Monday, February 20, 2023

COLLECTORS BWISIT(VISIT)

 


Praning ka ba sa visit-threats nila? mag-deliver lang yan ng sulat, ala messenger."baka pahiyain"?

Tawag ka ng baranggay or punta kayo sa baranggay or do the following:

1. refer to Revised Penal Code about "libel"
2. call 911 at pahuli mo - crimes against honor.
3. ask for their authority to collect under BSP Cir. 702
4. call 911 at pahuli mo - swindling/fraud
5. pilit kang kausapin mo ang sa CP nila?
6. call 911 at pahuli mo - grave threats/coercion

see wag papayag na iharass ka or pahiyain ka. defaulter ka pero mali sila ng way ng paninigil. why bothered? 

PS: reposted Banker thread last 2018. 

275 comments:

  1. Hello! How to find po mga past na post dito? Hanggang 2022 lang po kase nakikita e. Another thing po is meron ba tayong group sa fb? Thanks po!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hello. naka archive po yung ibang thread hindi ko alam kung pwede ulit iopen... as of now po wala tayong fb group.

      Delete
  2. ONCE na pumunta si messenger sa inyo, magdadala lang yan ng letter. pirmahan then tanggapin. takot ka ba na baka pahiyain ka? back read sa taas...

    MY RIGHT SILA MANINGIL PERO WALA SILA RYT NA PAHIYAIN KA.

    ReplyDelete
  3. Ako personally, hindi ko binabasa ang letter nila kasi wala naman good news doon as per banker nga lalo nung year 2020 stress ako sa letter at kung ano laman nun ay laman din ng letter natatanggap ko sa email so nonsense na basahin ko din kasi nabasa na sa email...

    ReplyDelete
  4. Hello po may bag call po sa akin from CA ng ubp kaya lang daw po sila di nag house bwisit ngayon is nag reply ako sa email nila. As mentioned po sa previous thread nag aask ako ng statement yung updated sana and agreement agad ang sinend nila sabi ko mag ask muna ako sa UB if di nila kaya i provide and sabi ko di ko kaya ibigay yung dp at monthly na gusto nila. Sabi ko pa is alangan naman mag agree ako sa arrangement niyo na hindi ko kayang isustain and wala pati ako ibibigay na dp. Feeling ko nga napikon siya kasi sabi niya kesyo sige daw mag request ako pero pag mas malaki yung nasa soa yun daw susundin namin if kaya ko daw ba bayaran yun sabi ko kaya nga ako nag rerequest ng longer period eh. Tapos yun tipon inaalis talaga niya usapan sa soa. Kesyo yung atty daw nila ay araw araw sa trial court for sum of money trial daw ganun. Eh alam ko naman bawal ang abogado sa sum of money. Sa lahat ng cc ko ub talaga ang makulit at laging nag dadala ng letter sa bahay. Medj off din mga agent nila.

    ReplyDelete
    Replies
    1. HAHAHHAHAH natawa ako abodago nila? BANK FILED A CASE NOT THE CA.

      that is good po. happened to me na dalawa dalawang CA naghahabol tapos hinigan ko ng upadted endorsement ng bank wala mapakita after ilang days may bagong CA na legit asa kanila account ko..

      Delete
  5. Hello po Mr Kabado 2! nanghingi kasi ako ng Refferal code, Endorsement letter from bank at valid ids sa collector kasi nagoffer sila malaking discount sa utang ko pero ito po reply niya sken
    For your assurance, we can provide you with a DEBT ACKNOWLEDGEMENT AND REPAYMENT AGREEMENT from the Bank regarding this amnesty.

    If you have doubts regarding this , you may also email collections@rcbcbankard.com or call 8771-8037

    to verify my name Mariz Agbuya of SP Madrid and Associates, External Legal Counsel of RCBC CREDIT CARDS.

    tanong ko po kung legit po ba ? kasi baka masayang ibabayad ko po.. maraming slamaat more power


    ReplyDelete
    Replies
    1. hi u can confirm sa collection mismo ng bank kung naka nino account mo.. once confirmed, make everything documented

      Delete
    2. maraming salamat po! more power

      Delete
    3. Sp madrid din po ang tumawag sa akin.. sinabi na magFile sila ng criminal case dahil considered hiding daw ako.
      Willing naman po akong magSettle thru amnesty. Kaso today lang ang binigay na palugit😨.

      Hindi po kaya magproduce ng 126k

      Delete
    4. hi anon, naniwala ka naman? edi sabihin mo go sa court. hahhahahah

      Delete
  6. pag nagbayad ka po ba talaga sa collection agency considered as paid kana talaga sa banko? or ipapasa ka uli sa ibang collection agency? gusto ko sana ayusin na ang utang ko kase nagka trabaho na ako, pero duda ako kung ma bibigyan ako ng certificate na bayad na nga ako

    ReplyDelete
    Replies
    1. hello may mababait naman na CA infernez pero make everything documented para may habol ka sa dulo...

      Delete
  7. ung saken personal loan mag home visit na din daw sila, ano po magandang reply sa bank wala po kc ako pa talaga pang settle ulit sa monthly ko hindi kakayanin ng sueldo ko dahil ang husband ko onoff pasok po? ewb defaulted po ang personal loan ko cguro nga more or less than 6 months po, sinasabihan po nila ako na kakasuhan po daw ako ng bp22, OTC po kc ang bayaran ko pinaclose ko na check kc inooffset ng defaulted ewb cc card ko, gustuhin ko man po makabayad kaya lang hindi po talaga kakayanin, mag aadjust panpo ako ng gastusin kung mawalan ng wotk husband ko :( ayaw ko po talaga sagutin calls, text at emails kc inaatake po ako ng anxiety, nag dedemanda po ba talaga ng bp22? ayaw konpo ng restructure kc 1 year na lang po naiiwan ko sa loan pasensya na po, this grp is a big help to ease my anxie, nagtanong na lang din ponako base sa nararanasan ko po, maraming salamat po sa sasagot, God bless u all

    ReplyDelete
  8. Wag tayong magbigay ng masamang impression regarding sa trabaho nila alam naman nila lumugar saken meron mga home visit na ok naman wala silang sinasabi na masama kasi kahit anung mangyari kolektor sila at sa keyboard lang sila matapang at nagpapanggap pero sa personal kolektor pa din sila. Di ko lang sure kung dahil sa itsura ko kasi malaking tao ako pero hopefully wag naman sana na makaharap ako ng bastos.

    ReplyDelete

  9. good day, may notice na din ako ng home bwisit po daw ;) hindi ko na po makita sa old.post ung about sa BP22 and personal loan something sa old thread :( ano po magandang reply sa bank wala po kc ako pa talaga pang settle ulit sa monthly ko hindi kakayanin ng sueldo ko dahil ang husband ko onoff pasok po? ewb defaulted po ang personal loan ko cguro nga more or less than 6 months po, sinasabihan po nila ako na kakasuhan po daw ako ng bp22, OTC po kc ang bayaran ko pinaclose ko na check kc inooffset ng defaulted ewb cc card ko, gustuhin ko man po makabayad kaya lang hindi po talaga kakayanin, mag aadjust pa po ako ng gastusin kung mawalan ng work husband ko :( ayaw ko po talaga sagutin calls, text at emails kc inaatake po ako ng anxiety, nag dedemanda po ba talaga ng bp22? ayaw konpo ng restructure kc 1 year na lang po naiiwan ko sa loan pasensya na po, this grp is a big help to ease my anxie, nagtanong na lang din ponako base sa nararanasan ko po, maraming salamat po sa sasagot, God bless us all

    ReplyDelete
    Replies
    1. hello.. banks dont filed BP22 since issued cheke ay to facilitate payment walang deceit doon..

      as posted, may mga katulad ka na 4 and 5years ng defaulted sa EWB PL pero hindi naman nademanda..

      if I where u, I will answer the call kasi it will help u alot

      Delete
    2. once in a while sagutin nyo po ang mga tawag it will build confidence para hindi kayo kabahan. ganon po ginawa ko.

      Delete
  10. Very active ang mga CA crooks ngayon na kunwari "house bwisits" pero hatid lang yan sila ng letters. Messengers yan sila ng CA. Nakatanggap ako ng dalawa kahapon. Yun isa hingi pa ng number, at the usual nila gawin na ipakausap sayo taga office daw nila. Sinabihan ko kaagad, tagahatid ka lang ng letters di ba. Bahay ko to, huwag mo akong utusan. Di ko kailangan yan. Hehehe. Ayun, umalis kaagad. Hay naku.

    ReplyDelete
  11. I would like to give an update.

    I spoke with Transunion earlier, and as of today, all my defaulted accounts, except the one I did not pay for since I do not know how to about it for now, have been updated and tagged as closed on their systems.

    They have a policy that if an account has been closed for give years, they already remove it from their reports.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thank you sa update Sir BrianSurewood. Sa CIBI po ba nagcheck din kayo?

      Can you give us advise paano makipag negotiate? Lalo na ung mga 200k due to compound interest na rin. Thank you in advance.

      Delete
    2. Question po:

      When you say closed, do you mean you had paid it off? If not how long is the period?

      I had an account where the last time the bank and CA reached out to me was in 2012. Now a CA calls me saying, I had paid a certain amount in 2014 thus they are following up on my defaulted account again. It's now 250K, I told them that it's too bloated considering my the balance I was 85K (Again amount from the previous CA when my credit ceiling was only 60K) before. I have asked for the SOA but they say that given the long period of time that I was using my card as well as the time I was on default, it would be expensive to request for it since they will charge me 100/page.

      CA explained that if I wanted to pursue this, I need to first sign off an agreement (Sorry, I forgot the term the CA used for this) with them that I would pay off the amount. I told them that I need to see to the breakdown to understand what my options would be and also asked if they have on record any soft files they can send me.

      CA claims they are not allowed to send emails per a certain BSP circular so I told them fine, send me all the documents before I even consider agreeing to any contracts or agreements they are saying. The CA then hanged up. It seems they have a quota to meet on a daily basis and would not want go to further details on stay on the line longer than 10 minutes.

      Thanks!

      Delete
    3. @Lacus,

      Not yet, but I'm about to.

      Yung mga nasettle ko last year, a lot of them have been defaulted for at least a decade now, so there was no other option to make me pay, except if I really want it. Sabi ko nga dun sa isang agency nakabili ng account ko bago ako tumawag wala na value yang account ko na binili nila so would they let me walk away now that I called them to settle?

      Ang combined debt ko on all six cards I settled were over a million, but around 20% lang binayad ko or around 200k.

      If matagal na account mo, mas madali siguro to get a lower amount to pay. Pag nasa mga 5 years pa lang or earlier, medyo mataas pa yan.


      Delete
    4. @anonymous,

      Yes that means I had it paid off and aside from the certificate of full paynent, the bank already updated my status to Transunion from open to closed and may subreason pa yung closed.

      The accounts I paid have been defaulted for 10 years or more.

      In your case, my advise to reach out to the bank itself and ask for your total debt. Ang nakuha ko na discount was around 70%-90%. Chinatrust and CitiFinancial lang ang lumagpas ng 20% since I paid around 23% and 30% of my debt.

      They might give you the sanme discount. Goodluck.

      Delete
    5. Thank you Sir @BrianSurewood. Nasa 3 years pa lang ung akin. Madalas ako ang initiate ng call sa bank. Kaso from 200k, nilalagyan pa nilang interest kapag installment. Experience ko sa CA ang bank ganyan, unless lump sum, kaso 100k+ pa rin. 1 pa lang na paid ko last year. Prayimg this year may ma-close ako.

      Delete
    6. @Lacus,

      Anong bank yan if you don't mind?

      Delete
    7. Defaulted po ako sa
      Metrobank
      Security Bank
      BDO
      Psbank
      Unionbank

      Any tip po for those bank? Sabay sabay po nadefault. Mag 3 years na.

      Delete
    8. @lacus,

      Sa mga cards mo, SB lang ang alam ko na pumupunta sa court so I suggest call and reach out to them.

      As for Metrobank and Unionbank, I believe di naman sila nagdedemanda. Yung Unionbank ko was purchased by Collectius.

      My advise is settle it one at a time. Kung pwede unahin mo yung SB.

      Delete
    9. Thank you sa advice sir. Actually si BDO po ang pinakamababa nasa 70k. Ung SB po kasi gusto ng CA nasa 200k one time payment. Then ung installment naman hindi ko rin kaya. Ung 200k po na yun halos mga interest na lang kasi puro minmum anount lang ako dati. Sana nga pumayag na lower lump sum.

      Delete
  12. Good am, how long before ipasa po ng bank s collections yung acct po ng my utang?

    ReplyDelete
  13. If ever lumipat kmi sa davao..pano po yun..may CA po b duon sa davao?

    ReplyDelete
  14. Hello po may nakapag try na po ba dito mag pag ibig housing loan na approve naman po ba kahit defaulted sa mga credit cards po? Thank you!

    ReplyDelete
    Replies
    1. wala po kinalaman ang default card sa PAGIBIG... Marami naman na nakakuha....

      Delete
    2. opo wala po connection ang default card sa Pagibig housing loan. ako po naapproved sa housing loan sa pagibig wayback 2021 sagsagan na bgo bgo ako po na Default sa mga cards ko.

      Delete
  15. Hello! I would like to ask bakit may mga law office sa name ng ibang collection agency?? Para ba manakot lang? One is si Alexis A. Molaer Law office of Metrobank, sese and associates law office, and mga may law law office? Thanks

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ano po ibig sabihin ng third party collector?

      Delete
    2. Ano po pinagkaibahan nila?? Magkakaso po sila or what? Thanks po

      Delete
    3. Ano po meaning ng third party collector? Iba po ba sila sa CA?

      Delete
  16. Hello! Pede ba magpa barangay settlement ang collectors? Nagemail sila saken papabrgy nila ako eh

    ReplyDelete
    Replies
    1. edi pabaranggay sila.. kapag andun na kayo hingan mo ng legal document kapag walang mapakita pahuli mo

      Delete
  17. Hello po..ask lng po..normal ba na may downpayment na hinihingi bago mag proceed ung monthly payment? Nag email po kc citi cc po

    ReplyDelete
    Replies
    1. @anonymous,

      Depende sa mapag-usapan nyo ng bank.

      Delete
    2. @mr.kabado2
      @briansurewood
      10k po kasi hinihingi na dp para mag proceed sa monthly medyo mabigat po..may 1,2,3yrs silang option without int. 3k ung monthly for 3yrs hihirit sana ako ng 1k lng
      Posible po ba un?

      Delete
    3. @Anonymous,

      Pwede mo itanong kung papayag sila. Kung pumayag, good.

      Kung hindi pumayag at di mo kaya ang terms, bayaran mo sila kung kelan kaya mo na.

      Delete
  18. Db nka insured nmn mga credit card? So bkt pa babayran sa mga CA?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mr kabado totoo nmn yun naka insured naman..pag naningil.bgyn n lng pang merienda🤣

      Delete
    2. Alam natin na di lugi ang banks sa mga defaulters. Maraming legal safeguards para sa banks sa Pinas on how to offset defaulted accounts. After 60-90 days na defaulted tayo, they need to take out our accounts from their books na. But we accept the fact na banks have to maximize their earnings by all means. Kung maka collect sila sa atin, mas OK sa business nila. Ganun lang yun. Sa US meron na silang Fair Debt Collection Practices Act. Sa Pinas meron relevant laws and circulars now to prohibit illegal unfair debt collection practices, pero maraming loopholes na malulusutan ang banks and CA crooks. Meron ngayong House Bill 6681 Fair Debt Collection Practices Act and Senate Bill 1366 "The Fair Debt Collection Practices Act sponsored by Sen. Gatchalian. Sana uusad tong mga batas nato. Meanwhile manage muna natin sitwasyon natin kasama ang mga CA crooks. Sa dami na nilang bulok na style. But then again, always mag work ang advice ni banker na sabihan sila - well, well, well. File na lang kayo ng kaso. mas ok sa court kasi always formal, legal, and fair.

      Delete
  19. Ako sa ngayon ..wala tlga ako ibabayad sa kanila..unahin ko muna mga needs ng pamilya ko..pag naka ipon ng oambayadd tsaka ko n sila haharapin

    ReplyDelete
  20. Ung 2 CC ko sa MB nasa same ang collection agency. If lumpsum 500k+ for both. Narecall ko before ako madefault nung 2020, CS told me na I can pay up to 5 years for both account ko for 300k+. If I recall it correctly.
    Gusto ko sana i-ask ung CA of pwede pa yung ganon. Kaso pag hindi pumayag, malamang isipin na may pambayad na ko kasi nag ask ako.
    Mas safe pa rin kaya ipunin ko na lang lump sum tapos call ako if meron na. Baka may mas maganda na silang offer? Thanks in advance

    ReplyDelete
    Replies
    1. @Lacus,

      If you offer installment basis, ang magiging discussion nyo yan eh kung how much ang intlitial mo and monthly mo. Malamang papayag yan.

      If di pumayag, wala pa din naman sila magagwa so I suggest try to offer it.

      Delete
    2. As I shared before, I negotiated with Maybank to pay only around 38k to settle my close to 300k original defaulted account (without charges and interest). Yun na close ko last December after more than 2 years. I am using the same strategy with other banks. Di siya nag work sa Chinabank so far, so punta ako sa other banks now. Ang Eastwest so far ang regular naga offer na super discounted amounts. Tama yung strategy, the longer defaulted ang account, the better the offer. Again, pag di kaya talaga, hwag pumasok sa installment settlement kasi masayang lang ang bayad pag di na sustain. Always unahin ang priority needs. The banks will always calculate kung di ba masayang legal costs nila pag kasuhan tayo. Alam din dila na kahit panalo sila sa sum of money case, pag wala pa rin pambayad ang defaulter, wala rin talaga. Manage lang natin ang mga CA crooks with all their dirty illegal tactics, including public shame in whatever forms. Recently nag file rin ako ng BSP complaint against Eastwest kasi SP Madrid sent a written letter with elements na bawal sa BSP Circular 454. Ang saya kasi prior ako nag file ng BSP complaint, nag reply ako sa SP Madrid na "thank you for writing all your illegal tactics that you always use in the calls and messages. Now I have written proof to file a complaint." Hahaha. A day after ang complaint unit ng EWB ay sumagot kaagad at nag ask ng more info. Alam naman natin walang patutunguhan ang complaints natin, pero at least maka mitigate sa illegal stratagies ng CA crooks. Hahaha

      Delete
  21. Ano po ang gagawin if hindi ka i-entertain ng Bank kse nasa CA na yong account ko, card defaulted 3 years during pandemic. Most advised po kse deal with the bank pero bank will only Refer you to CA.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Most cases ay u can deal naman sa CA basta mabait at make everything documented..

      some like miss cherrylou settled her SB sa recovery department ng bank mismo...

      some like sa Metrobank ay after 2years ay babalik sa bank mismo ang card mo at sila na hahawak

      Delete
    2. Hello po may I know paano po nakapag settled si ms cherrylou through sb recovery dept yung akin po kasi kinukulit ako ni SP nag payment monthly ng any amount tapos if ready or kaya ko na daw yung proposed monthly nila tsaka daw ako mag undergo ng agreement sa kanila then i bawas nila daw Yung na payment ko sa OB ko ngayon. Maigi if under pa yun sa kanila ayaw kasi nila ng written agreement regarding dun any amount kaya ayoko po mag payment dahil for sure sa interest and penalties lang siya mapupunta.

      Delete
    3. hello as per miss cherrylou nasettled niya mismo sa bank recovery department ng SB... pumunta siya sa mismo sa office sa may Salcedo Village, Makati. nabigyan raw siya ng discount

      Delete
  22. Good day po, withclady here. ang page na ito ay malaking naitulong sa akin. defaulter ako nang citibank more than 10 years. ito ang nakatulong sa akin to answer right sa mga collector. good thing din sa akin nkatira ako sa province. naging open ako sa ka officemate ko ano ang nangyari at give them advice how to handle (kasi meron din pala same sa situation) last na tawag nangyari 2014 or 2015 until now wla na.
    so ito ngayon meron ako cc sa BDO during pandemic sa mahal nang lahat try to juggle exp. until last year umabot na siya nang 50k+. so i apply bal. sa installment for 3 years. ok naman kaya ko montly. until may nangyari sa akin feb 21. may tumawag offering wave annual fee. so na scam ako nang 50k. tumawag agad sa hotline to cancel any transaction. i call after 3 days to check but still na push thru ang transaction. i as for reversal and i have to wait 7 banking days for the result.
    but in my research sa google malabo yata kasi fault ko nabigay ko ang otp. thats why i stable again sa site na ito to calm my nerve. giving me hope that i can solve this problem.
    medyo advance ako mag-isip so if ever hindi talaga ma reverse and i need to pay at hindi ako binigyan nang consideration ni BDO. so im planning to still pay this year until kaya ko pa. but once hindi na talaga dapat ihanda ko na sarili ko. good luck to me...

    ReplyDelete
    Replies
    1. big lesson talaga. pag maghingi na nang OTP kausap mo sa phone na di mo kilala, scam agad yan. pero astig ka kasi napaka pro-active mo mag isip. kung kayanin mo, ituloy mo lang. pag hindi na kaya, beyond your control na yan. you know how to diskarte na.

      Delete
  23. Ano po meaning ng third party collector? Iba po ba sila sa CA?

    ReplyDelete
  24. Pag lalagpas ng min amount due may nababawas ba sa utang kunwari 10k a month ko nagbgy lng ako ng 3k

    ReplyDelete
  25. Good payer naman ako sa Banks pero I cant fund my checks this month for Personal loans, mag BP22 ba yung CTBC at Eastwest?

    ReplyDelete
    Replies
    1. bank dont filed bp22... issued cheke ay to facilitate payment walang deceit doon.

      Delete
  26. Sad Day. May pumunta n CA kanina sa bahay for alam ko si SB un under RSAntos LawOffice nagdala ng demand letter, final demand letter daw. Kaso kapatid ko nakaharap and alam na nila ano sasabihin. Tinanggihan ng kapatid ko na ireceive ung letter at sinabihan na RTS (return to sender) n lng kasi nga matagal na d nakatira sa address n un. Abay nagpupumilit talaga c CA n ipapareceive ung letter eh ayaw talaga naku nagalit ba naman na dapat daw tanggapin kasi importante daw na demand letter un. Loko ayaw pa umalis at may tinatawagan. Sarap talaga minsan patulan cla kaso kalma lng ung kapatid ko at hinayaan xa sa labas ng bahay aso kausap nya.

    ReplyDelete
  27. What happens po if may magpadala dito ng letter saamin at sabihin ko wala na dito yung hinahanap nila? My law po ba against nun? For now po, di ko pa kasi kaya bayaran yung cc debt ko. Thank you for answering po.

    ReplyDelete
    Replies
    1. wala naman... but my advice harapin mo sila it will set you free

      Delete
  28. Ano po mangyayari if ever after 2 years mapunta na sa metrobank ang credit card since walang masingil si CA? Ano po gagawin nila? Thanks

    ReplyDelete
    Replies
    1. worst thing that bank can do ay magdemanda just pure civil case.

      Delete
    2. If ever man c bank ay magdemanda and wala ka talaga pmbayad, its a paper victory.

      Delete
    3. I saw po na hindi nagkakaso sa metrobank at PNB and UB naman so safe naman po if ever noh?

      Delete
    4. the post here is merely based from the defaulters experience. based on them, no posted yet na nagdemanda sila.

      Delete
  29. Kumusta po? Tanong ko po sana paano po kaya kung magbebenta ako ng condo tapos dun sa iloan ng buyer sa bank na may default ako. Ikakaltas po ba sa loan release yung amount na default ko sa credit card? Salamat po.

    ReplyDelete
  30. Paano po kaya kung magbenta ako ng property , ung buyer po i homeloan dun na bank na may default ako idededuct kaya ng bank yung default amount ko sa credit card? Patulong po.. by the way security bank daw po mag apply ng homeloan si buyer. Salamat po

    ReplyDelete
  31. First time na home visit sa default card ko na eastwest na ako ang nakaharap. Ung una ung anak ko nakatanggap ng sulat. Itong nakausap ko wala naman untoward incident na nangyari mabait pa yung pumunta sa bahay namin. Tinanong ko agad kung may papa received na demand letter. Eh wala naman daw. Ganun pa rin ung minimum payment ang pinababayaran sabi ko lang may nakausap na ako sa kanila ha ha. Kahit daw hulugan hulugan ko ung 3100 na minimum payment before dumating ung cutoff, dahil lalaki na naman daw ang babayaran ko. Magkakaiba sila ng style ng mga nag ho-home visit. Pangalawang beses ko na ito sa magkaibang banko.

    ReplyDelete
  32. Legal po ba na tumawag ang CA sa workplace and talk to my manager or supervisor about my debt???

    ReplyDelete
    Replies
    1. BIG NO!

      May Data Privacy Act tayo... may BSP Circuar 404 tayo...

      HAHAHAH that CA is bullshit pakialam nila sa utang mo

      Delete
    2. Just wondering po if it happens, if they try all means to contact me and they go to my work na. I can report them naman?

      Delete
    3. Sadly the CA crooks are doing this all the time. Kahit nga sa akin na almost three years na wala sa work, tumawag pa dun. Worst may anonymous caller pa, na alam ko na CA, na nagpanggap na taga Philippine Press Institute (PPI) at nagbanta na ma newspaper daw ako kasama ang name ng employer ko. Almost nag panic ang former employer ko. Standard reply ko sa employer ko nung tumawag sa akin, scammer yan. Meron bang tatawag na ganun na di man lang ako na inform. All my contact details are available if may concern sila sa akin. Bakit di ako tawagan. Hehehe. Good thing is, our Operations Head, tumawag sa PPI to confirm. And sinabihan sila na SCAM yang ganyan. Marami nang complaint sa PPI daw. See, naging advantage sa akin. Sabi ko sa former employer ko, lahat ng calls na maghanap sa akin, automatic sabihan na tagal na akong wala sa company at diritso tawag sa akin. Hwag maniwala kaagad sa mga scammers kasi marami ngayon. So sabihan mo empoyer mo na personal issues mo yun, and advise ang tumatanggap ng calls na pag di work related na calls, hwag nang entertain. Mga CA crooks talaga.

      Delete
    4. Hi @Sonnixx Haven, sabay ata tayo nadefault. Last 2020.as of now EWB pa lang nasettle ko. Ung iba kasi 150k to 200k one time payment. Hanggang 50k lang kaya ko hehe. Mas malaki kasi interest bago na default ung card. Basa basa ako rito para tip makipag negotiate.

      Delete
    5. Hi Lacus, may defaulted cc ka din ba sa SB?

      Delete
    6. Yes meron po akong default card sa SB. Hindi ko na sure ung principal pero alam ko less than 50k sya. Umabot ng 200k kasi kaya hindi ko masettle pa. After ng BDO ko, sila sunod ko.

      Delete
  33. Hello po meron po kasi ako natanggap ngayon galing RTC may title na JUDGMENT tapos 3 things po ung tanong ko
    1. Anu po ibig sabihin ng Article 1226 and 1227 of the Civil Code of the Philippines. nakalagay kasi ung.

    ung pangalawa sa bandang dulo

    2. ALL THE FOREGOING CONSIDERED, Judgment is hereby rendered ordering defendant ME to pay plaintiff. HSBC the following amount, thus ... ung 3 cards total... plus 6% interest per annum reckoned from the filing of the case, until fully paid.

    ung pangatlo po na tanong ko may dumating na letter from SESE LAW FIRM sila kasi ung parang COUNSEL ata
    3. sabi sa letter the Decision would be subject for Execution by the Sheriff at any time without further notice. (anu po ba ibig sabihin nito? anu ggwin ng Sheriff)

    Salamat.

    ReplyDelete
    Replies
    1. ART. 1226. In obligations with a penal clause, the penalty shall substitute the. indemnity for damages and the payment of interests in case of noncompliance, if there is. no stipulation to the contrary.

      Article 1227. The debtor cannot exempt himself from the performance of the obligation by paying the penalty, save in the case where this right has been expressly reserved for him.

      Delete
    2. My decision ka na pala hehe sabi nga ni banker, CONGRATS!
      No need ka na mag-alala sa mga CA, kapag nag inaso pa din sila na pwede mo balikan..

      1. Next step diyan ni sheriff ay magpapadala siya ng letter sa lahat ng bank at ichecheck kung may tinatago ka- kung wala edi wala... wag ka lang matulad kay Prism Blue dati na tanga si Landbank Manager...

      Delete
    3. @Worried Father,

      Transfer any savings you might have to another bank not under your name. For garnishment na yang account mo. And that could happen at anytime.

      Delete
    4. Curious po pag ganyan po, paano yung sa salary account example yung amin kasi yung payroll account na gamit namin is yung savings namin. Ma hohold ba yung pay ko dun pag nag garnishment sila?

      Delete
    5. Wala naman po akong bank account under may name, wala rin kameng join account ni wife, possible po ba na madamay ung account ni wife?, Payroll lang ung bank account ko under MB, magagarnish po ba nila payroll sa MB? Salamat.

      Delete
    6. payroll is exempted po magarnish lang yan kapag bobo si Bank Manager

      Delete
    7. @worried father,

      Ang utang nyo ay utang nyo lang.

      Based sa mga post ni Banker dito, di po dapata naga-garnish ang bank account pero may nangyari na before so ingta po.

      Delete
    8. Ang garnishment naman po ay one time lang po tama po ba? So incase na ma garnish I can withdraw agad yung nga dadating sa account ko?

      Delete
    9. ako po na garnish yung payroll account ko.sabi ng lawyer possible daw yun

      Delete
    10. Salamat po sa pagbibigay liwanag :)... Isa pa po palang tanong pag lumipat po ba ako ng address kailangan ko pa ipaalam sa mga banko, tapos ung sa kaso naman sa HSBC kailanga ko rin po ba ipaalam?

      Delete
    11. @Anonymous,

      I think it would be better to just open a new account if you are garnished.

      Delete
    12. @Worried Father,

      Di nyo po kelangan ipaalam kung saan kayo lilipat.

      Delete
    13. Pay when able po ba ang decision?

      Delete
  34. Hello po, Banker, Ms Cherry Lou, Mr.Kabado2, sana po mabigyan nyo ako ng advise regarding sa Home Credit Personal Cash Loan. Sobrang laki ng interes, hindi ko makakaya bayaran ang 60-month term. mag 1 year pa lang po ako this March sa pagbabayad. Salamat din po sa mga sasagot.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hello... sorry to read this.. sabi nga ng iba medyo makulit yang si Home Credit lalo mga field visitor nila at nanghaharas daw,,, may post dito dati na pinuntahan siya sa bahay nila at office doon naningil.

      same diskarte din naman... they can file civil case

      Delete
    2. Thank you po Sir Mr.Kabado2. If sino po may experience dyan sa Home Credit (HC) pa share naman po. Salamat and stay safe po sa lahat.

      Delete
    3. Hello po, anyone here may experience sa HC? Sorry po at worried lang po talaga ako. Thank you in advance and stay safe sa lahat.

      Delete
  35. may mga defaulter ba dto n nakasama sa garnishment ang ewallet like gcash/paymaya?
    nagdedemanda po ba talaga si BPI sa mga defaulter?

    salamat po

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi po... YES very active and BPI sa pagdedemanda.. may post dati dito na after 6months ay nademanda na siya...

      as per banker, safe ang gcash/maya pero to be more safe ay itago mo nalang pera mo sa baul hehe

      Delete
    2. kung sakali mag demanda ako ni bpi ok lng b hindi pumunta sa hiring since wla pa talaga pambayad? actually active pa si cc ko and nxt month may bill ako na hindi ko na talaga kaya bayaran, alam ko 3 months kapag di pa din nagbayad sak nila ipapasa sa mga collecting agencies nila possible kaya na mas lumobo utang ko since as per bpi bill nsa 250k ang running ko due to credit card loans.

      Delete
    3. you have a choice kung pupunta or hindi.. attend if you are willing to negotiate at wag na kung wala ka naman pang bayad pa...possible po na mas lumobo gawa ng insterest

      Delete
    4. @anonymous,

      Active pa pala ang card mo. Masasagip mo pa yan. 2 to 3 years bago magfile ng case ang bank usually.

      Delete
  36. if ever po ba hindi na ako pede mag open savings sa mga bangko kapag may order ng garnishment?

    ReplyDelete
    Replies
    1. @anonymous,

      Wait for the sheriff to execute the writ before you open another bank account.

      Delete
  37. Hello po sa mga admins ng page na ito. I hope maaprove, halimbawa po bang may unpaid credit card debts ako, posible po bang maapektuhan yung pag-aapply ng asawa ko sa mga banks if magbackground check sila at malaman nila na ako ay may mga utang na di pa bayad? Yung asawa ko ay may good records sa credit cards nya. Yung utang ko po is naacquire ko pa nung binata pa ako at di pa kami kasal before pandemic. Nag-aalala po kasi na baka maapektuhan yung pag-aapply nya sa mga banks pag nagCI or background check sila at malaman nila na may mga utang ako. Ano po ba ruling nila or ginagawa sa background check? sana po mapansin. Thanks po admins!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hello... if di updated si bank sa kasalang nangyari goods naman...

      Delete
    2. @Scorpio42,

      Hindi po liable ang asawa nyo sa utang mo:

      Section 4, Article 121 of the Family Code of the Philippines (Executive Order 209) states, “payment of personal debts contracted by the husband or the wife before or during the marriage shall not be charged to the conjugal properties partnership except insofar as they redounded to the benefit of the family.”

      Delete
    3. Hi @Scorpio42,
      Yes, possible maka affect. Kapag nag fill out ng form, may marital status and spouse info. Makita nila yun dun.
      Pero may mga nabasa ako na hindi na apektuhan nung nag housing loan. Depende pa rin sa account officer if ma-approved .
      I assume, bank loan tong concern mo. If mga loan using credit card, hindi na nila kita record mo.

      Delete
    4. Hi @Lacus, credit card debt po yung akin. wala naman po akong bank loan. Makikita po kaya yun?

      Delete
    5. Yes po kita pa rin po ng bank yun. As long na nakalagay ka sa application form as spouse.
      Depende na lang po s aaccount officer kung i-approved. Meron ako nabasa, approved naman daw ung kanya. Siguro depende sa amount.

      Delete
  38. Ask ko lng po mr kabado narcvd ako email about plublishing naka post name and company address ko. Indicating that there is a pending case violation of R.A 8484 Access Device Regulation Act of 1998. We noticed that it will bring negative publicity against you that is why we are informing you. It will be published for 3 consecutive Sundays and paid by a certain ATTY. MARIETTA ABADIANO





    We recognize the duty to air the other side and the duty to correct substantive errors promptly.



    Any thoughts po? Need ko po ba replyan n bawal ung gngwa nila or just ignore?

    ReplyDelete
    Replies
    1. lumang pananakot na po ang RA8484... Hays wag po papaloko... sabihin mo edi go sa court. nakailang beses ako na nakatanggap ng ganyan ganun din iba HAHHAHAH mga CA talaga

      Delete
  39. Hello po, may nakapag try na po ba dito makipag genotiate sa RCBC bank mismo at doon humingi ng discount? Honestly 15k lang ang kaya ko to close my account Defaulter po ako RCBC for 2 years. 30k ang Principal amount pero umabot na ng 56k dahil sa interest. Lastweek nag offer si CA ng discount 23k nalang at 3mos to pay. Iggrab ko na sana kaya lang super demanding ng officer na kausap ko. gusto nya kada tawag nya sagutin ko kaagad (jowa peg ang style), at isend ko din agad yung payment agreement eh hindi pako maka-oo dahil malaki din monthly 7900, tapos kung ano2x pa pinagsasabi. Antaying ko nalang daw litigation.

    ReplyDelete
    Replies
    1. HAHAHHAHAH feeling jowa edi ibreak mo na lol...

      wala pa ako nababasa dito from 2013 post na nakapag negotiate sa RCBC na lower amount

      Delete
  40. Hi po, makakapag open pa po ba ako ng savings account and payroll account sa bank na may defaulted ako ? Kasi po yan ang bank na gamit ni employer for payroll. Possible po ba na macheck agad nila na may defaulted cc ako and mahold pera sa bank?

    ReplyDelete
    Replies
    1. same case sa iba nakakapg open sila... diskarte ay withdraw agad wag na itambay

      Delete
    2. @Anonymous,

      It does not make sense to open an account on a bank na may utang ka.

      Now, kung payroll yan, try and ask your HR if your pay can be issued via check or deposited to a differeht account.

      Delete
    3. In my previous company with BPI as payroll, unfortunately hinold ang pera ko sa payroll account. Di dapat kaso nasa terms and conditions ng Credit card ni BPI so ayun ending I asked for payment arrangement at isinantabi muna bayaran ang ibang bank to give way sa payroll account ko sa BPI. Ayun na lift naman nung nagstart na contract ko at first payment. Sa Metrobank naman sa awa ng Diyos di naman nagagarnish payroll account ko pero dahil kabado pa din ako, winiwithdraw ko agad or nilalagay ko agad sa GCash or Paymaya e-wallets ko.

      Delete
  41. Salamat po Sir Mr. Kabado at Sir BrianSurewood sa pagsagot. Hinanap ko po yung karugtong nung Article, pede po bang pakiexplain sa mas simpleng paraan? Di ko po kasi maintindihan eh. PAsensya na po sa abala at maraming salamat. Eto po yung di ko maintindihan yung after po nung family na word sa first paragraph:

    The payment of personal debts contracted by the husband or the wife before or during the marriage shall not be charged to the conjugal properties partnership except insofar as they redounded to the benefit of the family.

    Neither shall the fines and pecuniary indemnities imposed upon them be charged to the partnership.

    However, the payment of personal debts contracted by either spouse before the marriage, that of fines and indemnities imposed upon them, as well as the support of illegitimate children of either spouse, may be enforced against the partnership assets after the responsibilities enumerated in the preceding Article have been covered, if the spouse who is bound should have no exclusive property or if it should be insufficient; but at the time of the liquidation of the partnership, such spouse shall be charged for what has been paid for the purpose above-mentioned.

    ReplyDelete
  42. If 5 yrs na di ko binabayran sa CA yung utang ko sa CC..ano.po mangyayari? Salamat po

    ReplyDelete
    Replies
    1. wala... if bank is seryoyo na idemanda noon pa.. now, deal sa CA...

      Delete
  43. Magandang Araw po sa lahat.
    Member po ko since 2018 dito. Defaulted around 8 cards with 2 decided cases with rcbc and bpi in 2020. Si bpi nakakuha ng writ of execution last May 2022.
    Wala naman pong nangyaring di maganda sa akin until now. May mga pasulpot sulpot n lang na mga emails at calls. Pag calls sinasabi ko na lang na just file a case at un di nako kukulitin.
    Greatful po ko talaga dito sa Diskarte kay Banker at Ms Cherry at sa iba pang members na walang sawang gumagabay sa mga tulad ko defaulters at nagkaron ng kapanatagan ng loob dahil sa inyo.
    Eto po nagfile po kami ng wife ko ng P3M pag ibig housing loan at sa awa ng Diyos kaka approve lang po namin. Thanks po sa lahat.
    -Assassin

    ReplyDelete
    Replies
    1. WOW!!! SALAMAT FOR YOUR POST SANA MABASA DIN NG IBA LALO YUNG MGA TAKOT NA TAKOT SA CASE FILE, MGA PINIPILIT PA DIN MAGBAYAD KAHIT WALA NA AT MGA PATULOY NANINIWALA SA MGA DEFAULTER...

      Lagi namang sinasabi namin, kung wala edi wala bakit mo pa pipilitin. as defaulter expect na natin na pwede tayo idemanda anytime at isa ka sa nagpatunay na EDI SA COURT!

      Hays sana mabasa ng iba...

      Delete
    2. Please everyone.. the answer is already in your eye... sabi nga ni Banker.. YOUR PARANOIA WILL NOT STOP IF PATULOY KA MANINIWALA..

      PLEASE READ EVERYTHING HERE. MARAMI NA PO NAGPATUNAY

      Delete
    3. Hi po Assassin may I know po if kayo yung nag file sa pag ibig housing loan or as a co borrower po? On going po kasi yung payment ko sa equity kinakabahan po ako na di ma approve sa pag ibig since wala po akong co borrower.

      Delete
    4. Defaulter here on 4 cards. Na-approve agad housing loan ko sa Pag-ibig. Sa umpisa kabado din ako nung sinabi nilang may credit background check.

      Delete
  44. Hi. Pg may debt ba sa card na malaki balance makakakuha po ba ng NBI?

    ReplyDelete
    Replies
    1. NBI ay criminal case po..

      utang is civil case... so NO

      Delete
    2. Hindi criminal case ang may utang. I have been transferring companies and so far my NBI is cleared. :)

      Delete
  45. Hello sir, defaulted sa BDO CC si misis hindi na kami naka bayad dahil sa nawalan ako ng trabaho at cancer patient pa si misis at ongoing ang treatment nya for over 3 years lately naka tangap kami final demand letter galing sa banko ano sir dapat naming gawin sa ngayon talagang wala pa kaming pambayad sa treatment nga ni misis humihingi lang kami sa mga government opis sana mapayuhan nyo kami maraming salamat sir Godbless

    ReplyDelete
    Replies
    1. although I retired from this blog, allow me to make you an exception.
      should you wish, email me your cp number.

      Delete
    2. hello please email or call banker he will help u promise...

      Delete
  46. Experience ko sa metro bank d ako nakakabayad..lumaki babayaran ko hindi ko na kaua bayaran ayoko kasi mapunta sa CA ginawa ko tinawagn ko metro kung pupuwede alisin mga charges at interest na para mabayaran..yung 189 k...ay naging 144k na lng.. sabi ko 6 months to.pay ko n lng pra mapa close kona.. now bayad ko na..tnx god..kya wag matakot mismo sa bank ksu mkipag usap..pra d n mapunta sa CA ..ksi msligal8g mga CA

    ReplyDelete
  47. Hello po just recently, natransfer po ung account ko to bernales and associates na ca, how are they po??? Maharass po ba?

    ReplyDelete
    Replies
    1. hello... masasabi ko lang na feel them na u know ur ryts kahit defaulter ka yan ginawa ko para tigilan nila ako...

      kasi nagsisindak sila...

      Delete
  48. Hi po.... need your help po. pero before anything else, gusto ko magpasalamat sa group na to lalo na po kay Mr. kabado upang ipanatag ang self ko unlike dati may mareceive lang akong message or call from agents nagkaka anxiety na ako. ive been defaulter since october po sa metrobank, kasi naman d ko na kaya 7k a month tapos pag receive ng bill mas dumadagdag yung balance ko, lately may emails and texts akong narereceive from them for an offer for the amnesty pero gusto ang pagitan is 3days lang and amounting to 80k. then today, may pumunta sa office namin nagdala ng letter thru guard but i refused to accept it, kindly advise po. Thank you so much.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hi... I hope u accept it... wala naman mawawala kasi role lang niya magdala ng sulat...

      Delete
  49. Ma block po ba ang payroll account or di makakawithdraw with it if defaulted na sa bank? Thank you po for answering

    ReplyDelete
    Replies
    1. hindi naman po mablocked..

      some cases, hindi nag seset-off si bank sa payroll nila..

      some naman ay nagseset-off

      kaya diskarte ay once na credit na ang sahod ay iwithdraw agad wag na itambay pa

      mga bank na may practice niyan based sa mga posted dito since 2013 ay BDO, METROBANK AT BPI...

      Delete
    2. so bdo metrobank and bpi po ang nagpapractice na set off sa payroll??? di naman po yan like agad if macredit maset off agad, may time pa naman po mag withdraw?

      Delete
  50. Hi po! Paano po ba malalaman if for garnishment na un account ko? And how to tell po if legit un sinasabi sa mga letter na magfile daw po mg case sa RTC branch 84. Pano ko po malaman if legit nga un?

    ReplyDelete
  51. Ano po masasabi nyo.kay metro bank at kay east west po? Pag d nbabayaran mga utang at na default na
    Malaki po b sla mag bigay ng disct?

    ReplyDelete
    Replies
    1. YES KAY EWB. Proven and tested

      kay Metro huling basa ko na discount posted in year 2015 Ay nabayarn niya ang 2 card niya ng 50k with combined default amount na 200k... kung tama tanda ko kay CA pa siya nakakuha ng discount...

      Delete
    2. @Mr.Kabado2. Ganyan amount din sinasabi ko sa CA for my 2 card sa MCC. Kaso hindi raw approved ni bank. Ayun wait muna ulit.

      Delete
  52. Plano ko ksi d n bayaran metro at eastwest ksi d na kya ..wala kmi kakainin kung mgbbyad ako monthly sa nagdedemanda po b sla? Tnx po

    ReplyDelete
    Replies
    1. hello... I hope u do back reading hehe..

      anyway, as posted wala sa policy nila or wala pa nadedemanda si Metro or EWB

      Delete
  53. Helllo po, planning po to resign sa current company ko for a better paying job that can pay my cc debt. Magkakaproblem po ba ako sa clearance kasi yung defaulted cc bank ko is yung bank that holds our payroll? Hoping po for some insights. Thank you very much.

    ReplyDelete
  54. Hello ho, may nakarinig or kilala ho ba dto sa Col Lt Carlos Catakutan? May naka encounter na po ba saknya? He called ksi s brgy namin and was looking for me. Ngbgy ng dates march 3-6 isara daw yung bahay namin. Yung father ko nakausap ng taga brgy kaya takot na takot ako d alam ng prents ko na i have debts. Huhu. Sana may mkreply or mapa post ito. I also sent a message to mam cherrylou. My binigay n contact numbers at tawagan daw sila.. please sana po may makasgot if my nakaencounter.. recently si EWB ang pinakamakulit sa mga pinagkakautangan ko.. yung ibang banks walang balita since june 2022 pa po. Si ewb lang tlaga.. nttkot ako n baka dhl nkpnta na sila dto s bahay and ung local collector nila na hndi manla area ay nkta ung lugar namin.. feeling ko kaya super eager sila mangulekta and all.. e nkikitira lang naman ako sa prents ko. Huhu

    ReplyDelete
    Replies
    1. HAHAHHAHAHHAHAHHAHA SORRY NATAWA AKO... SORRY FEEL BAD SA TATAY MO..

      ITS A SCAM!!!
      SCAM!!!
      SCAM!!!
      HARASSMENT!!!
      THAT IS BULLSHIT! 2023 na uso pa din ganitong kagaguhan ng mga CA

      Received that call last January 19, 2021... 2023 na catakutan pa din siya? HAHAHHAHAHAH
      What to do? Patulan m
      1. Call that number record mo sabihin mo recorded.
      2. Get his Service ID Number. Full Name and What station siya... tell him what bank and agency nirerepresent niya. POLICE PATOLA YAN..

      Lagi po namin sinasabi, tell your problem sa Parents ninyo. IT WILL SET YOU FREE. Kasi kapag nalaman ng mga CA na yan na yan kahiaan niyo yan gagamitin nila para iharass ka. see nangyari na sayo..

      WALA PO SIYA KARAPATAN NA ISARA BAHAY MO. KOLEKTOR PO SIYA TAGA KOLEKTA.

      HAHAHAHH SORRY NATAWA AKO AT NALUNGKOT SA TATAY MO.

      I hope mabasa mo ito..

      PS: Milyong nga utang HINDI NAMAN SINARA ANG BAHAY. NAKAPAG IBANG BANSA PA NGA

      Delete
    2. Got same experience last year kaso sa akin naman tumawag directly pero nag text muna na siya feeling ko EWB nalimot ko yung name ng pulis kuno nila kesyo may warrant of arrest daw ako pero habang kausap ko siya ang yabang niya hinihingi ko roll number niya sabi niya bat daw niya bibigay kung ako nga daw ayaw ko bigay complete address ko sabi ko kung may nag demanda sa akin dapat alam niyo address ko and kung sinong nag demanda kausapin ko daw yung abogado may binigay na number eh yung binigay na number nila yung ending lang nabago sa CA na tumawag sa akin.

      Delete
    3. Sir @mrkabado, thank you po sa response. Talagang binantayan ko. Actually yung mom ko aware sya.. hinehelp din nya ako to settle p unti unti po.. dto k din ntutunan mkpgnegotiate po sa ibang CA.. kaso itong RGS n may hwak ng EWB ko feeling ko po tlga sila ung pmnta sa brgy. Mga 6:45 po kanina nong dnala dto smn ung details and all n need tawagan.. si Papa ung nkausap nong taga brgy.. :( sbi ko nlng wag mgalala kasi ako ng bahala mkpgusap. If ever makausap ko po bukas itry ko po yang suggestions nyo.. nung una una e mukang tinatablan sila..mukang recently hindi na RGS collections ung late last year pmpnta s bahay ngddla letters and all.. nkkpgnegotiate ako ng amount ayaw naman po nila pmyag.. tapos ito frst time ung s brgy incident kaya medyo knkbhan ako tlga.. medyo kilala pa naman family po namin dto s lugar namin.. :( salmat po sa sagot ninyo..

      Delete
    4. SABI NA RGS YAN E? The famous ATTY. ROBERTO ULTADO... Search mo sa google since 2003 pa yan mga ganyang mga taktika nila..

      kaya ako kapag may nababasa na comment dito na makipag usap daw ng maayos sa CA... HAHAHHAH SHIT, CA tapos ganyan... sino gaganahan magbayad sa CA kung ganyan... kung sila sa CA ako hindi... madami na ako nakausap dito via call at email lahat sila direct sa bank kung ayaw di wag sabi nga ni banker edi idonate sa mga kapus palad.. although my mabait pero mostly sa kanila ay sinangla na kaluluwa kay satan. pinapakain sa mga anak nila galing sa panloloko... trabaho nila maningil pero di nila trabaho manakot..

      okay naman magsumbong sa BSP.. alam natin walang gagwin sila sa ganyan bat nagiging aware si CA na u know ur rights... kaya ako pinapatulan ko minsan mga ganyan..

      PS: Salamat Planter, Banker, Maam Cherrylou at Sir Eduardo hahaha naging matapang ako unlike last 2020 huhuhu

      Delete
    5. Salamat rin po mr anonymous, bukas itry ko i call ung number para lang ma sure na CA nga sila kesa gumawa pa sila skandalo dto s street namin. Hays. Nkpgnegotiate naman ako sknla ng amt na kaya.. tinanggap na nila once tapos within the day binawi po ng agent at sabi ay capable dw mgbyd.. sbi ko mgppast due ba yung acct ko if capable pko mgbyd.. try ko nlng mas tapangan konti bukas sbhn ko nlng mgfile nlang sila case para tantanan ako.. ung father ko willing pmnta sa pulis kanina pra po magpablotter. Hays

      Delete
    6. may nabasa ako na post dito last 2007.. ganyan ginawa nila sa isang defaulter ayon hiniwalayan siya ng kanyang asawa kasi asawa niya nahihiya kasi si CA grabe panghaharass tapos araw araw asa apartment nila...

      2007 yun grabe pa harassment nila. e ngayon 2023 na lamang may alam...

      Delete
    7. Awww. Aware naman po kht ppno yung husband ko. Pero sana hindi sila mangharass ng sobra sobra..

      Possible po ba sila mapablotter? Ksi visit sila ng visit tapos kung sno sno kinakausap ngttnong sila info abt my famly po. Gaya po nbnggt ko kanina medyo kilala kami sa brgy namin and medyo malaking pmlya din po kami.. ung tty ko kanina gsto n nya ireport namin sa pulis.. ano po pdeng ikaso saknila..

      Bale ayun pmnta s brgy, not sure if ndsclose po b ung utang ko.. pero sb nung brgy captain ay confidential daw kaya dpt mbgy agad skn ang detalye nong ttwagan. :(

      Delete
    8. hindi ka po nila ipapablotter nagtatago nga sila sa ibang katauhan hahahhaha...

      Delete
    9. And tama nga po ano, based on reading here. Only banks have the go decision to file for a case not this rgs? Kasi sbhn k nlng po bukas mag file nlng sila ng case kung ayaw nila mkpgsettle s amount na kaya ko lang kasi hanggang don lang kaya ko. Wala ndn nmn pong use since naka negative ndn ako sa CMAP. May nasettle ndn ako 2 banks na pumayag s asking amt ko and ung kaya ko lang po. Itong si rgs na ito nuknukan ng kulit. Hays

      Delete
  55. OMG sir @mrkabado binalikan ko ung prev letter sent nila feb 17 2023, which I got feb 22, nireceived ng tita ko kasi wala tao s bahay pag daytime. Atty. Roberto B Ultado Jr.. dhil po dito 100% sure nko na EWB nga ito.. mas alam ko npo pno ihandle itong CA na to..ang gara gara nila.. my npgagreehan npo kaming amt bnawi uli nila ksi capable dw ako mgbyd.. don ko po nfeel n baka nrereport nong mga agent n npnta s bhy to dlver letter baka snsb nla n capable.. e kaya nga ako napastdue ksi hndi po capable. Hays thank you po ng mrami.

    ReplyDelete
  56. Good Morning! New Defaulter po ako. Ask ko lang po sana, palagi ba silang pupunta sa bahay kahit na yung lugar namin ngayon is 3-4 hours from Cebu City? Worried kasi ako baka ma stress parents ko.. Alam naman nila na hindi ko na binayaran utang ko kasi nawala yung income ko after Typhoon Odette kasi online work po yung source ng income ko. Then, c husband nawalan nga trabaho last year.

    ReplyDelete
  57. Lumang style na to ng mga CA crooks - pulis kuno, attorney kuno, pa barangay na di naman sinasabi detalye. All these strategies na makapang harrass sila. Pag di mo alam ang tama, matatakot ka. HWAG TAYONG MATAKOT. Alamin ang dapat na diskarte.

    Marami na akong pinatulan na pulis kuno. Pag tinawagan, takutin at insultuhin ka lang. Pag tinanong Servive ID number, walang mabigay. Pag balikan mo na ireport mo sila, lalong magagalit at insultuhin ka. Hahaha

    Mga Attorney kuno - karamihan sa kanila mga kolektors lang. Sayang ang oras ng totoong attorney na tumawag sa atin at maningil sa atin. Ano sila, very cheap. Hahaha. Para matapos agad, sagutin na "sige po file na lang kayo ng case sa court. Always formal, legal and fair dun. at pay when able pa" (@banker's famous lines). Believe me, lalong magagalit sila. Alam nila, mawalan sila ng income pag formally filed na case. Matatalo ka, yes. Pero kahit millions pa yan, pag walang pambayad, eh di wala.

    Ipa-barangay kuno. Yes, iba totoong pumupunta sa barangay. Usually, sabihin nila sa barangay na may VERY URGENT CONCERNS na need mong asikasuhin. Pag taga barangay pumunta sa inyo, hanapan mo ng formal documented letter of complaint, with names and IDs sa nag file ng complaint. Pag wala, sabihin sa barangay, na huwag maniwala sa mga scams at huwag magpagamit sa mga kung sino pa man. Kasi pag totoong urgent concern yun, di na nila saklaw yun.

    Defaulter tayo, yes. Pero di tayo, nakapatay. Hehehe. Tandaan, the law is on our side. Matoto ng tamang diskarte.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hello po, Legit ba yung pwede nilang ipdlock daw yung gate po ng bahay namin at kuhanin ang mga sasakyan sa garahe. (Ito daw ung sinabi ni Catakutan kay Cap). Pero ung numbers na bngy ni Catakutan hindi naman sumasagot. Feeling ko po dahil sinumbong ko na sa bank mismo and maybe ngreach out na sila sa CA incharge. Hays. Hindi ako nkpsok sa office dahil sa gngwa nila.

      Delete
    2. dont ask kung pwede ba or hindi kasi alam mo na ang sagot na HINDI. Please read everything here

      Delete
  58. Share ko lang din expericence ko, defaulter mag 3 years.
    Sa una talaga nakakakaba. Pero nagsearch ako paano ihandle, nakarating ako rito, nanood ng youtube na may same case sa akin. Dami ko natutunan hehe.
    1st 6 months, grabe daming call and text sa akin. Ginawa ko, bihira ko sagutin
    syempre may work din ako. After nun, since may alam na ko, kaya ko na ihandle, may takot pa ring konti. Sumasagot na kong call.
    Unang sagot dapat confident ka. Sinasabi ko na wala akong pang installment kaya ko lang lump sum is xx,xxxx or 50k para sa sinasabi nilang 300k daw. Syempre hindi approved. Pero hindi naman ako mapipilit pag wala talaga. Sabi ko na lang lang pag iipunan ko. May mga matitino pa rin kausap. 1 lang talaga ung nagpakilalang pulis pa tapos padlock daw ung bahay haha. Sabi ko lang, bawal nilang gawin yan at may alam ako sa batas. Malamang kung hindi ko na sagot tawag nito, nag barangay pa sila.

    1 out of 8 pa lang na settle ko. Pero positive ako this year meron ulit. Manifest hehe. Inuna ko lahat ng active debt, after nito mag ipon ako for collections naman. Need natin may plan and may pera kapag makipag negotiate. Dati aligaga ako tatawag sa bank para mag ask ng lump sum and payment arrangement, ending wala pa rin kasi hindi kaya talaga. Ngayon may plan na ko. Snowball method.
    Nakatulong si Dave Ramsey sa case ko.

    Keep strong everyone. Malalagpasan natin to.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Maling tulog talaga ang blog na ito. New defaulter po ako. Grabe yung anxiety ko. Minsan umiiyak akoa kasi natatakot ako sa maaaring mangyari once mapunta na sa CA yung accounts ko. I have 3 ccs. Metro 700k+, Citi 260k+ and HSBC 180k+ kasi puro minimum payments lang binabayaran ko since 2021.

      Delete
    2. @Dayana, sis relate ako. Though mas maraming cc sa akin, same amount tayo. Paying minimum for 2 years, kahit walang swipe na, lumalaki lang napupunta sa interest. Hanggang sa hindi na kinaya.

      Delete
  59. Hello po I was called by SP for my defaulted credit card almost 2 years na po SB po yung cc ko. Sabi ko sa kanila di ko kaya ang lumpsum and yung monthly na gusto nila. Ang kaya ko lang kako is 1500.per month. Sabi nila ipapasok daw nila ako sa minimum recovery payment and instead of 191k 154k nalang daw ang i uundergo kong payment. Pero yung 1500 monthly is walang agreement pero rest assured daw na mababawas siya sa 154k then pag kaya ko na dun daw kami mag undergo ng agreement. Need lang po ng advice regarding dito ang hirap po kasi mag take risk if walang agreement.

    ReplyDelete
    Replies
    1. THAT IS BLUFF!!! Nevere agree without an agreement... wala kang panghahawakan.

      Delete
    2. Everything should be in writing. Para documented. Walang babalikan pag verbal. May ganyan din sa akin dati, ayun, sinabi ko na pag walang written agreement, walang deal.

      Delete
  60. Hello again! ilang beses po ba naghahatid ng demand letter ang CA? Or nabivisit sa bahay?

    ReplyDelete
    Replies
    1. NAKU WALA PONG FOREVER...

      minsan 3months lang nasa CA tapos ipapasa sa iba

      Delete
  61. Naloloka ako sa isang CA nag call sa akin if di ko daw kayang bayaran yung cc ko may pupunta daw dito sa bahay para mag check at kunin ang gamit na katumbas ng defaulted amount ko. Sabi ko anong CA ka bawal yan sinsabi mo kesyo di pa naman daw agad agad sabi ko kahit na bawal yang ganyan tatawag nalang daw ulit sila sa 30 hahahahaha thanks sa payo

    ReplyDelete
    Replies
    1. sige bigay mo lumang plantsa, tambo at tupper ware HAHAHAHAHAHHAHAH

      Delete
    2. Alam naman di nila gagawin yan. Sagutin mo, sige punta kayo sa bahay. Just let me know kung ilan kaya, pa meryenda ako ng banana Q. Bluff mo na agad. Sarcasm works oftentimes. Huwag mag emo kaagad sa mga bluff ng CA crooks. Hahaha

      Delete
  62. Hello po. May natanggap din akong email. Nakakatakot pa din yung wordings nila.

    Our client MAYBANK, referred to us for appropriate LEGAL ACTION The matter pertaining to your outstanding obligation.

    You have an unpaid credit card obligation in the amount of Php 54,419.60 under Account no. ************ 7533

    However, despite repeated demands for payment of the outstanding balance, you refused and continuously refused to pay thus, our client has referred to us your account for LEGAL ACTION.

    Re: Warrant arrest against you and Warrant of seizure to sheriff and garnish your property will be served if you failed to coordinate regarding violation.

    for: Violation of Republic act RA-8484 SUM OF MONEY OR CREDIT RUNAWAY UNDER abandonment or surreptitiously and or ARTICLE 315 OF THE REVISED PENAL CODE filed by Atty. Noel Punzalan at Pasig city metropolitan trial court.

    We will coordinate with the city Police and National Bureau of Investigation for the record. Full extent of the law shall be applied against you. (Notice to the Public Section). P. MAJOR TYRON VALENZONA, NCRPO CAMP BAGONG DIWA.

    Ano po ba pwede gawin or sabihin. May nagpunta din po kasi dito para magbigay ng letter kanina sa bahay. Although hindi ko sure kung anong bank naman yun. 11 ccs po yung total delinquent cards ko. In totak po 326k silang lahat limit lang po yan hindi pa kasama ang interest hayst.
    Any advice po?
    Thank you po sa sasagot.

    ReplyDelete
    Replies
    1. 1. As posted, nagdedemanda po si Maybank...

      2. RA8484 is matagal ng pananakot..

      3. ayan na naman tayo sa CAMP BAGONG DIWA HAHHAHAHAHAHAHHAHA NAKAKALOKA SILA HAHHHA

      Delete
    2. Even small amount po nagffile ng case si Maybank? If I received po ng gantong email can I still coordinated with Maybank and as for a payment arrangement? And saan pong department dapat pumunta or tumawag Once nakapacoorrdinate na po ba ako kay Maybank, do I need to inform this CA?
      Pa advise naman po. Salamat po.

      Delete
    3. Sa liit ng defaulted amount mo sa kanila, talo si Maybank sa cost of money sa gastos pa lang ng litigation. Pag walang pambayad, eh di hwag muna. Believe me sa amount na to, si CA lang mag tiyaga nito.

      I shared earlier, close to 400k default ko sa Maybank. Direct bank negotiation ako, and I closed my account for only 38k last December. Of my more than 10 CCs, sila ang first ko na close and I used this experience to negotiate with the next bank.

      So cool ka lang. Hwag maniwala sa lumang pananakot.

      At the end of the day, ang kalaban natin ay mga sarili natin. Pag lagi tayong patatalo sa kaba at paranoia, mas panalo ang CA crooks.

      Alamin ang tamang diskarte.

      Delete
  63. Hello. May garnishment ako last January. At first, 2 kami ng husband ko ang may issue ng garnishment. Unfortunately Landbank ang payroll account ng husband ko at ang UMID card ko sa GSIS. Na hold sweldo ng husband ko since January at 2 of my accounts sa landbank. Tinawagan namin ang Sheriff at sinabi na sa decision is exempted si husband kaya pinalift niya ang kay husband sa landbank. Thankful kasi at least nalift sa kanya last month. Mamamatay kami sa gutom if ever ihohold nila salary ng husband ko.

    My concern na lang po is my UMID ID in GSIS is hold parin ni landbank. Napapaisip ako if what will I do. Mag resign na lang ba ako. Kasi baka mag retire na lang ako nakahold parin si landbank. I cant pay pa kasi sa last bigay ng BPI umabot na ng 600k kasama interest.
    I think di lang sa branch manager ng Landbank ni Prismblue ang may problema. Mismong Landbank is ganun pagkakaintindi nila. I hohold nila buong account mo sa kanila until nakabayad ka.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hello bakit kaya mga LANDBANK MANAGER MGA TANGA! THAT IS IGNORANCE OF LAW. THAT IS BAWAL.

      I hope nabasa mo ang ginawa ni PrismBlue last year kaya nanalo siya sa katangahan ng landbank manager. that was long battle,SHE WON! I HOPE SHE SUE that landbank manager...

      Call banker or email him. may binigay siya na process kay PrismBlue e how to correct the katangahan ng landbank manager

      Delete
  64. Because of your failure to settle the above account despite previous reminders and demands from our client, we are serving you this FINAL DEMAND for you to pay in full said overdue account including all stipulated fees and charges within THREE (3) DAYS from receipt hereof.

    Please understand, that should you fail to communicate with us within THREE (3) days from receipt of this letter, Our client SBC will be left with no other recourse but to cause, without further notice, the filing of the complaint; and, for possible violation of Republic Act No. 8484, an Act Regulating The Issuance And Use Of Access Devices, Prohibiting Fraudulent Acts committed relative thereto, should you abandon or surreptitiously leave your place of employment, business or residence stated in your application or credit card without informing the credit card company of the place where you could actually be found.
    We sincerely hope to hear from you soon and finally arrive at workable solutions to this urgent concern.
    For any queries, please call Mr. Harris V. Caalim at

    eto ulit ra 8484..nagparamdam isa…

    ReplyDelete
  65. Hello sir banker ano sir ang email address ninyo para mai send ko ang mobile no. Ko maraming salamat mga sir at Godbless

    ReplyDelete
  66. Kpag nkokontak ka ba nila once in a while like calls, text or emails and ngrereply ka naman, ttwagan pa rin nila barangay mo or ppuntahan ka sa bahay? Or tntwgan lng nila yung barangay or mga kakilala mo kung hindi k lng tlg nila makontak?

    ReplyDelete
    Replies
    1. During ur call or txt or email... if randam nila na di ka nila ihaharass mag hold back yan sila...

      Delete
    2. Based sa experience ko, kapag hindi ka lang macontact. Magbabakasakali kasi sila.
      Sa akin walang pumunta sa barangay kasi nagrereply ako sa text or email. Bihira sa call. Pero if sa call, sinasabi ko talaga na wala pa sa ngayon, hindi ko kaya payment arrangement, kahit magkano wala akong mabibigay. Ung iba makulit pa rin ung iba naman hindi.

      Delete
  67. Ano po masasabi nyo kay PNB..nag dedemanda ba sila at generous b sla sa malaking discount?

    ReplyDelete
  68. Okay lang po ba if the guard sa building where I live ang mag receive ng letter? If ever po mag field visit sila???

    ReplyDelete
  69. Hello po, just received a text today from Bernales & Associates. “your card ending **** is qualified for a promo of reversal of charges. Allow us to call you?” is this legit po or tactics lang din? Sana po may makasagot or baka po may nakaexperience din nito??

    ReplyDelete