang sa MB at EWB walang nangyari, nakapag ibang bansa ang iba at iba nakaahon ulit. 

BANK NOTORIOUS IN FILLING CASE: 
               BPI, HSBC, RCBC, SECURITY BANK, BDO

NO POSTED NA NADEMANDA SILA KAHIT MILYON DEBT NILA: 
                METROBANK, EWB,PNB. BANK OF COMMERCE. 

BANK OFFERING AMNESTY: EASTWEST BANK(napakabait) 

PS: PLEASE BACK READ, TO READ THE WHOLE STORY OF PRISM BLUE. 

141 comments:

  1. For reference: PLEASE READ

    https://lawphil.net/judjuris/juri1964/nov1964/gr_l-21189_1964.html

    https://www.pressreader.com/philippines/manila-times/20211018/281595243723501

    ReplyDelete
  2. I hope mabasa ito ni PRISM BLUE at makapag bigay siya ng note or paano siya makontak para mabigay ang mga process niya at magkano nagastos sa PRIVATE LAWYER lol.

    ReplyDelete
  3. @May_utang, we hope you can find the right lawyer who can help you file a motion in court. keep us updated of your progress.

    ReplyDelete
    Replies
    1. sir, i update ko po kayo tungkol sa case ko. hindi na po kami nag apela mula nun na turn down kmi ng 2 office ni PAO, hindi na rin namin kakayanin ang private lawyer. naisip lang namin kung mag apela sa garnishment of salaries at manalo, maibalik man ang salaries namin, may utang pa din kami sa bpi na kailangan bayaran. nakahanap naman po kami ng paraan para mabayaran, nakipag negotiate ako sa taga sp madrid, from 786k, naging 508,800 gang sa 393,200. inaantay nalang po namin ang certificate from bpi na fully paid na ako at para ma dismissed na ang case at maka issue ng lifting sa salaries namin... may babayaran pa pala kami ky sheriff, nun una, 20k daw naku po wala kami pera na, gang sa binabaan naging 5,500 i gcash daw ky sheriff, pero may nag advise naman sa akin na wag ko daw bayaran si sheriff , kasama na daw yun sa binayaran ko full amount na 393,200..

      Delete
  4. Hi po, I received below email from di ko po malaman kung saang collections agency.

    To whom this may concern:
    ,

    We are going to conduct a property evaluation tomorrow at
    And we will coordinate to your barangay for assistance and filing of possible brgy mediation and we will issue an STR to avoid the violation of fundamental principles of due process.
    This is a very important matter for us to complete our initial report.

    UNDER ITS ENABLING LAW , REPUBLIC ACT 157, AS AMENDED , OUR OFFICE IS EMPOWERED TO ASSIST , WHEN OFFICIALLY REQUESTED IN THE INVESTIGATION OR DETECTION OF CRIMES, CIVIL AND OTHER OFFENSES.

    Pa advise naman po. Salamat.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sino pala nakalaban mo? hehehe.

      old script yan. pati nga nagpadala nyan, di naintindihan kung ano gusto talaga niyang ipaabot na message.

      delete!

      Delete
    2. Thank you po @Sonixx Haven.
      Grabe ang dami ko na po kasi problema. Toxic sa work, even sa bahay po na akala mo magiging support system mo eh is toxic din :(

      Delete
    3. Good day po.just like to share my experience sa capital collections and recovery specialist inc.agency and to seek na din po your advice kung paano ko sila mapapatigil kasi pati po mother ko hinaharass nila sa call. Dapat daw na itakwil ako ng nanay ko kasi walanghya daw ako at utangera..nagdala sila ng sulat last friday sa bahay at need ko daw makatawag withing 3 days dahil sasampahan na ako ng kasi.medyo unbothered ako kasi nabasa ko na dito na hindi magsasampa ng kaso ang EWB at MBTC which are 2 banks na may defaulted cards ako. Medyo nag aalala lang ako na baka mag eskandalo sila sa bahay may cancer pa naman ang lolo ko at hanggat maari hindi sya pwede ma stress ayoko na madamay ang family ko.. I am planning to text them or answer kahit isang call nila pero ano po ba ang pinaka mabisang way para mapatigil ko po sila sa pang haharass sa amin.currently ignoring their calls po and worried ako sa mga susunod na mangyayari kasi eager talaga sila makasingil sakin. Defaulter since 2020 po ako from both banks.

      Delete
    4. huwag mo silang hayaan na bastusin ka sa sarili mong bahay. Basa ulit sa mga open posts. Maraming diskarte. pwede mo naman sila sagutin at sabihin na wala ka pang pambayad. Mga hunghang to sila. Ipakita mo na alam mo rights mo. Hehehe

      Delete
    5. Good day. 

      I acknowlegde your message, I shall wait for your visit anytime please be provided with the legal documents (based on BSP Circ. 702) upon your visit so it will not take much of our time.

      In the event that I am not present at home, you may look for my relative (uncle) SP02 (name ng tito kong police)residing at the same address he is more than willing to entertain you.

      Send me the Summon first please that is more legal and fair for both of us. My mailing address is still the same.

      If the above mentioned will not be provided, I have the rights to refuse communicating with you.

      Eto po ang reply ko sa message nila na kakasuhan daw ako.

      Delete
    6. Nice ganda ng diskarte na eto.
      Permission to make Kopya :=) sama ko eto sa mga swipe files ko :=)

      Delete
  5. 👏 very good. Yan ang diskarte. Huwag maniwala sa kabobohan ng CA crooks.

    ReplyDelete
  6. Yun po bang Kay Prism Blue nabawi po ba nya yung buong Isang taon na sueldo nya na na-hold?

    ReplyDelete
  7. Bawal na mang harass ang mga collector agents sa calls,text or sa bahay. Madami nag reklamo pumunta sa pnp napanood ko sa balita. Pag meron ganyan e reklamo daw ang CA alamin kung ano agency at sila ang tatawag.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Malupit ung nagpadala ng funeral services sa bahay nung defaulter. Sana mapasara ung pasimuno nun.

      I can't remember kung dito ko nabasa yung collector, pinopost nya yung picture ng defaulter sa FB tapos may patama sya about sa utang nung tao. Wala ako maintindihan kasi Cebuano ata yung gamit nila. Not sure kung naaksyunan yung collections agency na yun.

      Delete
    2. maraming reports na ganito. may police/NBI at napa kulong na nga.

      Sa mga CA crooks dito na nagbabasa, GOOD LUCK sa inyo ha. you are taking huge risks in doing illegal strategies to collect. good luck na rin sa inyo. 🤣

      Delete
  8. Magandang araw! congrats po sayo Prism Blue!

    ReplyDelete
  9. pasensiya po at ako ay magtatanong ulit,, nakaka apekto ba sa pag loan sa pag ibig kung defaulter ka sa mga credit cards? pinakamataas eh 35k po. kakanood ko sa youtube kung paano mag loan sa pag ibig nasabi na red flag ka na pag may mga credit cards ka na d nabayaran. 10 years na ako sa pag ibig

    ReplyDelete
  10. Hi. My UMID card na landbank din po is na hold din ng landbank. Same case BPI din po. Sa laht ng accounts ko si landbank lang nag hold. I think ganyan tlga ryle ni landbank. I hohold nila account until di ka nakabayad

    ReplyDelete
    Replies
    1. parang ganun nga talaga si Landbank manager. hirap umintindi ng court order.

      Delete
  11. Pareho kami ng case ni Prism blue. Yung nga lang I found a way to get my salary thru another account. I hired lawyer din to negotiate with BPI regarding my garnishment. Hindi na sya nag suggest na ilapit sa court yung salary garnishment since wala naman pumapasok na salary sa garnished account. Ask ko lang po after ma lift yung garnishment ni prism blue, will he still be liable to pay his debt with the creditor?

    ReplyDelete
    Replies
    1. NO. THATS PAY WHEN ABLE. KAPAG WALANG PAMBAYAD EDI WALA.

      YUNG CA KAPAG KINULIT KA PA KAHIT MAY DECIDED CASE NA BAWAL NA YUN.

      Delete
    2. @anonymous, my thought is defaulter tayo and given na liable tayo magbayad ng past due... but the problem is di kaya ng salary natin ang maka-bayad at the present time
      from what i understand order to garnish salary was quashed (by the court ) or na void na... so further garnishment no longer possible

      Delete
    3. Possible na po ba na hindi na gagawin ulit ng Landbank na mag garnish ng sueldo dahil sa nangyari na Kay Prism Blue? Meron na kasing previous decision ang korte.

      Delete
    4. better find other alternative. good to open another non-Landbank account. parang naging institutional Landbank practice na ang hindi umintindi ng court decision. after @Prismblue, others recently shared similar experiences.

      Delete
    5. Ok lang po kung one time lang, mahirap po kung ihold po yung sueldo ng tuloy tuloy. Government employee po ako kaya sa Landbank po talaga papasok yung salary ko.

      Delete
  12. good strategy ah. of course, sa record ng bank, may utang ka pa rin sa kanila after garnishment process. pero pag ang garnished amount ay buong amount sa utang mo, in that case wala na.

    ReplyDelete
    Replies
    1. If mag open po kaya ako ng another bank account under my name magagarnish din yun?

      Delete
    2. pwede naman, especially sa banks na wala kang default CC. pag may court decision na at lalabas na ang writ of garnishment, magkaroon ng one time garnishment process. so don't put huge amounts in banks dapat. just maintain bank accounts if you must for your transactions.

      Delete
    3. @sonnixx - sir gusto ko lang maliwanagan dito sa garnishment.

      Kunwari may debt ka na 50K then kinasuhan ka ni bank at dahil sa judgment ng court na garnish ka sa bank account savings mo ng lets say 15K at wala na silang mahanap na active accounts mo.

      Paano ka na hahabulin ni bank for the remaining 35K? Aantayin na lang ako ni bank na makapagbigay ng remaining balance plus yung pataw ni court na per annum interest? Paano kung lumobo uli kasi wala prin pambayad? Hindi na sila pwedeng magfile ng case uli laban sa akin?

      Thank you

      Delete
    4. one time lang usually ang garnishment. sa daming garnishment na pino process ang sheriff, mauubos oras niya.

      talo ka na sa kaso, di ka na pwede kasuhan ulit. diskarte na ng bank yun paano ka singilin sa remaining amount.

      yan kung bakit segurista magkaso ang bank. they need to ensure may makuha sila sa atin, or else sayang ang ginastos nila sa kaso.

      general rule sa atin, pag di pa kayang bayaran, eh di huwag muna. focus muna sa priority needs para mabuhay.

      Delete
    5. Thanks po sir, at least naliwanagan ako dyan sa garnishment

      Delete
  13. Please ingat dn po tau sa mga nagpopost dito pretending to be Defaulters and create stories on their own, mga collecters dn yan cla twisting minds of the defaulters.

    ReplyDelete
    Replies
    1. @Monster pag halata na masyado sila, deleted agad mga comments nila dito. nangyayari yan dati. alam naman natin diskarte ng mga CA crooks. tayo, patuloy lang din sa ating diskarte.

      Delete
    2. Naku madami niyan dito nakailang advice ka na pero ayaw pa maniwala at kung ano pa pinaglalaban HAHAHA

      Delete
    3. madami dami yan sila @Monster na mga kups na mga collector na nag papangap na defaulter kuno :=)
      halata mo naman sa mga tanong nila :=)

      Delete
  14. good day po ulit, ask po ulit ako maraming foreclosed property ung mga banks,just in case na mag purchase ka sa na default mo na banks hindi ka ba ma qualified roon kasi may na deafult kang cards sa kanila or pipilitin ka na bayaran un bago mo makuha ung property, bali kukuhanin nila bayad mo or ma disd aaproved ka kaagad

    ReplyDelete
    Replies
    1. @anniedoro... ohhh what a sensible question
      kasi from what we understand na if you have a property under the bank like you had the house mortgaged and meron kang defaulted cc/loan and you are updated sa payment mo sa mortgaged property n fully paid
      you cannot simply get the release of chattel mortgaged without paying the bank
      but not aware of the procedure if you want to buy foreclosed properties... guess pls. check with the bank para safe po ang money nyo

      Delete
  15. Hindi napo ba magagarnish kung mag open ako ng another bank account with the bank na na garnish yung payroll account ko? Or will the bank consider that as one account?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hello po ask ko lang po hiw many years bago po na garnish ung bank acct nyo po

      Delete
    2. depende sa banko if atat na atat sila. prior to garnishment, dapat may court case na file, then talo ka at court decision lumabas, then writ of execution, then writ of garnishment.

      pero bakit mo pa NEED hintayin mo ang garnishment? if may natira ka pang pera, have it secured somewhere else.

      Delete
    3. Good day! Asking help for a friend, dating katrabaho ko. Nangutang kasi cousin nya sa isang lending company noong 2019 and since itong cousin nya nasa abroad, yung friend ko ang pinaprocess dito tapos sya pa nagpirma sa checke. Ngayon nagfile ng estafa ang lending corp sa kanya kasi sya daw ang co-maker. Ano po kaya ang dapat nyang gawin? Imbes na sya pa ang tumulong sya pa ngayon ang naiipit. Maraming salamat po!

      Delete
    4. bakit siya pumayag in the first place? but, that is pointless now. harapin niya kung nakasuhan na siya. though wala namang fraud sa transaction. please see other open posts.

      Delete
  16. Good day po. Ask ko lang familiar po ba kayo sa number na ito? (0919) 008 3958 Tumatawag po sa akin. Upon checking sa google lumalabas po sa listings ay possible number from court. Baka lang po may mkakapagverify. Salamat po ng marami.

    ReplyDelete
    Replies
    1. all court correspondences are done thru mails. CA crooks budol calls yan

      Delete
    2. Wala naman daw sabi ni manong google. Napansin ko dumadami post dito na galawang CA na kaso halata lolz

      Delete
    3. hayaan na natin sila. super inis na lang siguro nila sa pagbabasa dito ng tamang diskarte para i-manage kabobohan at kataranduhan nila. sa inyong mga CA crooks dito, hi sa inyo at manigas kayo sa kababasa. 😂😊🤣😁

      Delete
    4. Thank you po sa response nyo sa question ko. Defaulter rin po ako kay ms cherylou ako madalas mag tanong thru email po hehe. So far, mag 2 mos n po wala house bwisit. Question ndn po. Before ung number ko ay deactivated, and just recently inactivate ko siya uli. Mga month of May po. Then lately I started receiving calls na po uli from unknown numbers. Tingin nyo po b iregister ko pa ung old number ko? Di po ba nila ma-ttract if ever ung current number ko na po ginagamit ko. Ang napansin ko lang smula ng actvate ako old number nwala po yung pumapasyal sa bahay and letters. Connected po kaya iyon, ksi baka iniisip ni CA nacocontact pa naman nila number ko? Kaya di na sila nag abala sa letters? Btw, turning 2 years na po ako defaulter this July. Nagpapaka-strong p rin. Salamat po.

      Sana po masagot uli yung related sa number.

      Delete
    5. Question po. Legit po kaya ito. Received thru email po. I tried searching for the email address from PMOC po. (Sana po may makapag feedback) salamat po

      Good day!

      We are writing to you regarding an urgent matter that requires your immediate attention. We have attempted to contact you several times by phone but we have not received any response from you. Please cooperate with us as soon as possible to avoid legal action.

      You can reach us at 0963-5975-808 or 0953-2896-485 to discuss this matter further and prevent any escalation. Alternatively, you can also seek barangay assistance near you for more information and guidance .

      Thank you for your understanding and prompt action.

      Delete
    6. Sir @Sonnixx Haven, sana po mapost uli yung question ko. Email naman po nareceive ko ngyon sinend ko din kay ms cherylou sana po mapansin nya uli.

      Sadya po bang thru pol. Sheriff yung court order daw.. may ntnggap kasi akong email veneverfy address ko.. then bukod pa yung from mediation court?(pinost ko rin po dto for advise) Pg ganito po ba may case file na? Haaay

      Ty po

      Delete
    7. The looks of it - CA yan lahat. Babala, huwag ganun!

      Delete
    8. Pede po ba mahingi din email add nyo. Para po masend ko rin details n nsend ko kay Ms Chery. Medyo nkakapraning lang po. Last po my visit ako may 5. 2months po n wala. Tapos biglang ganito na po ang email. Lagi po ako nkkrecve emails from CAs gamit nila email from agency. Itong natanggap ko po ngyon hindi po gaya ng mga emails n nrrcve ko from CAs.

      Delete
    9. ano pa pala problema mo? mga lumang templated letters pinapadala ng CA crooks. pag di pa kayang mag settle, eh di kalma ka lang. you owe that to yourself. mag backread ka para matuto.

      diskarteguide@gmail.com

      Delete
  17. Tagal ko nang di nag visit pero pansin ko kumokonti na ang paranoid posts (or hindi nyo na po inaapprove? Hehe). 3rd Anniversary ko na ng pagiging defaulter and moving on sa life ko. 3rd month ko rin sa work (ex freelancer) and so far di naman napakita sa background check ang 10 M worth of utang ko (and counting). Lilipat ako ulit ng bahay (2nd time around) para sure na goodbye house bwisits.

    Wala na yung old email ko, hindi ko na niregister yung SIM ko, yung payroll ko ay sa bank na notorious magkaso pero auto transfer ako sa spouse ko every sweldo. Bahala na mga crooks na nananakot sakin, nasa Pinas pa naman ako pero di ko kayo ramdam 😅.

    Syempre utang na loob ko lahat sa blog na ito. I’m still in peace and wala nang kaba sa katawan. Kumapal na ba mukha ko? Yes. Makakabayad na ba ako? Hindi pa, at ayoko muna.

    Shoutout pala sa SP Madrid at RGS, di pa ko bawi sa stress na inabot ko sa inyo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. ayos to ah. at the end of the day, sarili rin natin kalaban natin. paano natin tanggapin na defaulter na tayo, paano natin ma apply sa mga CA crooks mga kaalaman natin, paano natin lampasan emotionally and pscyhologically sitwasyon natin.

      congrats sayo. see you sa Yeared EB sa Nov 11.

      Delete
    2. @anonymous pano po ginawa sa inyo ni RGS? Sila kasi naghawak ng account ko.

      Delete
    3. 10M as in 10 million? wow. nagulat ako sa laki. hehe.

      Delete
    4. Hello mga ka defaulters, I think Yan nga anG best diskarte, deadma to the uttermost. Then call or email the bank directly if may pambayad na, Tama po ba? TIA

      Delete
    5. Hello po. Ms Anonymous. Ask ko lang po sa 10M utang nyo and counting; magkano po principal amt? This month dko na po talaga kayang magbyad. Nascam kasi ako worth 4M ng apo ng mayor dito sa amin.. gustuhin ko man ipatulfo ; natatakot naman akong kung anong gawin sa amin. Kilala dito na pumapatay na politiko ang family nila. Sobrang depress ako. I am a professional engr. Tagal build ang pangalan. Sisirain lang ng mga walangya. 9 banks po ako; planning na hindi muna bayaran ung 3 malaki such as MB; RCBC and PNB or EW.

      Delete
  18. Naloloka talaga ako sa UBP from 69k naging 276k na grabeeee anong klaseng interest yan?! 2 years defaulted here. Kala nila papadala ako sa RA 8484 nila hello nasa pinas pa naman din ako di ko tinatakbuhan sadyang ayaw ko lang sila kausap.

    ReplyDelete
    Replies
    1. it is your right to take the call or not. they have all the right to file a case in court. anong problema nila. hehehe

      Delete
    2. Same to my case na 105k deffault amount ko sa ubp cc.. kakagulat lumubo ng almost 300k san ba galing yung interest nila basta lng ata random amount ilagay eh hahaha tapos kung makatawag naman parang wala ng bukas kung magpabayad jusko nagalit ba naman na sinabihan kong naisama ko na flush sa inodoro lahat ng utang ko😅

      Delete
    3. Ako din po nasa 60k ang unpaid balance ko kay UBP ngayon under sa email ni CA nasa 200k+ na nakakaloka ung interest nila defaulter since 2020 po ako.

      Delete
  19. Natawa lang ako sa isang tawag sa akin kanina with regards sa EWB ko. Bale nadefault ako kay EWB mga 2011 pa, syempre dumaan sa mga CAs yan ng ilang taon. For the last 6 years wala ng tumatawag sa akin bale kanina lang ulit. Si CA went through the usual diatribe kesyo hindi nko nkakabayad, ano daw maitutulong nila ekek. So una kong tanong, lagpas 12 years na yan kung noon hindi ko mabayaran, paano pa ngayon? May maiproprovide ba kayong SOA? Asan endorsement nyo at bakit wala akong natatanggap. Sinagot ako na huling payment ko daw was 2015 then nagspecify ng amount kung magkano binayaran daw sa account ko then ung sa SOA naman 100 per page daw pag need ko makakuha ng copy.

    Pag hiningi ko ung SOA then wala dun ung sinasabi nilang binayaran ko ng 2015, pwede ko kaya silang kasuhan?

    ReplyDelete
    Replies
    1. anong collection yan? sakin din Cabio Law. Parang bago lang sila nung chineck ko

      Delete
    2. huwag mo nang abalahin yan. pag tripan mo na lang sila. baliktarin natin na sila na naman magalit sa atin. minsan pag marami akong oras, pinapatulan ko sa calls and emails. ang ending, sila ang galit. buti nga.

      Delete
    3. taga Prime Alliance in behalf of collectius daw, hindi ko maalala ung name nung agent.

      Delete
    4. @Ididigest pa- since 2011 pa po kayo na default? Then binalikan pa din kayo? My kakilala KC ako after 5yrs of being a defaulter, may nag offer uli na CC s knya then same bank which is BPI..knowing na notorious ang bank na to per previous convo... So maybe sinwerte din sya and anG gnawa din nya KC is deadma to d max sa mga CA, changed cp# and forgot her email.

      Delete
  20. hello, question po, ilang beses po pwedeng mag set off ang bank sa savings account? Nangyari po kasi sa BPI ko, may default akong CC and may personal savings acct din ako sa kanila. bale 2 times na po akong nakuhaan ng tig 3k+ since yun lang din naman ang laman ng SA ko. sa ngayon, meron pa pong naiwan na 3k (maintaining balance) sa savings ko pero hindi na ulit nababawas.
    thank you po sa reply nyo. God bless po.

    ReplyDelete
    Replies
    1. pag same bank, ad infinitum yan. hanggang may pumapasok sa account mo. interesting nga nag iwan pa sila ng maintaining balance. unahan mo na sila withdraw, or close mo account mo.

      if you need a bank account, dun ka mag open sa wala kang default.

      Delete
  21. Hello po mga kadiskarte, matagal na po ako silent reader. I have been a defaulter since March 2022. At first sobrang takot po ako at stress sa mga collectors but simula po nakavisit ako sa vlog na to naging okay po ako. Worry ko lng po is I have cc with bpi, rcbc and security bank na nagfa file ng case. Actually I am a bank employee at no promotion po if may negative record sa cc. Sa totoo po, hindi ko po alam if mababayaran ko pa po ung mga cc ko dahil sobrang bloated amount po and baka hindi cla mag offer ng discount. Pero sa ngaun hindi ko pa po talaga kaya magbayad.

    ReplyDelete
  22. Bumalik n nman po anxiety ko may mga txt akong nrreceive. First time ko po nakareceive ng ganito:

    MR. XXXXXX BAKA GUSTO MO MAGBAYAD NG UTANG MO SA BANGKO AWARE KABA NA NAKAPAG IMVESTIGATE NA KAME SA MGA KAIBIGAN MO KAKASUHAN KA NA NAMEN.

    LAKI LAKI NG UTANG MO WALA KA PAMBAYAD!

    Nsstress po ako bigla...sobrang kabado ko.

    ReplyDelete
    Replies
    1. parang marites na kapitbahay lang ang style nito ah. delete and block number. don't engage. reserve your energies to better use.

      Delete
    2. HAHAHAHAHHA natawa ako... palengkera si CA. Anong CA yan HAHAHAHHA ako papatulan ko yan.

      Delete
  23. Thank you po Sonnixx Haven, nttakot lng po ako bka matulad ako sa mga online lending app na ngttxt blast sa mga contacts sa phone. Sobrang ninenerbyos po ako.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi @Ms. Paranoid

      Ang diskarte lagi diyan is yun digital foot print mo secure mo agad para hindi mabulabog mga "friends". Example ko lagi diyan is yun Facebook mo or Instagram mo ay need private OR set to friends only para hindi maka comment sa posts mo. Better yet wag na muna masyado mag post post :=> next need mo hide yun list of FB friends mo to "only me" :=> para iwas stalk ang mga collectors. google mo lang how to set facebook friends to only me.
      as for your contacts sa cp eh malabo yan. unless pinahawak mo sa collector ng saglit :=>

      Delete
    2. Thank you po Alexa sa advise. Gagawin ko po yan... actually yun lng po ang iniiwasan ko yung mapahiya ako sa mga taong nakakakilala sakin. Nkkpraning po. Salamat po tlga sa laht ng mga active na sumsagot sa lht sa aming mga praning na sa takot. Huwag po kayong magsasawa

      Delete
  24. Hello po..wala po akong nabasa d2 na nagfile ng case ang citibank, nagpa file po ba sila? more than 1 year na akong defaulter sa kanila 2cc ung personal loan pinipilit kong hulugan pero naghihingalo na rin ako parang bibigay na rin.
    Salamat po sa makasagot.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hello. as posted depende talaga sa bank yan. mero dito nademanda sa halagang 50k meron naman nasa 250k hindi naman nademanda.

      Delete
    2. Citi is one of kindest banks I encountered. Ayaw nila actually negative experience even from defaulters sabi ng friend ko. In my case, nagdefault ako ng 100k+ na personal loan. Nung una may mga CAs din na nainvolve. Pero di ako nakakapagbayad talaga. After a while, tumawag si Citi recovery/collections unit. Nagpay lang ako 10k initial then binabaan nila to an amount na kaya ko lang monthly yunh babayaran. Every month tumatawag sila kung kaya ko yung amount and when ko babayaran. Pag di ko kaya yung amount, nilolower nila. Sa awa ng diyos last payment ko na next month and nabigyan ako ng discount around 10k+ din.

      So far, si Citi lang din ang di agad nagreport sa CIC. BDO and RCBC ay nagrereport agad matter of days after maclose ang account mo.

      Good experience with Citi overall, di nakapanliliit ng tingin sa sarili kasi they gave me a chance. Very understanding din sila.

      Delete
  25. Meron na po ba dito na kinuha ang property/bahay/sasakyan na may order from the courts? Salamat.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pano po kaya kung masyado na malaki ang defaulted amt tapos walang makuha sa bank deposits? Should they go after your properties..?

      Delete
    2. hindi po. yung iba nga milyon ang utang sa bank pero may laman ang savings na piso kinukuha nila yun then tapos na... may tangang manager lang ng banko

      Delete
  26. Hello everyone I have the same case po with BPI nag garnish sila sa PSbank account ko without me notifying. Ngayon ko lang nalaman when i check. Kagaya ni prism blue paano po kaya best na gawin. Hope you can hrlp me

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hello. Di po pwede igarnish ni BPI ang pera mo sa PSBank unless my court order na. May napirmahan ka ba na summon na makapal na papel? Kung wala baka iba ang pumirma pwede kasi un like tita or kamag anak.

      yun muna ang first step mo alamin mo un, kung walang court order DI PWEDE GALAWIN ni BPI si PS Bank.

      Delete
    2. Hello. Di po pwede igarnish ni BPI ang pera mo sa PSBank unless my court order na. May napirmahan ka ba na summon na makapal na papel? Kung wala baka iba ang pumirma pwede kasi un like tita or kamag anak.

      yun muna ang first step mo alamin mo un, kung walang court order DI PWEDE GALAWIN ni BPI si PS Bank.

      Delete
    3. Need advice: may 2 credit card ako na di binayaran sa metrobank (100k & 65k limit) hindi ko na sya nabayaran but plan ko sya i-negotiate once may sapat na akong pera pang bayad. Now ang prob ko po is kakahired ko lang and yung bank payroll namin is metrobank any advice po pano gagawin para hindi ma garnish yung salary ko😩.

      Delete
  27. May court ordered garnishment na ba? Paano mo nalaman na BPI ang kumuha sa PSBank mo?

    ReplyDelete
  28. Gud am po..start na po akong maka receive nang sunod sunod na calls..itong last week almost 10 calls a day.. although sinasagot ko naman po.. pero uulit ulit sila at paiba iba nang nag Cacall..medyo nakakakaba.. pero gaya nga po nang sinabi nyo kapag wala po talagang pang bayad eg wala..figth figth parin po ako.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kelan ka nagdefault? Ilang bangko? Kapit lang lilipas din yan

      Delete
    2. @Kinakape itong July po two of my Cards ndi ko na po kayang bayaran.. Ewb and Metro both had 200k+ outstanding balance malaki na po kasi interest lumobo na to the point na ndi ko na kayang mag bayad..

      Delete
  29. As of now.. ndi ko po sure kung ano mangyayari since ang salary ko ay na kay Metro.. at meron pa po akong 3 ccards na kaya ko pa isettle.. gusto ko naman po sanang mag bayad.. kaso nga lang is ndi na kaya talaga puro interest nalang po kasi na babayaran ko and napabayaan ko na rin obligation ko sa family ko..pinagpapasa Diyos ko nalang po if anu man ang mangyari..buti din po nakita ko tong blog na to.. kasi sobrang depression po naranasan ko this past weeks..ngaun medyo nakakamove on move on na..pero xempre andun parin un takot.. basta fight lang po.

    ReplyDelete
    Replies
    1. good strategy. most often, what helps us better manage the CA crooks is to manage ourselves - not to believe and be emotionally harassed by the lies fed to us by CA crooks, learn the right diskartes. desisyon talaga natin how we manage ourselves.

      Delete
  30. Good pm po. Cc defaulter po ako since 2022. Kaninang umaga po may nagpuntang pulis sa brgy namin to verify daw ung address ko. Tinext ako ng taga brgy, di po ako available nung time na un kaya sinend ko lang sa asawa ko ung text at sya ang tumawag sa brgy at nakausap nya ang pulis. May kaso daw po kasi ako at kausapin na lang daw po si Atty Luis Sarmiento ng Bankers Association of the Philippines. Nag-iwan din po ng number ung pulis.

    Sabi po ng taga brgy, wala naman daw po silang nireceive na document. Nakauniform din daw po ung mga police at police vehicle daw po ang dala, pero di daw po sila nagverify ng IDs.

    Nung may time na ko, tinawagan ko po ung pulis. Ang tapang nyang magsalita. Kesyo kausapin ko na lang daw ung asawa ko kasi naexplain na daw nya, ayaw daw nya ng paulit ulit. Police assistance daw po sila ng sheriff, so tinanong ko kung anong kaso ko. Di ko masyado naintindihan kasi ang bilis magsalita pero parang Sum of Money tantamount to Swindling po ang narinig ko. Hindi na daw pala po ako nakatira dun sa brgy namin eh paano daw po maisserve ang warrant? Akala daw po nila ay naareglo na kasi nakausap naman na daw ng asawa ko si atty. Kung wala pa daw po ung affidavit of desistance galing kay atty ay hahanapin daw po nila ako at napakadali daw po maghanap kapag may warrant.

    Tinawagan ko din si Atty, matapang din. Kailangan daw magsettle today, kahit daw ung sa Eastwest bank muna pero mali naman ung sinabi nya na outstanding amount ko eh. Tapos tinatanong ko kung san syang law office/organization aba wala daw akong pakealam at baket daw susuhulan ko daw ba sya. Tapos lakas ng boses nyang sinabi na legal counsel daw sya ng BAP. Tinatanong ko kung magkano pa kaya ang outstanding ko sa ibang banks pero binabara nya ako lagi kesyo sya lang daw nakakakita nun at tulong daw nya sakin na kahit Eastwest muna ang bayaran ko within the day ora mismo daw iiurong nya ang kaso.

    Feeling ko CA crook ung si Atty Luis. Pero ung mga pulis, legit po kaya? May nakaexperience po ba ng ganito?
    Or may sabwatan kaya ang mga kapulisan natin at ang mga CA crooks sa mga ganitong issue?

    Nakipagcoordinate na din po ako sa Eastwest sa email, di kasi sumasagot sa tawag. Baka bukas pa sila magreply.

    ReplyDelete
    Replies
    1. @FeelingStrong lahat po nang pag uusap nyo through calls lang po?

      Delete
    2. huwag pabudol. CA crooks tong mga ito. kasama to sa kanilang public shame strategy. how to handle? kung totoong police na pumunta sa barangay, get their identities and file administrative complaint. mga kotong to.

      Delete
    3. @Ms Nobdy @Sonnixx Haven calls lang po lahat. Nirecord ko din po lahat.
      Ang pagkakamali ko po na kagabi ko lang din narealize ay di ko naconfirm sa mismong brgy namin kung totoo ba un. Hindi na po kasi ako dun nagsstay sa brgy namin kaya di ko kilala ang mga officials dun, pero kagabi hinanap ko ung number sa mismong brgy namin at tinawagan ko ngayong umaga. Nakausap ko ung mismong secretary, wala daw pumuntang mga pulis dun kahapon! Pwede daw akong pumunta sa brgy para magfile sila ng report at maipablotter.

      Delete
    4. Medjo nagpanic na po agad kasi ako kahapon dahil nga sa text nung taga brgy kuno pala un. This year din kasi, may nagpuntang mga pulis sa bahay mismo ng relative ko at saktong andun kami at ung asawa ko mismo ang nakausap ng mga pulis. Pinapunta daw sila ni Col. Something ganun,napagutusan lang daw sila tas nung tinatawagan naman hindi nasagot, hanggang nagpasa pasa na ang mga tawag at walang nangyari.
      Kaya nung ako mismo ang nakareceive ng ganung text, naisip ko agad baka same scenario nung sa relative ko. Kasi may mga utang din ung relative ko.
      Pero lahat pala ng nakausap ko ay scam/budol/mga bwiset!

      Delete
    5. Kapag ganyang may mga pulis, totoo man or budol, yayain nyo na mag usap kayo sa police station sa area nyo para kung nagpapanggap or totoo man na pulis maireklamo nyo na agad sa station. Di na babalik yan kasi kung peke usurpation kung totoo naman moonlighting.

      Delete
    6. Yan ang strategy. Common sense to. Walang role ang totoong police sa CC default. Lalo na ang di totoong police. pag sabihan mo yan na sa police station kayo magkita, sila ang matatakot. hahaha

      Delete
    7. HELLO @feelingstrong, alam mo ba last month ginanyan ako ng SP MADRID sa METROBANK ko.

      nagtxt sa akin ang BRGY secretary na meron daw doon limang police at ay dalang warant.. SINCE ALAM KO na pananakot ay pumunta ako sa bragy mismo at wala sila doon... PINABLOTTER KO. senend ko sa BSP, SPMADRID AT METROBANK, ayown gang ngayon wala na sila paramdam AHAHAHHA

      PURELY SCAM

      Delete
    8. @Mr.Kabado2 paano nyo po nalaman na ang SPMadrid at Metrobank ung gumawa nun? Sa akin kasi ang pakilala ni atty bwiset ay from BAP sya eh, tas Eastwest lang talaga yung pinipilit nya na bayaran ko. Yung huling humawak ng account ko ay MVP Account Management, pero nakausap ko ang Eastwest kanina eh nasa kanila daw mismo ang account ko at wala sa collections agency.

      Delete
    9. @FeelingsTrong, kasi sila lang active ko na CA at sila lang tumatawag sa akin

      Delete
    10. Hi@FeelingStrong not sure kung nag back read po sila sa older posts dito sa blog. na share ko na experience ko sa "pulis" kuno kuno sila at brgy kasabwatan. I am lucky that I live in a condo so lahat ay harang sa lobby. nun time na ka default ko lang kinulit ako ng walang katapusan sa Office ko ( nag call yan sa HR namin buti na lang marunong HR namin sumagot na they are out of the employees life :=> ) at since alam ko nabubulabog din mga guards sa bldg ng condo minabuti ko kausapin si Admin ng amin condo. well lunok pride at wala na hiya hiya.
      One day isang araw saktohan may nag attempt at nag pa kilala na pulis at brgy daw sila. Hanap daw ako at mag serve daw warrant chuchubelles. yun normal na galawan nila. Dahil na alibadbaran mga naka duty na guards sa condo minabuti nila call si Admin ng condo. Eh since nagsabi na ako about my concern alert si Bldg admin ng aming condo take action din siya. Since malapit ang condo sa police station nag tawag ang aming admin ng condo ng tutoong pulis! Ayun huli sila! pulis pulisan pala na kasabwat nun collector. kasi wala mapakita na documents at hindi masabi ang kanya service ID # sa tutoong police.
      dahil wala ako nun nag nag kakagulo sa condo lobby, pinagsabihan ng bongga bongga si collector at yun nag pangap na police police. I got their names at pina blotter ko rin sa brgy namin sa kalapit na police station na halos kalapit ng condo. Hindi work ng tutong police ang ganyan. Unless criminal case at need ka hulihin :=> Promise hindi ako na bother ng collecting agency na eto ever hahaha.
      Dito ko rin nakuha ang diskarte pag babasa at pag back read ng mga lumang posts.
      kapit lang.

      Delete
    11. @Mrkabado2 magkano po balance nyo sa MB? Yung saken kasi 20k lang original amoumt tapos pinuntahan ako dito sa bahay last week. nagulat tlga ako and sinisingil ako ng almost 200k. 2011-2012 pa yung utang ko sa MB perp sabi nila nabili ng Collectius. Nagtry ako magreachout sa MB noon pa pero parang hndi naman sila interesado so yung ibang bank nalang binayaran ko. Ngayon, wla na akong pambayad pero nakakastress na pumunta pa tlga dito sa bahay eh natatawagan naman nila ako. Salamat sa grohp na to at napapanatag ako perp nabubuhay ule ang bangkay. Lol

      Delete
  31. Maraming salamat po sa blog na ito at nabasa ko may mga same na pangyayari pala na naishare na dito. Nakatulog naman po ako kagabi, pero maaga akong nagising kanina para magbackread at ang dami kong natutunan. Grabe talaga, sure akong CA crook to ng Eastwest kasi un ang gusto nyang bayaran ko muna. Kaya malaman ko lang kung sinong CA to magffile din ako ng reklamo laban sa kanila, naka-cc lahat ng dinamay ng CA crook na yan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. BACKREAD is the key. the more you learn the diskartes, the better you are in handling the CA crooks. mga hunghang yan.

      Delete
    2. Ganun pala strategies nila.. kaya dapat talaga diskarte lang talaga..any way pedi naman daw kaung mag pa blotter if ever.. and inform nyo po bank sa nangyari.. then send din po kau complain sa BSP..

      Delete
    3. Hello. defaulted din ako sa EWB as of now ay 200k na and last month email nila ay to pay 11k nalang as AMNESTY.

      Wag ka papayag sa mga CA na bobo na yan. pablotter mo minsan masarap din patulan tapos sumbong sa BSP

      Delete
    4. yes, ipa blotter sa police station, at pa file ng barangay complaint. so dare their bluff na magkita sa police station. hahaha.

      kahit walang kwentang mag report sa BSP, but you can still report it.
      https://www.bsp.gov.ph/SitePages/Default.aspx

      the usual process once BSP receives the complaint, ipapasa lang nila sa bank concerned. then the bank will respond to you, saying "Thank you for your report. We apologize blah blah blah. However please note that you still owe us this blah blah blah"

      Delete
  32. Hello po nakausap ko na ang Eastwest bank kanina, yung account ko daw ay nasa kanila, wala daw sa collections agency. Pero last June kasi may email pa akong nareceive from Eastwest mismo, nakalagay na magexpect daw ako ng calls or visits sa accredited law firm nila, MVP Account Management and Recovery.

    ReplyDelete
  33. @Mr.Kabado2 nasa 70k po ang eastwest ko at offer nila sakin last month at kanina ay same lang, 50% lang. Sana bumaba pa din katulad po sayo 200k down to 11k na lang.

    ReplyDelete
    Replies
    1. yung friend ko nga asa 200k after 5years nasettle niya ng 5k lang amnesty mismo ni EWB recovery department

      Delete
  34. Hello got same experience 3x na ata and feeling ko ewb siya, pinapupunta akong brgy kesyo may pulis na nag hahanap sa akin para iwas komosyon pumunta daw ako. Yung kausap ko is brgy staff daw ang ginawa ko chinat ko kapitan namin kasi nag hinala ako mali kasi bigkas niya sa name ng kapitan namin. Ayun nag confirm yung kapitan namin na wala daw ganun staff at incase daw na may warrant talaga yung pulis na ang dederetso sa bahay and if may reklamo sa brgy antayin ang summon. Yang yung 1st time, yung latest eh as usual pinalalabas ako ng bahay at pumunta daw ako ng brgy same name pa din kesyo staff daw siya ganun. Tapos inask ko paulit ulit hanggang sa na bwiset binabaan ako hahahaha. Kaya simula niyan lahat ng unknown and spam di ko na sinasagot para iwas stress and kaba.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hi! AnonymousThursday, July 20, 2023 at 10:19:00 AM GMT+8
      Same I do not answer "unknown" calls. At thru emails nila ako ang communicate para documented at may paper trail.

      may nag post na dito way back na ang hirap kung nasa field work ka or sa sales hindi puede hindi sumagot ng call kaya no choice ka pag ganoon. pre pandemic sa office kulit ng mga collector yun tipong 8 AM na 8 AM uupo ka palang sa cubicle mo ayan na kulit na hehehe.

      Delete
  35. Yung lahat ng usapan namin ng brgy kuno, pulis kuno, at atty kuno ay nirecord ko po pero without their consent. Allowed po ba ako na iparinig yung recordings sa totoong brgy namin at sa totoong pulis?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Illegal wiretap yata yan. Pwede mo naman sabihin sa kanila na nagrerecord ka sa simula pa la ng litanya nila.

      Delete
  36. hello po, meron na po ba dito na delinquent na sa Revi Credit? yung sa CIMB po, nagdededuct po ba si Revi sa gcash since magka link sila? may naka experience na po kaya dito?

    ReplyDelete
  37. Hello have a nice day! Ganyan nangyari SA akin we have the same case. Untill now Hindi pa na lif ang garnishment ko. Kung sa private lawyer ako lalapit Wala naman akong Pera na pambayad kasi nga na garnish na Ang account jo

    ReplyDelete
  38. Hello po, yesterday po pumunta sa amin yung kapitan ng kabilang barangay ang Sabi may tumawag daw sa kanyang hepe ng pulis, nag aask daw kung kilala ako. Kasi may warrant of arrest na daw ako kasi hindi ako umattend ng hearing, ang kaso wala nman po akong nare receive na letter then nagtataka din ako kc hindi nman ako sakop nung kapitan na tinawagan kasi sa kabilang brgy ako nakatira. And pati daw name ng mother ko kasali sa kaso. Mother ko nakausap binigay ni Kap ung number ng tumawag sa kanya para kami nlng daw mag usap. Credit card defaulter po ako since 2020, and my existing gloan/gcredit sa gcash at spaylater sa shopee na unpaid pa, reason nawala po cp ko last year. Willing to pay nman PO ako when able Na., sa ngayon is wala pa po talaga, totoo po Kaya ung warrant of arrest na un.. Natatakot po kasi nanay ko.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kilala nyo po ba personally ung kapitan sa kabilang barangay? Baka po ung nagpunta sa inyo is CA and nagpapanggap po na kapitan ng barangay and kakuntsaba ung hepe kuno.

      Delete
    2. Kung may warrant ka na bakit ka pa kakausapin? Minsan po nawawala tayo sa logic kapag kinakabahan. Kumalma lang po at mag isip wala pong nakukulong sa utang.

      Delete
    3. Kung may warrant ka na bakit ka pa kakausapin? Minsan po nawawala tayo sa logic kapag kinakabahan. Kumalma lang po at mag isip wala pong nakukulong sa utang.

      Delete
    4. Kilala din po namin personally si Kap, siguro dahil nga po hindi na ako makontak sa number ko, Kaya naghanap po sila ng taong pwede nila makausap para mapahiya po ako sa lugar namin,

      Delete
    5. Yun nga din po naisip ko kasi parang binibigyan pa nila ng pagkakataon ung tao na makatakas kung may warrant na bkit need pa pong kausapin..

      Delete
  39. Update lang po, nakausap ko po si Kap sabi tumawag din dw un sa Kap ng brgy. namin ipinasa lang daw sa kanya kasi hindi cguro ako kilala, tapos ang sabi ung tumawag daw po ay dating hepe ng bayan namin kaya kilala daw po nila ung hepe

    ReplyDelete
  40. @Anonymous dating hepe daw po ung tumawag?.. at yung hepe ngaun nang bayan ninyo kilala nung dating hepe na tumawag??..

    ReplyDelete
  41. Question po default kasi ako kay SB nung ngpandemic before ako magdefault may auto loan po ako saknila at yun lng tlga natira sa mga binabayaran ko kasi need ko yung car. Malapit npo ako matapos 1 year nlng and iniisip ko kung may right po ba silang ihold ang papers ng kotse dahil sa utang ko pg tapos ko ng bayaran? If ever po ibig sabihin parang naging collateral na yung kotse? Hindi naman nawawala sa plano ko ang linisin lahat ng default cards ko pero baka lang matagal since ngsisimula palang po ako ulit.

    ReplyDelete
    Replies
    1. They could. Mabuti kung ihold lang po ang full payment docs. Mahirap kung kasuhan ka and igarnish ang unit.

      Delete
  42. Hello po. Medyo nastress po ako. I have 3 accounts under RCBC na default na and ang naghahandle is si cases chun. Nag house visit na din po sila nakaraan. My debt is amounting to almost 300k+ (3 accounts) and with Citi (1 PL and 1 CC) amounting to 150k. Si cases chun po anghaharass. What to do po?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ilang months or years ka na defaulted sa RCBC nung biniwisita ka nila sa bahay? Taga Manila or nearby area ka ba?

      Delete
  43. Hello po, I am a defaulter since last year, nasa around 130k na due to interest, tanong ko lang po nung nag file kasi ako ng CC. diba may nakalagay po dun kung sariling bahay nyo po yung address na yun. I put checked on it (own house) which is hindi naman po talaga nag rent lang, Gusto ko lang po talaga magka CC for negosyo sana. Tanong ko lang po makakasuhan po ba ako dahil dito?

    Please, Please help me po

    ReplyDelete
    Replies
    1. This is a technicality. @banker would know the answer to this. Post it at Fridays with Banker

      Delete
  44. hello po., Tanong ko lang po kung malalaman po ba ng CA na may business ka? ang naka declare po kase sa bank ay online business lang pero meron na po akong physical store, pero hindi parin po kaya ng income na makapagbayad kase maliit lang po yung kita. sakto lang po para samin ng kids ko. mate trace po ba ng mga CA yung location bg physical store ko since registered business po ito sa BIR. thank you po if may makakasagot

    ReplyDelete
    Replies
    1. Always assume that they can find it kasi it's registered and public ang info (?)
      The CAs job is to find ways to collect.

      Delete
    2. Can they garnish your business po if ever? Thank you sa makakasagot.

      Delete