Monday, April 29, 2024

Mag backread ka para maging mahusay na isang ka-diskarte

 

Bago ka pa dito sa Diskarte?

Halika, sumama ka sa atin at simulan ang iyong pagbabackread sa mga open posts dito. Sa ating patuloy na paghahangad ng kaalaman at kahusayan, ang pagbabackread ay susi sa mas malalim na pag-unawa. Ito'y hindi lang basta pagbabalik-tanaw, kundi isang estratehiya para matuto mula sa mga diskarte ng mga nauna sa atin.

Huwag kang mag-alala kung parang quiz bee ang dating—dito, hindi lang puro tama o mali ang sagot, kundi pati na rin ang pagtuklas ng mga bagong paraan para iwasan ang mga hunghang na CA crooks na ang hilig ay pagbabanta, kasinungalingan, pampublikong kahihiyan, at ano ano pa para maka pangolekta sa atin. Sa pamamagitan ng pagbabackread, hindi ka lang basta matututo ng mga diskarte; magiging mas bihasa ka rin sa pag-handle ng mga nakakalokang sitwasyon na parang ninja sa dilim!

Higit pa rito, ang pagbabackread ay nagdudulot ng kapayapaan sa ating isipan. Ang kaalaman na nakukuha natin mula sa mga nauna ay nagbibigay sa atin ng kumpiyansa at seguridad sa ating mga diskarte at desisyon. Sa bawat pahinang ating binabalikan, isang hakbang tayo patungo sa mas matiwasay na buhay—bilang mga diskarteng defaulters, handa sa anumang hamon!

209 comments:

  1. Just to share my experience with my ATOME CARD and how I even get back to them.



    I am a defaulter now ksi di ko na mabayadan ang ibang CC ko like Robinson, Chinabank, MB, BDO, SecBank and ATOME due to some personal and health issues. I can tolerate the CA crooks from other banks but not with ATOME.



    Grabe ang email harrassment and intimidation nila and they are even calling khit holidays or even late hrs na sa gabi.



    I decided to pay the 2 months missed payment with them pero kinabukasan nakareceive ako ng email telling me that they will go to brgy to ask assistane and they are telling me that they are doing humanitarian consideration daw.



    Dun ako natrigger so I sent an email sa CA telling them that BRGY is the not right venue for that and what they are doing is intimidation and violation. I cited them about the fair debt collection act and BSP Circular 454 for my privacy. I even reported them to ATOME and BSP included all the screenshots ng template nila which is wrong and one email na naka SEND TO MANY (as in makikita mo un mga email address ng ibang users nila)



    Kinabukasan ATOME contacted me about the report that I filed thru BSP and they did an investigation. After a week they contacted me again to inform me na valid lahat ng complaint ko



    1. BRGY is not the right venue for this matter and this is an act of intimidation as no one should know na my utang ka sa isang institution khit brgy pa yan



    2. DATA PRIVACY ACT dhil un email is naka send to many which is visible to everyone



    They apologized and they reprimanded the collection agency. Though I felt sorry sa 2 staff na naapektuhan ksi they informed me that the collectioon agency decided to suspend the one and other one was terminated. ATOME assured me as well na if this happens again from nay of their collection agency they will pull up the campaign as this can affect their reputation.

    ReplyDelete
    Replies
    1. It's a good thing you did this but I do not believe the Collection Agency was reprimanded and someone was terminated. If naterminate, good, but duda ko hindi.

      I speak from experience, since besides being a previous defaulter, I also interviewed Collection Agencies on my previous job. Part ng service they offer is to basically harrass individuals who do not pay.

      Of course, banks will disavow the actions of agencies who act on their behalf in public, but that kind of method is encouraged because fear and embarrassment because are the greatest motivayors to pay up.

      In 2011, I filed a complaint with Citibank because Bernales was harrassing me. And wala din nangyari.

      Eto lang yun: If financial institutions discourage harrassment, there will be no harrassment. That is just the bank and the agency playing Good Cop-Bad Cop.

      Delete
    2. Right, I don't think CAs will terminate or suspend their staff as a result of our report to BSP. 😂 Even the BSP is aware of these malpractices. "Tolerated practices" ang mga ito. Pampalubag loob lang sa atin na the CAs acted upon our reports. I agree though that there is temporary relief on our part once we report to BSP ang mga hunghang na CAs. I reported multiple times various CA crooks even if I know walang mangyayari. Hahaha. Pang prank ko lang yun sa kanila. Tatahimik sila sandali, and then babalik na naman sa old ways nila. Diskarte lang talaga.

      Delete
    3. Totoo yan Sonnixx Haven. Kaya when I found out CAs can't do anything but threaten me di na ko nag-alala sa mga yan.

      May sinabihan ako from Bernales dati before I paid my Citibank Card na "Magnanakaw ang tawag sa mga gaya nyo."

      Hindi sya kumibo since magbabayad na ko and pumirman na ko ng agreement. I took the opportunity to insult him and he just took it. =)

      Delete
    4. Dont ever feel sorry for these mofos. Predators mga yan. Tayo ang prey if we let them to be.

      Delete
    5. baka po may makahelp sakin madelay yung pagfile ng bpi against the estate of my father who passed away last year. ok lang kaya magbayad ako ng 5k directly sa cc nya para di sila kaagad magfile ng claim? may properties kasi sya na kakatransfer lang ng ownership

      Delete
  2. @BrianSureWood @sonnixx haven actually naisip ko din yan pampalubag loob lang hahahaha kaso asa bernales na un acct this time with ATOME since di ko naman mabayaran un due ko sa kanila. Ang hinahanap ko sa agent ng bernales na tumatawag sa akin ngaun is legitimicy nila hahahaha nakaopen ksi sa viber ang caller id lumalabas ang caller id nila hahaha though alam ko naman na CA talga sila pero nalabas ksi sa call id eh mga names ng LAZADA, TOYOTA and many more. So sinsbi ko sa knila I will talk to you if may proof kayo na tiga bernales kau hahahaha my time na sinbihan ko pa na BERNALES kayo a reputable CA emeee hahaha tas wala kaung system na pag tumawag kayo eh it will show na tiga bernales kayo hahahaha tas ssbyan ko na lang na Ill pay when I can hahahaha

    Ang kalaban ko ngaun DIGIDO hahaha hayop 5k loan tas 19k payable. 1.6% per day or 49.60% per month then misleading ang interface nila na PAY PART daw pero in reality extension lang pala ng payment for 14 days. Nagpasa na din aq ng reklamo sa SEC about them sbi ko di babayaran yan not unless may results na ang SEC complaint ko

    ReplyDelete
    Replies
    1. BSP ang may overall control sa digital lending apps. Predatory rates yan.

      Delete
  3. New defaulter here. I have 2 UB cc and one Citi, possible ba na kapag nagtagal isang singilan na lang siya or will it always be one CA for each account?

    ReplyDelete
  4. Hi. Ask ko lang. Dalawa ang credit to cash ko kay rcbc. Yourcash and main card. Both nasa 490k each for 60 months installment. Ginamit for investment. Nangyari biglang nagslowdown ang business after 3months. And wala na mabigay ang owner ng business. And parang wala na balak bayaran. Madami naipit hindi lang ako.

    Nawalan din ako bigla ng trabaho and nagkasakit din ako. Si yourcash walang minimum amount due. Di ko na sya nabayaran..laging 2000 lang. Then since di pede..sinama na nila si maincard sa kinancel maski nahahabol ko pa amg minimum ni main.card. ngayon nasa 1M na total.

    Lagi natawag collection agency since last yr. Last na collection na tumawag last March pa. And for higher court filimg na daw. Sabi ko basta kaya ko lang now is 2000 each account for RCBC. Insufficient daw. Pero still tinutuloy ko until now

    This april wala pa natawag. Sa tingin niyo po kkasuhan na talaga ako? Kinakabahan kasi ako. Wala pa ako pambayad kahit pa mapunta sa court.
    Thank you po sa sasagot.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wag ka na magbayad if in default ka until may written arrangement.

      Hindi mapipigilan ng pagbayad mo ng 2k monthly ang demanda kung gagawin nila yan.

      Kung magdemanda at wala ka pambayad, eh di wala sila makukuha.

      Delete
    2. hi thank you @briansurewood. nakareceive na ko ng email from other CA. nalipat na ulit.. actually same CA ito last December.. so bumalik lang...

      Delete
  5. hi po sana may makapag bigay payo. nawalan ako ng trabho at 4months nko d nkakabayad 350k na ang total nag teks si bpi na temporaty suspended na ung card nung una si bpi pa tumatawag pero dko sinasagot dahil wla tlga ko ibabayad nitong april taga ssg apac na ang natawag teks at email. last na may tumawag kahapon telephone number ng bpi. default na po ba ung card? dpat na po ba ko tumawag o mag email sa bpi kung bakit hnd ako makapag hulog? kinakabahan po kse ko na baka puntahan nako dito sa bahay dahil sa dko pag sagot sa kanila at wala rin po talag ko ma ibabayad sa ngayon.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Defaulted ka na kasi nasa CA na account mo. Huwag ka kabahan, ang gawin mo mag back read ka kesa kabahan.

      Delete
    2. salamat po sir @kinakape buti na tagpuan ko blog na to

      Delete
    3. Magandang araw sa lahat. Kwento ko lang experience ko Kasi nagkaka anxiety na Po Ako.

      Nag resign Po Ako from my job Kasi nagka mental health issues Po Ako at post partum depression Kay Wala na Po akong pambayad nang cc ko.

      First law firm Po nag contact sa akin SB Madrid at nagawan ko Po nang paraan na makapagbayad nang 15k. Then they continued na maningil but Wala na talaga akong pambayad Kaya dineadma ko lahat nang calls, text and emails nila.

      Ngayon Ang komocintact sa akin ay ibang law firm na Naman. Yung Constantino and mas grabeh Po to Sila maningil very aggressive. Sabi nila for case filing na daw Po Yung utang ko sa cc. Nag email Po Sila nang FINAL Demand Letter and For case filing na daw Kaya nag reply Po Ako na Hindi pa Ako makapagbayad Kasi Wala akong work and I'm still working on my mental health. But they are persistent na maningil kagit kahit 15k lang daw at due Po bukas.

      Ano Po ba dapat Kong Gawin? Should I pay the 15k na uutangin ko pa from friends or block ko na number nila at Hindi na mag reply sa mga emails?

      Delete
    4. late reply. Sayang ang pera mo. By commission basis ang nga yan. mga pananakot lumang tugtugin na yan. Ipang gasta mo na lang sa family.

      Delete
  6. Hi po, bale ganito po sitwasyon ko. May existing auto loan po ako sa ps bank and im planning to fully settled na po siya kaso po may default cc po ako sa metro bank eh subsidiary po niya si psbank. Posible po kaya i hold nila ang orcr once na ma fully paid ko na po ung auto loan. Hihiramin ko lang po kasi ung pang fully paid ko sa auto laon and gagamitin ko po pang collateral ung orcr ko para mabayaran ung hiniraman ko. This is the only i way i think just to keep the car on me and to lessen my monthly amortization

    Tumawag na rin po ako sa psbank asking for reconstructive loan kaso di daw po pwede since 5yrs lang talaga contract sa car eh updated naman payment ko. Kaya ayun po ung na isip ko just to survive. Sonrang worry po alo na baka ihold nila release of my orcr.

    ReplyDelete
  7. hello po, if may decision na po yung sa small claims case, when po yun usually na execute? yung decision po is required to pay an amount of around 131k po..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Late reply, ang kotre ang magpapadala sa iyo nang summons, sasagutin mo yan. at kung matuloy ang usapan, arbiter at kinatawan ng cc at hindi ang CA ang judge at mag uusap lang kung magkano lang kaya mo bayaran at ilang taon. CC obligation wala namang mortgage yan kaya nga mahal ang interest nila. kung wala kang pangbayad. wala sila magagawa. Garnishment pananakot lang yan.

      Delete
  8. Magandang umaga po, isa po ako sa mga silent readers po dito sa blog na ito, malaking naitulong saakin nito since madefault 2 ccards ko last year at malaki po almost 400k+ po nung ma deafult ako., sa ngayon tahimik pa po sila (nagpalit po muna ko contact number pero email still active), may pailan ilang calls sa work, pero ndi na po ineentertain nang hr namin, they just said na indefinite leave., may mga nababayaran pa po akong 3 ccards, pero ang problem ko po 2ccard po dun minimum nalang ang nababayaran ko at malalaking amount na due to pataas nang pataas na interest and over limit penalty, ung isa po ay maayos ko pa nababayaran dahil na restructure ko po, question po ay dapat na po bang ihinto ko na muna ung pagbabayad dun sa 2 card na minimum nalang ang nababayaran ko? wala na pong natitira sa sahod ko, ndi ko na rin masuportahan ang family ko napupunta nalang po pagbabayad sa kanila at worst bayad po ako nang bayad pero palaki parin ang palaki, isa pa po sa worry ko kaya ndi ko po mahinto ung payments even though ndi ko na kinakaya ay dahil ung isa po nag cash loan po ako (RCBC), and ung isa naman po may pinirmahan po akong balance conversion form, and bigay ako id and signature (PNB) through email , baka po kapag hininto ko ay pedi nila ko kasuhan nang breach of contract?... maari po ba akong makulong gaya nang sinasabi nila sa mga emails nila?, saka inaalala ko po na kapag hininto ko po mag pay minimum ay mang gulo po sila nang husto at idamay pa mga kasama ko sa bahay.. senior na po nanay and tatay ko, pwd pa po.. salamat po sa inyo sana po mapansin ang concern ko..salamat po ulit

    ReplyDelete
    Replies
    1. kung di na kaya, so decide to stop paying and focus on other priorities. always possible na mag file ng kaso ang banks, but no worries, kahit pa decided cases na, kung wala pa pambayad, eh di wala. just make sure to read the diskartes here to prepare on how to manage the CA crooks. Di ka makulong.

      Delete

    2. hello po, if may decision na po yung sa small claims case, when po yun usually na execute? yung decision po binaba last Feb 29 is required to pay an amount of around 131k po..

      Delete
    3. Anong bank mo po? Kailan ka pa po nag default? Kahit mababang amount pinush sa court.

      On the brighter side of things, wala ka ng proproblemahing CA sa account na yan.

      Delete
    4. Hello po. Sa Home Credit po...Cash Loan. May 2023 ako nag default

      Delete
    5. @Sonnixx Sir, thank you po sa payo, sobrang lugmok na ako ngayon..tanggap ko naman kung anong pdi nilang gawin, kaya lang nag aalala rin akong pati mga taong walang kinalaman sa default ko guluhin nila, mag babackread backread po ako dito para maka survive at sa mga diskarte na rin..salamat po

      Delete
  9. hello po, if may decision na po yung sa small claims case, when po yun usually na execute? yung decision po last Feb29 is required to pay an amount of around 131k po..

    ReplyDelete
  10. eto po yung nakasulat sa desisyon po: 1. Pay the plaintiff actual damages the amount of Php131,777.00 representing unpaid obligation, plus 6% legal interest per annum from the filing of instant complaint until fully paid; and,

    2 Cost of suit (Php 4740 raw po ito.)

    Now ang tanong ko po, may option po ba akong mabayaran po ito nang installment ? Kasi until fully paid nakalagay , may 6% interest nga lang per year. Totoo po bang if once ma execute at wala akong pambayad nang buo, manghahatak daw ng gamit ang sheriff with police? Balak ko naman pong bayaran pero in installment po. Kasi until fully paid naman ang nakasulat... Salamat po, sana may makasagot po.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nag attend ka po sa small claims hearing? Hindi ka po nag haggle sa amount?

      Delete
    2. Mas maganda tanungin mo yung bank.

      In the meantime, ilipat mo na yung pera mo dahil hahanapin yan.

      As we speak, may sheriff na malamang na naghahanap ng bank accounts mo.

      Delete
    3. cash loan pala to. naka pangalan ba sayo lahat ng gamit mo sa bahay? di totoo na kukunin ang gamit mo kasama ang police. may legal process yan to get your home stuff.

      Delete
    4. Thank you po @Sonnixx Haven, as of now po wala pa talaga pambayad, pero gawan ko po ng paraan...

      Delete
    5. sasakyan lang po naka pangalan sa akin po, sa bahay po hindi...

      Delete
    6. Late reply. Saan mo nakuha ang decision. kung galing sa Collector Agency, nadali ka. kung umabot sa korte, may summon ka galing sa korte mismo. mag arbiter ang judge at ang kinatawan nang cc/bank. hindi sapilitan ang bayarin. mas mababa at mahabang period. kung magbigay kung anong branch nang korte puede puntahan at para makita mo kung totoo na.

      Delete
  11. Ano po ung sagot Kay jitters ? About sa small claims courts decision. Paper victory lng din po ba? My home credit din po Ako . Slmt po sa pagsgot

    ReplyDelete
  12. Hi @BrianSureWood... Home Credit po ito. Ano po ask ko sa kanila? What about po sa mga gamit? Pwedeng kunin nila? Salamat po..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ask them kung pwede mo bayaran ng installment.

      Eto lang ang problema dyan, if you are not able to comply, may garnishment na yan.

      Delete
    2. Nag attend ka po ng small claims court hearing?

      Delete
    3. Hello po @BrianSureWood, so hindi po applicable yung until fully paid na nakalagay sa case decision? Nung Feb po ito nagka decision po..

      Delete
    4. pag gamit ang kinuha mo sa home credit, technically, pwede nila kunin yun. applicable pa rin ang "until fully paid" even if nag installment ka. but again, never into any installment payment if you can't complete. sayang ang payments mo.

      Delete
    5. Ang ibig po sabihin ng "until fully paid" eh hahabulin ka until matapos ang utang.

      Kung di mo matapos ang installment eh they will go to garnsihment. Kung kulang ang amount na makukuha sa garnishment, eh di may utang ka pa din until mabayran.

      One time lang ang ganrishment dito dahil magastos maghire ng Sheriff para maghanap ng bank account and properties. So malamang one time din yan ganrishment sayo. However, permanent na yan sa report sayo.

      Delete
  13. Thank you po BrianSureWood at Sonnixx Haven, gagawan ko po ito ng paraan...

    ReplyDelete
    Replies
    1. You mean to say in less than a year nakapagfile agad c HC ng small claims sa court with your Cash Loan? In my experience defaulted dn ako sa kanila for about 2 years but never did they file lage lng naman cla pumupunta sa house kaht mainit or uuuulan just to give letters pero never tinanggap ng kaht cnu sa family ko. Now, ayun notorious dn kung makatext at makatawag. But i told them i have no capacity to pay dhl b naman sa laki ng interest nila. ATM, komukuntak p rn cla and pumupunta sa bahay.. sad to say wala talaga cla makuha kasi wala talaga pambayad.

      In your case that u received a court decision? Are u sure n galing sa court yan? Baka cla lng dn gumawa nyn.

      Delete
  14. Good pm po, medyo kinakabahan ako,.. may tumawag sa receptionist namin na Cheap Sargeant daw, then pag pasa sa HR Hepe daw xa nang Makati RTC? and galit na galit daw hinahanap ako, lakas daw nang boses..gaano ka legit un? start default last year w/400k+ balance.. salama po..

    ReplyDelete
    Replies
    1. di na kailangan isipin yan. scam to. cheap na strategy to ng mga CA crooks. sabihan ang HR na scam yan, at na scam ka.

      Delete
    2. In 2011, sabi sakin ng Bernales may "Commitee" daw na nag-uusap kung payag na 10k na lang bayaran ko sa Citibank.

      Sabi ko "Walang commitee. Ikaw lang yan at dahil pataygutom ka, tatanggapin mo na 10k na lang ang babayaran ko."

      I added "Ikaw din yung tukmol na taga-Tribune kino."

      Kalokohan yan.

      Delete
    3. lol grabe me ganitong ganap padin ba hanggang ngayun. akala ko medyo mellow na sila dahil sa FDCA ng BSP. sinong Collection Agency to?

      Delete
    4. Salamat po sa mga Response, Salamat po @Sir Sonixx, @Sir Bryan, @ MichealMendiola hindi na po ata mawawala sa mga CA Crooks na yan ung ganun garapal na diskarte kabababasa ko rito marami po kong nikitang same experience din at mga deskartes, salamat po sir, share ko lang po, bale nag Ask ako sa HR regarding dun, un nga po medyo na-inis nga daw po xa kasi nag aalsa boses kaya ndi na niya inentertain. may tumawag din daw looking for me pero ayaw naman daw po mag bigay nang concrete info sabi lang collection agency daw, kahit Bank na nirerepresent nila ayaw ibigay, sabi nya nalang naka leave hindi sure ang balik at hindi na niya inentertain.. May times naman daw na tumawag Major daw siya at madadamay daw ung Company kapag hindi nag bigay nang info regarding sa hinahanap nila (ibang tao naman po hanap) grabe buti nalang hindi patinag si HR. pero ung Major nakakaloko, pati Company banta nyang idamay, usurpation of authority na po un diba po?

      Delete
  15. Gudam Guys!! Ask ko lang any feedback about IDRP? I am planning to take this. Everytime na my tumatawag sa akin na CA ang lagi qng sbi sa knila I am considering IDRP but will not confirm it yet kung kelan dhil lugmok pa ako. Ayaw ko pa ksi magcommit into something na d pa kaya ng finances ko ehh.

    Sbi ko na lang magcocommit aq pag rrady na aq and wala aqng sinasabing date ksi ayaw kong magamit un laban sa akin.

    Is IDRP good or wait na lang aq mapababa lahat ng balances ko sa mga ccs ko?

    Thanks

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pag di po Kaya wag po muna. Ako po kasi nakapasok po sa ganyan di ko pa po nakita tong blog na to. Kaya natakot pako dati.. Kaya ngaun ang hirap bayaran di naman pwede di magbayad kasi may mga napirmahan ng docs.

      Delete
    2. @Mia tama po ang hirap po kapag may agreement na, saakin kasi inaaccess palang nila ung pinasa ko hindi ko daw kaya so needed ko raw nang co-maker, ayoko nang may madamay pa so hindi na ko nag tuloy pa hinayaan ko muna since hindi talaga kaya..and buti napadpad din ako sa blog na to basa basa nang experience at diskarte..

      Delete
  16. @figthingCAcrooks, kung ndi mo po masusustain ang pag babayad baka mas lalo po kayong mamoblema..saakin kasi hindi ko na po pinush pa. since mag kakaroon na kayo nang agreement jan, peding hindi na kayo ma bigyan nang amnesty/lesser amount. naalala ko po yung kausap ko sa bank before sabi nya, kapag pumasok ka sa IDRP walang amnesty/discount pero long terms w/lower interest at bank parin ang mag dedecide jan, try pong inegotiate ung kaya nyo lang po muna.. PS. base on expirience and kababasa dito blogs.. :) stay safe stay positive po sa atin lahat. if may correction po sa comment ko po kindly address din po for additional learnings and diskartes hehe..

    ReplyDelete
  17. Me utang po ako sa BPI cc na 1.2M, today lang tinangap ng kamag anak ko yung letter ng court na final order order garnishment, me trabaho po ako, sobra po stress ko sa pede mamgyari. Ano po kaya magiging resulta ng pag tangap ng sulat n kamag anak ko at kung me mabuting loob po na makalabigay ng advise kung ano po gagawin ko para makaiwas sa salary garnishment, salamat po.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi. Pano po nangyari? Nakipagusap po ba kayo sa Bank and sa collection agency? Ano po itsura ng letter ng court? May utang din ako sa BPI. Mimimum payment lang lagi. Balak ko sana stoo na muna since nawalan ako trabaho and pating patong na ang mga utang sa ibang card.

      Delete
    2. Transfer your savings to another account, kung pwede sa magulang, kapatid, anak o misis mo.

      By law, hindi naga-garnish ang salary, pero may nangyari na ganyan and napost dito.

      Talk to your HR and explain to them your sitaution na yung pwede na bigyan ka ng check or deposit sa ibang account ang salary mo.

      At this point, it is only a matter of time before ka ma-garnish.

      Magtira ka ng ilang libo sa bank mo para may makuha sila and they stop looking once meron makuha

      Delete
    3. @nervousmeme
      Ask ko lng po meron din kasi ako bpi almost 500k nov pa last year ako na default kaya nervous din, un po bang dumating sa ung letter from the court e garnishment agad wala kang na received na sumon at how many years ka defaulter sa bpi? thanks

      Delete
    4. @BPI Defaulter
      Ask ko lang po meron din ako bpi almost 500k nov pa last year ako nadefault kaya nervous din un po bang dumating sa ung letter from the court garnishment agad wala ka na received na sumon at.how many years ka defaulter b4 nagfile ang bpi ng case?tha ks

      Delete
    5. Salamat po sa mga payo, matagal na po akong defaulter, Dabu and associates po ang nag habol, nag padala po ng mga sulat mula sa court sa address ng mga kamag anak ko at mga kamag anak ko po ang tumangap, mga matatanda na po kaya po umusad ang kaso. Ngayon po, Final Writ of Execution na po ang natangap nila. Nakaka panghina kung iisipin ko na wala ako sasahutin, binabalak ko na lang mag resign if mangyari po iyon, me sinusuportahan po akong magulang at di ko kaya na wala dumating na sahod sa akin.

      Delete
    6. @BPI Defaulter - may update ka dito? natuluyan ba yung pag garnish nila sa salary mo?

      Delete
    7. @BPI Defaulter - update naman if may nakuha sila sa payroll mo? :(

      Delete
    8. Late reply. Ang summon ang mangagaling lang sa korte at hindi sa Collection Agency. At para makasiguro kung anong branch puede yan puntahan mo personal. Nakalagay dun ang nga date ng hearing. Simpleng kalokohan yan. kapag nasa Collector na yan, mas maganda dahil kesa sa CC mismo. Ang banko may allowance yan sa probable loss. means ibabas nila sa income nila para makabawi.

      Delete
  18. Pera po sa gcash makikita din nila?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tanong ko din po sana ito, if kaya magarnish ang gcash at paymaya po. salamat po sa mga sasagot.

      Delete
    2. Hi @bpidefaulter wala pa namang may nkpgshare dito na na garnish ang mga online wallets nila..may case/garnishmenr order narin ako ke bpi and ganyan din naging reaction ko sobrang takot ko din and sleepless nights ngkasakit pa nga pero kaka basa ko dito nakakuha ako ng mga diskarte like pgkapasok ng salary transfer ko agad sa kapatid, mother or husband ang money na garnish ako sa isang non bpi savings account ko
      pero once lang and maliit lang nakuha nila below 500 yung account na yun may maintaining pa din pero hndi ako ngsstore ng malaking amount then up to now gcash paymaya nkkpg lagay parin ako ng amount basta majority ng sweldo ko nilipat ko na sa kapatid ko then ako nalang ng access online...wag mo muna pangunahan like magre resign ka baka mapa resign ka nyan habang wala kapang me nalilipatan if
      merong mas mgandang opportunity dun ka nalang mgresign sabi nga nila dito unahin natin ang importante and yung mga self natin na
      emotionally and phhsically healthy tayo..pag maka recover tayo baka maka kuha tayo ng mas mababang amount and kaya na natin e settle..pg nag overthink ka basa basa kalang dito para sa iba pang diskarte

      Delete
    3. Hi @Defaulter_E kelan ka po nagkaroon ng garnishment order? May mga property po ba na nakaname sa inyo? Ano pa po ba mga experience nyu after po ninyo mareceive yun garnishment order. BPI defaulter din po ako, nakareceive na din po ako garnishment order last year.

      Delete
    4. @Nicole - same situation tayo. If I may ask, how much yung default mo? and yung payroll mo ba is BPI rin?

      Delete
    5. @the last shot parang 500k po ang defaulted amount ko po, di na po ako sure. 2019 po ako na default. nasa 500k plus interest po ang nasa court order po. Hindi po BPI payroll ko po, pero nun mareceive ko po yun order and nagbasa basa po ako dito at nagtanong tanong din po dito, hindi ko na po ginamit yun mga bank accounts ko for my source of income po.

      Delete
    6. @Nicole - bali freelancer ka since you dont use commercial banks in PH? Tanong ko sana when ka naka received ng court decision and when ang garnishment notice?

      Delete
    7. @the last shot last year po 2023 ako nakareceive July

      Delete
    8. Hi @Nicole thank you so much sa pag reply. I have 3 questions sana,

      1. Bali yung Notice of Garnishment na-received mo July 2023?
      2. May I know when was the hearing? Gusto ko sana malaman gano usually katagal bago ang garnishment order.
      3. Di ba affected payroll mo so far?

      Delete
    9. @Defaulter_E kamusta ka? safe parin ba payroll mo?

      Delete
  19. Mahahanap po ba nila address sa DTI permit? salamat po

    ReplyDelete
  20. Pano po Kaya kung lilipat na ng bahay ipapaalam pa po ba sa bank at ibibigay ung new address or pwede pong hindi na..

    ReplyDelete
  21. Happy bday po banker..sana balang araw makapagpasalamat po ako sainu personally laking tulong po ung blog niu

    ReplyDelete
    Replies
    1. @ Hope - planning to hold the usual mid-year EB if God permits. Shukran

      Delete
    2. Yes, those who want to have a mid-year EB at the end of June 2024, kindly email diskarteguide@gmail.com

      Delete
  22. Guys I have a question. This is only hypothetical lang naman.

    Lets say you are a defaulter, the reason bkit nagkandaloko loko ang finances is due to some work issue/salary issue. Lets say nabawasan ang komisyon mo sa sahod.

    Breadwinner of the family with 2 seniors living with you and 1 nephew na ikaw ang guardian. Then si breadwinner got sick/contacted a sickness that does not have cure yet. There is a medicine/maintenance though but the disease can be considered as life threatening. The breadwinner has to change the lifstyle and everything and nawala sa focus due to personal/family, work and health stress.

    Can the breadwinner use that reason in court if ever?

    Thanks

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kelangan po ba talaga umattend sa korte?

      Delete
    2. Pwede mo sabihin yan, pero utang pa din yan na pababayaran sayo.

      Delete
    3. sa typical na tawag ng hunghang na CA, nagtatanong yan, "ano palang nangyari?", yes, you can share the reasons bakit di nakabayad. but at the end of the day, they don't care about our sob story. sayang lang oras natin. they only care na maka collect sa atin. sagot ko sa tanong ng CA crooks "tanong pa ba yan? di nga nakabayad eh."

      Delete
    4. mag attend o di ka mag attend, di mababago ang resulta ng sum of money case mo. talo ka pa rin. though ang iba na nag attend shared that naging opportunity yun to negotiate for better terms. yan kung may pang negotiate. pag wala, hayaan mo na. kahit 20M pa hatol sayo, pag wala kang pambayad, at wala rin silang makuha sayo, eh di wala. kahit may decided case na, ongoing na execution and garnishment, you can still negotiate for better payment arrangements with the bank kung kaya mo na.

      Delete
  23. Good day, ask ko lang if nag padala ng letter with pirma ng atty ng collection firm at pina pa bayaran na in full payment yung cc ko, pag po ba Hindi nakapabyad mag file na sila ng lawsuit?

    ReplyDelete
  24. Hi po mga admins, been a PNB defaulter since 2019, around 20k or less. Im sure baka mataas na to dahilsa interest na pinatong na CA's. My friend refered me to this page dahil marami daw pong kagaya ko ang nakamove on, sorry po pero totohanin ba nila yan? prior to this email, nung FRiday nakarecieve ako ng till May 15 daw pede ako makipagnegotiate, tapos ngayong araw may email ako nareceive, which is this email na till today na lang. Di ba po RA 8484 is using fake identity? I usewd my real identity naman nung nag-apply po ako, its just wala na ko sa dating work at address ko, kaya yun yung worry ko, nagkakaso po ba PNB? Im sure marami na po nagtanong nito dito pero pasensya na po sa abala, wala lang po talaga ako pambayad sa ngayon, may summons po ba talaga silang gagawin or ipapadala? thanks po


    PNB CARDHOLDER

    This is again from Atty. ****************** of Receivers and Liquidator’s Inc., accredited service provider of PNB. It has been some time since we last communicated regarding the settlement of your account. However, we have yet to receive full settlement from you.

    We sincerely hope that you are not evading the settlement of your long overdue account on purpose. Evasion is a fraudulent act, and would be a criminal offense under Rep. Act No. 8484. We know times are already difficult; it would even be worse if one's life is greatly disturbed and inconvenienced by being a party to court action/s. You really stand to lose a lot, so we sincerely do not wish any of this to happen to you. You can avoid all these, but only if you cooperate.

    Thus, we are giving you this final chance to amicably settle your outstanding obligation with PNB (Philippine National Bank) within the day from receipt of this letter. If you contact us within this time, we may still be able to give you a BIG DISCOUNT and/or agree to payment in terms. Kindly pay your account at any PNB branch for same day posting or with any of our client's accredited banks or payment centers (GCash or SM payment center). However, if you choose to ignore this just and valid demand, we shall be left with no choice but to proceed to court. The next notice you shall receive would be a Summons.

    Please do not hesitate to call our Account Specialist CARL at 8633-8945 /0917-1185764 or email us at rnlp@receiversliquidators.net

    IGNORE AT YOUR OWN PERIL. ACT NOW BEFORE ITS TOO LATE!



    Sincerely,



    Thank you and best regards,

    ReplyDelete
  25. Familiar kayo sa AAT Business Solutions? Pashare naman ng mga experience nyo. Meron kasi ako utang na umabot na daw ng mahigit 1m and pwde ko daw isettle ng 280k eh di ko afford... ano magandang linyahan dito. Mabait nmn ung approach s phone and take note may dumalaw p dito bahay.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kung wala pang ibabayad eh sabihin nyo wala pa po kayo ibabayad. Wala na po kayo kelangan idagdag na sabihin

      Delete
  26. Just sharing my recent Maybank personal loan journey. When the pandemic happened, I defaulted on my personal loan (with security checks issued) and was unable to pay on time. Long story short, my account was transferred from one collection agency to another, and it was really hard to negotiate with them. I waited for Maybank to personally contact me with a discount offer. After 3 years of waiting, last March they offered an amount payable in 2 installments without penalties and charges. I accepted the offer and, thankfully, on May 15, 2024, I was able to pay it off. I am now waiting for my certificate of full payment, which will be released within 45 days. Maliit lang naman ang amount less than 30K but I paid only 9K in 2 payments. Kaya dapat di na nakikinig sa mga crooks na collector na yan. Negotiate or wait for the bank to offer an amount na kayang bayaran dahil mag offer din yan sila even matagal. Next naman SB cc ko ang e negotiate ko, hopefully may offer din sila na malaki ang discount. Less than 50K lang din yun but may interest kasi kaya medyo lumaki ang balance nang konti.

    ReplyDelete
    Replies
    1. AUB sobrang tigas.. ayaw talaga mkipag negotiate, kahit may reklamo na sa BSP

      Delete
    2. extortion na yun. let it be. hayaan mo na. huwag ka muna mag settle.

      Delete
  27. Pa-comment po,


    METROPOLITAN TRIAL COURT

    MR/MS. S

    Expect our official commo to issue your COURT ORDER ( Bench Warrant ) 4pm (MAY 17, 2024) together with Sheriff Team to issue Writ of Preliminary Attachment to garnish your real and personal property at. your given Residence Address and/or Employers Address.
    Please be informed if you voluntarily surrender to avoid commotion in the area.

    TO VERIFY CALL: ATTY.
    JOSE PEREZ
    09638606392
    Clerk of Court-III
    METROPOLITAN TRIAL COURT

    ReplyDelete
    Replies
    1. Anong collections agnecy daw po ito? Ganyan ng ganyan din laman ng message sa akin

      Delete
    2. Late reply. hehehehe grabe naman kalokohan nang nga CA. Don't be stressed hindi yan totoo.

      Delete
  28. Kung ako nakakuha nyan, tatawagan ko yan at tatawanan ko yang mga yan. Yan ang comment ko..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Actually text lang po yan. matagal ng walang nagtetext sa akin, kahapon lang may nag text ng ganyan. minessage ko nman po pero di naman na nag textback.

      Delete
  29. Hi po. If sa home credit cash loan defaulter… same dn to cla like the cc in banks? D n ako nakakaoagbayad sa cash loan ko d ko na kasi talaga matustusan ung ibabayad.. mga almost 2 months na.. they always go to mu house pero d ko cla kinakausap nor hinaharap.. ive been receiving calls from them everyday grabe d ka talaga tantanan need ko daw talaga magbayad.. ive read dn sa ibang posts na nagfifile dqw c hc ng small claims.. and in less than a yr lng daw.. nadedelerio po ako. Wala po talaga pambayad kahit anong piga.

    ReplyDelete
  30. Pag lilipat po ba ng house need pa ipaalam sa bank

    ReplyDelete
  31. @Ana... ako diko cnabi hinayaan ko nalang kung mag file case. Wala din ko magawa pag may case na. Pag maka recover balikan ko soon. Same pa din details ko lahat hinayaan ko lang muna. May default ako hsbc 42k na setle ko 7k. Active lang ako sa email.

    ReplyDelete
  32. Magandang araw po. Gusto ko lang po itanong kung makakasuhan po ba sa RA8484 kapag inireport sa mga default na bank na wala na pong work? Kahit ang totoo meron pa po talaga? Ayaw ko lang po guluhin ako sa work at tumawag ng tumawag dun.

    ReplyDelete
    Replies
    1. mag report ka or hindi, it doesn't matter. trabaho ng CA crooks na alamin yun.

      Delete
    2. Civil obligation and hindi ito criminal. kung ang summon ay galing sa Collectors. Derecho sa basura. Ang korte ang magbibigay o magpadala nang summon at hindi ang collection. Arbiter ang korte yung representative nang banko at ikaw lang mag uusap. Hindi uubra ang garnishment na bahay dahil hindi naman ito naka morgaged sa kanila. Bulok na taktika yan nang CA.

      Delete
  33. Kasi first time mo, pagbigyan kita. Huwag nga mag post ng "Unknown, o Anonymous". Gamit kayo ng alias o handle.

    Hello po. Ask lang ako. Kasi may nagrecommend lang sakin ng page na to kasi lately nadedepressed na ako. Defaulter po ako ng iilang banks. May personal loan din ako sa SB Finance at EW. Emergency kasi na di ako nakakapasok due to bedrest ako gawa ng pregnancy ko- mag 4mos na ako di nakakabayad. May collection agency na nagpunta na sa bahay to inform to pay. Pero sa cc ko yun. How about yung sa personal loans. Ano po kayang actions pwede nila gawin sa akin since wala pa po talga ako pambayad sa ngayon and if makapasok man ulit ako di ko rin mababayran agad kasi nga po marami na rin nagpatong narin sila kasi 4mos na. Makukulong po ba ako o may gagawin po ba sila sa akin? Sana po may makasagot sakin. First time po ako magpost dito.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Di ka makukulong. Pag di pa kaya, huwag muna. Balikan mo ang banks pag kaya na. How to deal with CA crooks? Sabihan mo na di mo pa kaya. Huwag hayaan na bastusin ka.

      Delete
  34. Hello. I have a default bpi cc. And Bpi acquired robinson's and I have a account in Robinson's but I'm not the principal owner my mom is the owner maggarnish ba ng bpi yun? And I think that is dollar or peso investment account.

    ReplyDelete
  35. I also want to ask nagarnish ba ng time deposit, money market or peso investment?

    ReplyDelete
  36. Totoo po kaya ito? I mean bakit pati real property idadamay nila? Current balance is 36,690 including collection agencies interest. I think nasa 18k lang to way back pandemic. Ano po gagawin ko? :( di ko na po alan if nagpapapadala pa sila mg sulat kasi wala na ko sa dari kong address at company pero nilagay po nila sa header ng email nila sa kin ngayon. At may kasama pang Ana C Vivas sa to fields na di ko naman kilala


    From ARMCSI (Atty. **"""""""" Office) - External Legal partner of BANK OF COMMERCE







    Name: ANA C VIVAS(my real name)

    Total Balance: Php



    Home Address:
    Office:






    This pertains to your unpaid account balance to BANK OF COMMERCE which you have failed to pay despite prior demands. All of our efforts to inform you to settle your outstanding obligation matter amicably have been unsuccessful. We have delayed legal proceedings up to now with your assurance that you will pay it in full.

    This notice is hereby given that our client intends to file a case under Defrauding of Creditors, R.A 8484 and Small Claims Case against you for abandoning your obligation and failure to settle your outstanding balance. Our client already formalized a complaint on this matter and advised us to conduct a credit background check on your capability to pay and we may also ask the court to immediately seize your (personal and real property).

    Your account is being turned over to our Legal counsel and the complaint shall be filed at the Metropolitan Trial Court and your NAME will be forwarded to your municipality for negative records and to other government transactions also a liaison officer will visit your indicated address for your demand letter. It will also be sent to your WORK / BUSINESS address.

    We have attempted to be understanding of your cash flow problems but our patience has now reached an end. While regretting the necessity of this action, I must advise you to govern yourself accordingly.


    ReplyDelete
    Replies
    1. @ Erica Kite : Archer Collection? if you wish to ask me directly , I can accommodate you. kaya lang I charge two jollibee yumburgers. lol. when I offer it to others, hinde na sila nag ask hahaha...

      Delete
    2. Ok lang po.. the cost of 2 yumburgers are better than the stress na nararanasan ko.. regular yumburgers lang po ah? hehhe, ano po gcash nyo? armcs po ehm archers ba yun? need advice badly. salamat po sa pagpansin ng post ko

      Delete
    3. the cost of 2 yumburgers are better than the stress na nararanasan ko.. that's the tragedy of most people. when I ask for two burgers, they simply disappears. lol!

      Delete
    4. @reTired banker I wish to seek help re credit card debts. How can I have your email address am willing to buy you 3 yumburgers promise😅

      Delete
    5. Bakit pa sasabihin sa iyo, pananakot lang yan. kung meron may wait sa official summon nang korte at duon ka maka pagdeal. kung wala kang pangbayad. kaya nga pinapasa nang banko sa Collector dahil gastos lang sa kanila. Commission basis nga iyan kaya lahat nang kalokohan para takutin ka gagawain nila.

      Delete
  37. Yung CC ko po sa BPI ay around 150k na at nakareceive po ako ng text khapon. Ano po diskarte? Wala pa po talaga ako pangbayad.


    Hi Mr. / Ms
    Kindly be advised that your BPI CREDIT CARD account has been endorsed by Legal Department of SP Madrid for final evaluation preparatory for the filing of a legal case against your good selves.
    If this matter has been overlooked, or there are any changes that are to be brought to our attention, please advise us so that we can take the necessary modifications and/or adjustments.
    Otherwise, we shall conclude that you do not wish to dispute the situation and we shall make the corresponding, evaluation accordingly.
    To prevent inconvenience, call us now at 02 7717 5218, 09399276716 ,09209651639 and look for JORGELINE SORIANO of SP MADRID LAW FIRM

    ReplyDelete
    Replies
    1. Backread po, madami ng threads na nacocover po yan.

      Delete
    2. yang madrin na yan. 12 yrs yata ako tinatakot nyan, sabi ko sa korte na lang ako magpapaliwag at haharapin. Yung wala na sila masabi pang iba. tapos ang kwento.

      Delete
  38. Hi, new here po. Bpi defaulter po ako. Last yr ng march po ata last payment ko sa bpi and di na nasundan. Until pumasok na sa 3rd party sp madrid. Meron na po akong 300k+ kasama na interest meron din po akong personal loan s bpi na aabot na ng 200k. Wala pa po akong pambayad since sinisingil na ako ng full payment. No work and may baby. Di din po alam ng asawa ko tungkol dito. Nasa abroad sya nung nagloan ako kasi naadict po ako sa paglalaro ng online game. Super stress na po ako kaya nakaplane mode cp ko ksi liban don may loan pa ako sa gcash na nasa 30k+ na, spaylater na 10k+ at coop na 80k pero 40k na lang. Di po ako sanay mangutang before as in kahit 500 di ko kaya. Pero un nga po di ko napigilan sarili ko sa paglalaro dahil marami akong nakitang nananalo ng 1m. Sa kapapanuod ko sa YouTube ay nakita ko pong may ganito po palang blog. Na relief po ako kasi marami pala akong kagaya pero iba ung case ko kasi pinangsugal ko. Ngayon, may nakita akong vid sa youtube sabi nya pwede daw pong makulong once nkita na ung pinaggamitan ng niloan ay illegal gambling? Totoo po ba? Nag-aalala po ako kasi baka masilip ng bpi un dahil pag nagwithdraw ako at nagdeposit dun sa site ng game ay bpi gamit ko. Pls enlighten me po. Maraming salamat

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sana po di inallow ni bank magproceed un transaction kung bawal. Pero not sure ako jan opinyon ko lang po ito.

      Delete
    2. Late reply. Walang nakukulong sa civil case like cc default. lahat ho nang banko ay may pondo sa uncollection loan. Gagawin ho nila sa libro na nila Allowance for probable loss, means ibabawa ho yan sa income nila. liliit ang taxes at kaya nga sa nga collection agency nila pinapasa dahil libo libo ang defaulter wala silang libo libong lawyer. i defaulter 4 cc never ako bumigay.

      Delete
  39. Ask ko lang po, gaano katagal pwede maghabol si CA, since 2009 or 2010 pa po defaulted sa citibank. Since under UB na si citi mababago din po ung tine period if meron?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wala ka nang utang. 10 yrs paso na yung loan mo. never kang mag open nang acct sa union Bank. Baka lang madali ka nila kahit hindi na puede

      Delete
  40. Thankful po ako na nakita ko itong blog. Thanks po sir sonixx, banker, and mam cherry. New defaulter pa lang po nagdecide this month na stop na magbayad ng minimum amount due. 30k po kasi monthly salary ko, almost 40k payment sa minimum amt due lang po ng lahat ng cc ko. Pinapangutang ko pa po un kulang before. Kaya lalong nabaon. Wala ng natitira para sa budget sa bahay. I decided po na stop ko muna pagbabayad kasi di umuusad. Pero willing to pay hindi lang now ksi di na tlga kinaya. Ipunin ko muna po siguro Dumating sa point na gusto ko na lang mawala para matapos na. Buti napadpad po sa blog niyo laking tulong po sa amin mga defaulter. Ngaun kahit mademanda po sguro no choice wala din po maiibayad ksi breadwinner ako and baon sa utang dshil sa kakahabol ko before mabayaran kahit min amt due wag lang mabad record. Ready na din sa threat and harassment, plus unli calls ng CA sa mga susunod na months.

    ReplyDelete
  41. Hello po sa lahat. I'm a silent reader po dito. Defaulter din po ako ng 5 cc. Ask ko lang po, may nakaexperience na po ba dito sa pagfile ng personal bankruptcy?

    ReplyDelete
    Replies
    1. wala pang nag share. di rin advisable sa ating legal context. gagastos ka lang. https://business.inquirer.net/210737/filing-for-individual-bankruptcy

      kung hirap pa sa pambayad, let it be. don't imprison yourself in the cycle of endless debts by taking out debts to pay debts. tell the banks and the CAs you don't have the capacity now to settle your debts. and tell them also you understand if you sue them in courts. court decisions are more formal, legal and fair. even with court decisions, pag wala ka pang pambayad, eh di wala. don't allow the CA crooks to intimidate you. chill lang.

      Delete
  42. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  43. Hi good day grabe mga CA nag eemail sila using fake gov email.. May isa ako na pinaverify from civil service since taga govt office ako... Nagreply ang office ng csc hndi dw connected ang email sa knjla... Pati logo ng csc ginaya... At ginagamit ano po pwede ikaso dito sa knla?

    ReplyDelete
    Replies
    1. at the end of the day, these crooks hide their true identities. sino kasuhan mo? don't get affected. pag makaabot sa iba, general rule, sabihan sila mga scammers yan. chill ka lang.

      Delete
    2. Kaya nga po eh grabe sila imagine walang takot ginagamit nila official logo ng isang government agency...

      Delete
    3. lahat na pwede nilang gawin para matakot ka, gagawin nila yan. kahit alam nila na bordering towards illegal na sila. pero kaya nilang gagawin kasi anonymous sila. so anong gawin mo? eh, di huwag kang matakot. scammers yang hunghang na yan. best strategy is to tell them to sue you in court. di na sila anonymous doon. definitely matalo ka. pero chill lang. pang wala pang pambayad, eh wala muna.

      chill lang.

      Delete
  44. Thank you talaga sa inyo at sa lahat ng bumubuo ng blog n ito

    ReplyDelete
  45. Ask lang po.. Bakit po pag tumatawag sa akin yung mga CA ang naka display na name po nila it's either Suspected Spam or Potential Fraud?..

    ReplyDelete
  46. Ask ko lang po defaulter po kasi ako ni BPI, pwede po kaya nila iauto deduct yung payroll ko from my metrobank atm? salamat po.

    ReplyDelete

  47. Hello, good morning. I've reviewed all the previous posts and noticed that most of the court cases are involving BPI.

    I have a similar situation where I received a court order but couldn't attend. Now, I'm awaiting the judgment (Writ of Execution).

    My question is regarding wage/salary garnishment: will they also garnish my accounts at other banks, even my payroll account?

    I've read some posts suggesting that BPI has garnished accounts from other banks, but I'm unsure if this happens only once or if they can freeze your account to the extent that you can't withdraw funds.

    ReplyDelete
  48. May nakaexperience po ba dito ng RGS? Bastos po ba talaga sila? Ang mom ko naabutan sa bahay. Sinabihan pa nila ng kung anu-ano. Pinicturan pa ang bahay namin. Btw, hindj naman sa akin nakapangalan yung propperty kaya no need to worry siguro?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Opo ang bastos kasi galit agad at pinipilit ako kausapin un agent daw sa phone.. Bumalik po ba uli sa, inyo since nun 1st na punta?

      Delete
  49. Hello po ask ko lang po pano po Kung lumipat na ko ng bahay.. Pano ko po malaman Kung may summon na po or court hearing.. Nag eemail po ba sila.. Iba na po kasi nakatira dun sa bahay and Sabi ko po. Wag po tanggapin ung mga sulat na Kung meron dadating. Ano po Kaya mabuting gawin. Salamat po Sana masagot

    ReplyDelete
  50. Good pm!

    I'm a silent reader dito sa blog. I am a CC Defaulter (10yrs na) citi, eastwest, metrobank. After 10yrs po, SP MADRID nagsesend sa messenger sa mga relatives ko. Months na kasi deactivated personal fb ko. Now, sabu sa messagge email daw ako sa kanila. Possible kaya sa CC to? Thanj you

    ReplyDelete
  51. Tanong ko lang po sana defaulter po ako sa ibat iBang bang banks ilan taon na kaya gumawa ako paraan para makaabroad tlga ako mag 4 months nko dto HK ngaun c amo pinapaopen nya ako bank account hassle daw kc kpg manual kpg mag oopen po ba ako sa BPI dto may possibility ba na off set ni BPI dto?sana po masagot thanks

    ReplyDelete
    Replies
    1. Late reply. mag open ka sa ibang banko na hindi ka defaulter.

      Delete
  52. possible pa rin yan kasi HK branch nila yan. better na mag open ka nsa ibang banks to be sure

    ReplyDelete
  53. Hello po.. I need help po..

    How can I reply to this email? Dumoble po ang balance ko sa MC Ramiro.

    As per Unionbank instructions.
    MC RAMIRO & ASSOCIATES Legal Team
    will conduct an ocular visit to your declared office and home addresses to check your real and personal properties to determine the viability of our Complaint. Please note that the formal Complaint against you had already been drafted and the same is ready for filing.
    If you wish to save yourself the cost and inconvenience, please pay your account in full in the amount of
    Php 108,534.70 until July 26, 2024
    for your card
    7304
    . You may call Atty. Ramiro at (028) 899 6892 /8710-2737 once payment is done.
    FYI. Your spouse, if any may be included as mandatory party-defendant in the sum of Money Case to be filed in court, pursuant to Rule 3 Sec 4 of the new rules of court.

    I am paranoid already. I emailed UB na but they did not reply to me. They actually offset something around Feb and then from there they did not reply back to me anymore.

    They said my account was enrolled to automatic offset something.

    PLEASE SOMEONE Help me. I am 6 weeks pregnant and I am not safe anymore plus my father just died a few weeks back.

    huhuhu

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sa simula pa lang ng kwento mo scam na. Kung mag field visit yan pabayaan mo lang sila. At the off chance na nagpunta nga at pag nang harrass tawag ka ng pulis.

      Delete
    2. late reply. Tinatakot ka lang nga kulokoy. Huwag pa scam

      Delete
  54. help please. meron po bang may experience dito na namatay ang cardholder at ginarnish ang properties? bpi rin kasi almost 1m ang default. wala na kasing nangungulit na CA for five months. baka for filing in court na pala. sinasabi ko naman na wala na yung cardholder pero wala pa kami pangbayad.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ang alam ko po pag namatay na hindi na pwede singilin pa maliban malaki utang at malaki ang pamana nung cardholder eh hahabol ang banks pero thru legal means. Matagal at mahabang proseso. Ang gawin nyo padalhan nyo ng death cert ung mga naniningil para alam na nila.

      Delete
  55. Hello po. Madedefault na po ako kay BPI. Ang worry ko po is may bank account ako sa BPI at dun po nagpapadala ng remittance ang kapatid ko. Ma ooffset po ba agad un once na pumasok ang pera? At pano po ba sila nag ooffset. Nazezero out ba ung laman ng acct? Salamat po

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hello po, matagal na akong BPI defaulter. Naalala ko nung mga first few months na nag-default ako na wala pang court case, inoffset na nila sa BPI account ko without my knowledge. I opened another BPI account in another branch but eventually, na-pick up rin nila na same accountholder. My advice to you is close your account with them and open a new one with another bank. If that is not possible, withdraw kagad kung pumasok ang pera at mag-iwan ka lang ng konteng balance.

      Delete
    2. Hello @Distressed67 nagka cout case kaba? If yes anong nangyare? Buti walang garnishment sa other banks?

      Delete
    3. Yes, BPI filed a court case against me. May ruling na talo ako pero wala pa naman akong nakukuhang garnishment sa other banks or sa employer ko. I suspect kse wala naman akong tinatagong kayamanan - investments, assets, time deposit, etc. Talagang hirap lang ako mabayaran ang utang. At baka may protection din dahil sa bank secrecy law? Hindi ko po alam ang legalities nito. Baka may iba pong tao sa forum na ito ang may alam ng technicalities?

      Delete
    4. @Distressed67 nazero out ba nila ung laman ng bpi mo? Ang worry ko kasi is ung remittance every month baka ioffset din nila monthly.

      Delete
    5. @Distressed67 may nareceived ka din po ba na writ of execution? after po na mareceive yun, may mga tumatawag o pumupunta pa din po sa inyo? kelan ka po nakareceive ng writ of execution po?

      Delete
    6. Distressed67 - Mga when ka po naka-tanggap ng Court decision and when din ung garnishment letter?

      Delete
    7. Yes, zero out yung bpi account ko pero twice na nangyari (first was when I defaulted some 6-8 yrs ago and the next one was just two months ago) and those happened without a writ of execution pa ng court. Hindi ko nga alam kung anong mangyayari kung meron nang writ of execution e. Wala naman akong tinatagong kayamanan kaya wala rin silang makukuha.

      Delete
    8. @Distressted67 - meron ka po bang payroll account? affected po ba sayo? or auto withdraw ka?

      Delete
  56. Hello share lang and tanong so may nareceive ako na tawag kanina unknown number kala ko from my gcash o maya customer service. Nung sinagot ko sani nya from law firmsiya di ko na maalala pangalan sinabi na may nareceive sila na demand letter from Credit information bureua or then mag site visitation daw sila. Ang pinagtataka ko how did they get my number? Lalo new phone number to gamit ko lng sa gcash at maya, also bat magsesend ng demand letter ang credit information bureua sa kanila instead of isend nila via snail mail sa akin . Ano to new collection style

    ReplyDelete
    Replies
    1. Scam yan. Isumbong mo sa CIB at BSP. Dont talk to strangers 😅

      Delete
  57. Special shout lang po kay @Retiredbanker. Super salamat po kay Sir Retired Banker. Super galing niya magpaliwanag, binigyan niya ako ng katahimikan sa mga tanong ko.. Worth it ang 2 yuumburgers na consult fee ni Sir. Wag na kayo mag-atubili. Di kayo magsisisi pramis!! sa suinod na sahod magsend ulit po ako ng pang 4 na yumburgers na heheh mas ok ibayad ang pangyumburgers dahil may magandang kahihinatnan naman kesa maiscam ng kolektor. God bless po Sir!! Ingat po kayo palagi

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat din po for the appreciation. Natatawa nga din ako kung minsan when some hears about "yumburgers", ayun hinde na mag-tatanong. lol!

      Delete
    2. Red @reTIRED banker pwede po kita call?

      Delete
    3. sure. can you post your number here first? ( it won't be published) ; or if you have your way to e-mail/contact me?

      Delete
    4. Hi reTIRED banker, pwede po ba magpaconsult regarding sa credit cards? May dumating po kasi sa email ko na notice to publication from philippine press institute. RE:  VIOLATION OF ARTICLE 354 - PRESUMPTION OF MALICE/ R.A 8484 Access Device. Credit cards lang naman po ang alam ko na problema. :( Sana po mareplyan ako. Thank you.

      Delete
  58. Baka po may makapag advice kung ano po pwede namin gawin. Defaulted po ako sa bpi (around 90k cc and cash), psbank(45k cash),east west(100k cash) during pandemic pa po. Then plan po ni husband maglabas po ng car.Affected po ba application nya just incase? Ano po pwde namin gawin?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Subukan na lang ninyo, kung ma approved ok, kung hindi ok lang din. Wala naman mawawala.

      Delete
  59. @reTired banker. Sir pwde ko po mahingi email nyo? Willing to donate yumbergers po..

    ReplyDelete
  60. Hello po, I am also a cc defaulter and nasa abroad po ako. Unfortunately po wala pa po akong nagiging payments dahil inuuna ko po muna ang personal loan na na avail ko nung nagwowork pa ako sa pibas na 20k per month. Last week po ay nag msg ang isa sa pinsan/ kapitbahay ko at iniinform po ako na my sulat daw po na ibinigay sa kanila ang taga bangko at base po sa kwento ng pinsan ko ay sinabi sa kanila ng nagdala ng sulat yung concern about credit card. Sinabihan ko naman po sila na huwag tatanggap ng any letter na hnd naman nakapangalan sa kanila kahit pa ipilit kasi yun po ang reason nya na ipinilit daw na oreceive nya. Nag msg po ako dun sa number na binigau sa kanya nung collector at base sa collector ay alam nya na nasa abroad ako at binabantaan ako na hnd ako makakauqi sa pinas dahil ititimbre daw po ako sa immigration. Alam ko naman pp na bluff yun dahil bago po ako umalis ay nag consult na po ako sa abogado ng civil law and inadvise po kasi nya na guwag ko na muna iinform ang mga banks na mag abroad ako kung wala naman ako pambayad pa at pabg commit. Fully aware naman po ako na civil case lang naman po ang ppedeng ikaso sakin. Unfortunately po kasi wala na tlaga mag receive sa bahay ko sa pinas dahil patay na po mga magulang ko at 2 pamangkin ko lang ang nakatura sa parents house ko na nag aaral at wala lagi sa bahay. Need ko na po ba kausapin ang mismong banks to inform them na nasa abroad ako? Ang inaalala ko po kasi baka mag expect sila na may pambayad ako kaso wala pa po talaga 😓 consixered daw po kasi na fraud ang gbwa ko na hnd ako nag inform na umalis ako ng bansa ng walang paalam sa mga banks. Pero yun naman o kasi advise ng abogado.. medyo naguguluhan po ako.

    ReplyDelete
  61. Hi po. Defaulter 3 banks EWB, METROBANK, HSBC. Itatanong ko lang po halos 3 months na po kasi na wala kumokontak na CA sa akin. Tapos bigla may tumawag na sheriff. Ipapasara daw property ko/bahay ko lalagyan daw nila ng harang dahil may nareceived daw sila letter from CA na may case daw ako ang for closing ng property pero wala naman sila iclose dahil wala ako nun.

    Aware naman po ako na scam or pananakot lang yun pero possible po ba na mangyari na may sheriff agad? Hindi na po dumaan sa korte?

    And pwede po ba makahingi ng contact or email ni @retiredBanker para send po ako ng pa YUMBURGER. Super laking help po talaga ng blog na to. Kaya mag papasalamat po ako.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Grabe naman yang panloloko. Kahit sira ulo hindi maniniwala dyan. SIMPLE SCAM YAN.

      Delete
  62. About Home Credit Cash Loan. So eto pumunta ung collector nila sa bahay, since hindi ako humaharap sa kanila kasi nadadaggan ung anxiety ko. So ung kapatid ko ung humarap.

    Ambastos lng tlaga ni HC sa pag approach, i dont know ganyan ba talaga cla like pamira.ung tanong walang galang.

    So hinanap nila ako and kakagulat at dhl may picture na clang dala tlaga😂😂😂

    Sinabihan cla n wala n yan dito and d na umuuwi nako galit c collector at babalik dw sa susunod na araw😅 kasi daw may subpoena n daw ako..

    Sa lahat ata ng collector c HC ang pinaka bastos😮‍💨

    ReplyDelete
  63. Asked ko po..totoo po ba na nagbbgay ng huge discount if ever matagalan makapag bayad. 5 to 6mos delinquent na po ako. Hindi na po kinaya mag bayad sa multiple cc. Dahil na maxed out na po kakabalance transfer and convert to installment.

    ReplyDelete
  64. Hi po, need advice po ano gagawin ko, Defaulter po ng MB since feb 2023, umabot na po sa 455k ang amount ng babayaran ko, pero nagbigay po sila ng discount at nasa 377k na lang daw po, may nakaexperience na po ba dito na na-offer-an na magmonthly ng 2k up to 3yrs kung yun lang ang kaya tapos hahabulin bayaran ang remaining balance bago matapos ang 3yrs? may nakaexperience na po ng ganito na settlement? naibawas po ba yung binayad nyo? ang laki padin po ng hahabulin ko kung sakali😔 or hihintayin ko na lang po na magkaroon ako ng pang one tine payment para maka avail ng big discount pa?😔 nagwoworry po kasi ako na baka manggulo sila sa pwesto ng mother ko since alam na nila ang pupuntahan dahil naabutan nila ako nagbantay dun one time😔 need your advice po🙌 Thank you in advance po🙌

    ReplyDelete
    Replies
    1. That does not look right. The payment plan should cover all your liabilities, not just a portion of it tapos parang "surprise" na at the end? If you can't afford the payment plan, don't accept it and wait until they give you a complete offer you can afford.

      Delete
    2. Defaulter ako din nang MB, kung matagal ka na kliyente like me. Isang beses lang sila nag email at hindi nila ako siningil. Siguro sa laki na rin nang kinita nila sa akin for almost 15 yrs. Kung mapunta sa Credit collector magsaya ka. puro pananakot lang nga iyan. magbyad o hindi. credit standing mo ay negative. sayang lang ang ibabayad.

      Delete
  65. Hi good day. Thank you for sharing your experiences. I also have my share of stressful days from collectors. Usually naman po naiiwasan ko sila. Medyo matagal na po yung loans and cards ko na defaulted more than 7 years na. Ang problem lang recently ay nahanap nila employer ko at nag email pa sa superintendent at pati sa regional head. Now our head office is compelling me to call the said collector/law firm. Sa tagal ko na po silang naiwasan, may agam-agam po ako na once tawagan ko sila ay di na sila titigil. Wala naman po talaga akong pang settle dahil sakto lng sweldo ko sa ngayon. Ano po kaya ang best diskarte? Hindi lang po kasi basta HR yung nag email sa boss ko, galing na po sa head kaya baka mahirap po sila ignore or hindi naman ko sila ka level para pakiusapan na wag nila pansinin kung sila ang kinukulit nung collectors/law firm. Thank you in advance and I wish you more blessings po.

    ReplyDelete
  66. Hi reTIRED banker. Ok lang po ba na email? momfretful@gmail.com. Salamat po sa mga advice na nababasa ko sa blog nyo. Maybe two yumburgers for the streetchildren po if it's ok he he.

    ReplyDelete
  67. Good afternoon po sa lahat, klaro kolang po, received demand letters for credit card balance subject poba sa B.P. 22, medyo na stress lang po ako kase ang alam kolang sa BP 22 ay issued bouncing checks, kasali poba ang demand letters from collection agencies ng bank? Sana po mapansin at salamat sa sasagot.

    ReplyDelete
  68. Ask ko lang po if totoo po na nagcoconduct ng Barangay Hearing si RGS CA or any CA po. Tumawag po kasi sila today sakin then naniningil tapos sabi ko po hindi ko pa po kaya then parang nagagalit po at sinabi agad na wala talaga ako balak magbayad. Tapos po sinabi sakin na humanda ako next week kasi magrerequest daw sila ng Barangay Hearing sa aming barangay. Totoo po ba ito? Meron na po ba naka experience nitong barangay hearing sa inyo? Ask ko lang po mga need ko gawin if ever magkatotoo po ito? Salamat po.

    ReplyDelete
  69. sa tingin ko, hindi ka pa nagbasa sa lahat ng open threads dito. di totoo yan. the barangay has no jurisdictions on CC defaults. di kasama sa kanila ang cases involving companies / corporations etc. mag back read ka para di ka ma stress

    ReplyDelete
  70. Hi NEWBIE here.

    PSBANK CC NEED UR ADVICE PLS

    So nung september 21, 2024, Saturday. May pumunta ditong mga tao from RGS CA. Yung utang sa cc is 75k wayback 2010, but then dun sa demand letter na dala dala nung CA na pumunta samin, nagkakahalaga na ng ₱786,989.57. Initially hinihingian kami ng 150k para masettled na yung usapin then it’s done, we’re not gonna pay the full 700k+. They were harrasing my mom, at nagdala pa ng barangay.
    Since sabado nga sila pumunta, sarado ang banks that time hindi kami makapag withdraw agad since nasa passbook yung savings namin. We only got e-cash that time na 50k. Eh yung nasa passbook namin ay saktong 150k na lang din. Pano kami makakapunta sa bangko if weekends nga.

    So nung nagbayad kami ng 50k thru gcash bills payment, PS BANK LOANS kami nagbayad. Tapos biglang sinabi, by the end of the month, kailangan namin magbayad ng 300k na then everything will be settled.
    Tapos pag hindi raw kaya ng 300k within the end of the month. We are obligated to pay 200k a month until december para mafulfill yung 700k+ na utang.

    Mejo naguguluhan nga din ako kung bakit sa Bills Payment via Gcash "PSBank Loans" sinend at hindi sa "PSB Credit Cards" since credit card naman yung atraso namin dati. AFAIK, magkaiba ang (personal) loan sa credit card.

    Kanina naman, Sep 26 2024 @9am. Tumawag nanaman sila at kinukulit ulit kami, binabaan na yung hinihingi. May two options na binigay.

    (1.) Magabayad ng 150k na lang within the end of the month then it;s done. or kung di naman daw makapag provide agad ng 150k sa sept 30, (2.) Magbayad ng 400k hanggang december, then tapos na ang usapan.

    Now i am asking for you advice or what legal action can we take?

    ReplyDelete
    Replies
    1. I am sorry to hear na may nabudol na man. sad.
      but when I try to help in exchange for two ( 2) yumburgers for the street children, most people don't call. :-(

      Delete
    2. Oo nga. cheaper ang 2 yumburgers compared to stresses and pressures brought about lies, deception, fraud, misrepresentation ng CA crooks. Time to pay it forward para sa kawang-gawa ni @reTiRED banker.

      Delete
    3. nako po. lagpas na sa 10 yrs ang utang mo. Kumbaga eh paso na. Kahit singkong duling wala na sila makukuha sa iyo. SAYANG. nabudol ka.

      Delete
  71. Melay
    Sana po magkaroon ng virtual meeting para po sa mga nais namin itanong. Salamat po.

    ReplyDelete
  72. not only the lies etc. but especially the money that could have been better used for the family instead? I don't expect all to send for yumburgers after talking to them, but some really don't! honest. lol!

    ReplyDelete
  73. Advice po sana. Tagal ko na po gumagamit ng credit card (MB) cash 2 go at puro balance conversion po utang ko sa kanila, di ko na po buong nababayaran yun amount na need ko bayaran mula nun may 2024, puro amount due lang nababayaran ko maso parang wala din kasi napupunta lang sya sa finance/penalty charge, hanggang umabot na po sa 55k di ki na kaya habolin oara bayaran dahil wala na din po work at nalugi po business ko, compute ko po naloan ko is 153k di pa po kasama interest abot siguro 300k up if kasama pati interest kasi my mga bayad na din po ako ng 1 year higit sa mga yan kaya yan po compute ko, 60minths to pay po kasi kinuha ko para sana meju makayanan bayaran kaso yun wala din di na kinaya. If ever oo ba nagooffer po kaya si metrobank ng mas mababa pa? Sa ngayon wala pa pero pag nakaip0 at my offer sa halagang kaya ko po babayaran ko po. Dahil nagamit ko naman po. Pero sa ngayon wala talaga baon na baon ako sa utang di ko alam if kailan ako makakaahon. Hays. Salamat po. Nagback read na din po, at twing my mababasa ako lumalakas lo0b ko. Pero sometimes pag naiisip ko yun pinanghihinaan ako ng lo0b na pakiramdam ko mababaliw na ako. Di pa naman po alam ni asawa ko yan. Haysss..

    ReplyDelete
  74. May nabasa ko na sabi is 7 years lng daw ang statute of limitations para makapagfile ng case ang financial institution kung may written contract kayo. i guess that applies to credit cards. totoo ba yun? may east west card ako na nagdefault ng 2010. and then last month, nagparamdam n naman collection agency via email. 20k lng ung credit limit ko dun and ung balance na payable sa knila now is nasa almost 500k. nag aalok ng 1 time payment of 71k to settle. pero di ko pinansin. curious lng ako about dun sa part na may time limit nga ba kung hanggang kelan lng sila pwde magsampa ng kaso?

    ReplyDelete
  75. silent reader, though matagal na ako nag fofollow sa blog. may bestfriedn ako dumalaw. nung sinabi ko wala ako ibabayad, punta daw sila barangay to blotter. sabi ko sama ako para usap usap tayu dun. ayaw nila ako kasabay. mag etrike daw ako. sabi ko wait lng magbihis lng ako. punta tayu barangay. pag baba ko nawala sila. thouhg nagpunta pa din ako barangay. ayun pagdating sa barnagay nag antay ako. wala dumating. kaluoy. anu kaya naisip nila nung sinabi ko na punta kami barangay. ayaw naman nila ako isakay sa sasakyan nila kasi baka daw kasuhan ko sila. tapos wala sila sa barnagay eh pag labas lng naman ng village namin, malapit na ang barnagay ? baka nag lunch pa bago mag barangay?

    ReplyDelete
    Replies
    1. @titanlusitani hahaha so pananakot lang talaga yun barangay .di sila nag babarangay alam nila yun di jurisdiction ang cc.

      Delete
  76. Hi, defaulter po ako ng UB/CITI

    Just today when I open my unionbank payroll account. nasa current balance ang pera ko which hindi ko ma withdraw. Kahapon pa pumasol ang sahod namin and nakapag transfer na ako may naiwan lng ma 5k sa account ko. as of now nasa current balance na siya and I don’t know kung bakit since wala naman email advice akong nareceive so hindi ko alam kung saan ba siyang CC. On this case ano po ba ang maganda kong gawin? I’m worried kasi baka yong payroll ng 30th hindi ko na ma withdraw. I have tried callimg unionbank customer service pinoforward lng ako sa agency, then sa agency naman they will check pa daw. huhuhu. Ano po bang mas okey kong gawin?

    ReplyDelete