Hi sa ating lahat, its me MR. KABADO. Just share my story of being defaulter and how the TIME STILL TURNS THE PAGES...
In year 2020, start of pandemic ay nadefault ako.
3 cards from Metrobank
2 cards from RCBC
1 card form Eastwest Bank
1 card from PNB
1 card from CITI
1 card from UB
1 card from Chinabank
GLOAN
GGIVES
Spaylater
Sloan
PROUD BA AKO? Noon nung di pa ako defaulted kasi pinagkatiwaalan ako ng bank kaya ganyan kadami card ko. good payer. good credit score. BUT ngayon? hindi syempre. kasi may guilt pa din sa akin na sana nabayaran ko, sana mabayaran ko pa at sana pagkatiwalaan nila ako ulit.
ANONG GINAWA SAYO? Nakatanggap ako ng call galing sa Police Patola, nakausap ko ang ABOGAGO nila at walang kamatayang brgy hearing nila na never naman nangyari. Napuntahan nila ako sa bahay, just received the letter then tapon kasi wala naman good news.
NAGOFFER BA SILA NG MABABA TO CLOSE THE ACCOUNT? YES AND YES but struggle and surviving pa din and yung kita ko ngayon ay hindi na ganun gaya dati.
Alam niyo ba na nagpakamatay pa ako noon, YES. Tama nabasa mo. kasi late ko na nalaman itong blog na ito, late ko na educate ang sarili ko. late na ako mag ask ng advise. Isa yun sa pinagsisihan ko dahil doon ko nakita magulang ko na umiyak sa sitwasyon ko.
TAMA SILA...
TAMA SI BANKER...
TAMA SI MAAM CHERRYLOU..
TAMA SI SIR EDUARDO...
TAMA SI PLANTER... WALA NAMAN MANGYARI SAYO. MILYON ANG UTANG NG IBA, HINDI NAMAN NAKULONG.
DEFAULTED PERSONAL LOAN? Meron akong personal loan noon pero binayaran ko yan kasi takot ako sa BP22. PERO nalaman ko NOT ALL CHEKE AY BP22, iba ay to facilitate payment lang.
Ito nga buhay pa ako, 2025 na. Madaming dumating blessings. May mga struggle BUT THE LORD help me after I SURRENDER EVERYTHING.
Mapapayo ko?
1. Tell sa family your problem, it will set you free.
2. Forget the debt, not the lesson.
3. Educate mo sarili mo, BACK READ KA DITO SA BLOG andyan na mga sagot.
4. Surrender mo na kung di na kaya, then sabayan mo ng dasal.
Marami ako pinagkakautangan ng loob lalo kay Banker.
PS: Sira laptop ko kaya minsan nalang makacomment but if you want to email me, dito nalang
mrkabado033@gmail.com
No comments:
Post a Comment