Hi sa ating lahat, its me MR. KABADO. Just share my story of being defaulter and how the TIME STILL TURNS THE PAGES...
In year 2020, start of pandemic ay nadefault ako.
3 cards from Metrobank
2 cards from RCBC
1 card form Eastwest Bank
1 card from PNB
1 card from CITI
1 card from UB
1 card from Chinabank
GLOAN
GGIVES
Spaylater
Sloan
PROUD BA AKO? Noon nung di pa ako defaulted kasi pinagkatiwaalan ako ng bank kaya ganyan kadami card ko. good payer. good credit score. BUT ngayon? hindi syempre. kasi may guilt pa din sa akin na sana nabayaran ko, sana mabayaran ko pa at sana pagkatiwalaan nila ako ulit.
ANONG GINAWA SAYO? Nakatanggap ako ng call galing sa Police Patola, nakausap ko ang ABOGAGO nila at walang kamatayang brgy hearing nila na never naman nangyari. Napuntahan nila ako sa bahay, just received the letter then tapon kasi wala naman good news.
NAGOFFER BA SILA NG MABABA TO CLOSE THE ACCOUNT? YES AND YES but struggle and surviving pa din and yung kita ko ngayon ay hindi na ganun gaya dati.
Alam niyo ba na nagpakamatay pa ako noon, YES. Tama nabasa mo. kasi late ko na nalaman itong blog na ito, late ko na educate ang sarili ko. late na ako mag ask ng advise. Isa yun sa pinagsisihan ko dahil doon ko nakita magulang ko na umiyak sa sitwasyon ko.
TAMA SILA...
TAMA SI BANKER...
TAMA SI MAAM CHERRYLOU..
TAMA SI SIR EDUARDO...
TAMA SI PLANTER... WALA NAMAN MANGYARI SAYO. MILYON ANG UTANG NG IBA, HINDI NAMAN NAKULONG.
DEFAULTED PERSONAL LOAN? Meron akong personal loan noon pero binayaran ko yan kasi takot ako sa BP22. PERO nalaman ko NOT ALL CHEKE AY BP22, iba ay to facilitate payment lang.
Ito nga buhay pa ako, 2025 na. Madaming dumating blessings. May mga struggle BUT THE LORD help me after I SURRENDER EVERYTHING.
Mapapayo ko?
1. Tell sa family your problem, it will set you free.
2. Forget the debt, not the lesson.
3. Educate mo sarili mo, BACK READ KA DITO SA BLOG andyan na mga sagot.
4. Surrender mo na kung di na kaya, then sabayan mo ng dasal.
Marami ako pinagkakautangan ng loob lalo kay Banker.
PS: Sira laptop ko kaya minsan nalang makacomment but if you want to email me, dito nalang
mrkabado033@gmail.com
Love this post!
ReplyDeletethanks for sharing
for the benefits of other "lepers"
😇😇😇🙏
salamat banker
Deleteingat ka lagi
Wala ka na ba nabayaran sa mga iyon kahit isa Mr. Kabado?
ReplyDeletewala po as of 2025. may offer amnesty si Metrobank from 100k ay 15k nalang babayaran pero wala pa talaga
DeleteGood afternoon po, tanong ko lang sana ano po ba ang basihan ng BP22 kung ginagamit lang ang cheke to facilitate payment, I mean paano po nacoconsider na pwede kang makasuhan ng BP22. Nagkautang din kasi ako ng personal loan nasa 43k pro hindi ko na rin nabayaran, online lang ako nagbabayad noon kasi pinagawa ako ng account sa SB pra hulog2 nlang ang payment ko tpos binigyan din ako ng cheke, hindi ko nman nagamit,, meron din akong dalawang cc which is PNB and BPI, na convert to cash na hindi na rin nabayaran , due to many reason po. Yes po, takot ako, super takot na takot. Pumupunta kasi ang ENZI CORPORATION sa work station ko.
ReplyDeleteHi hingi din po advice
ReplyDeleteMay mga CC na din ako di nabayaran since last yr dahil nawalan ako ng trabaho at this year lang po sa ibang cc
2 cc sa Metrobank 2024
2 cc sa BPI 2025
2 cc sa RCBC 2025
1 cc sa Eastwest 2025
May mga demand letter na po akong natatanggap.
Tapos kahapon tumawag ang mother in law ko na may demand letter daw ako from Alexis Molaer Law firm. Ibinigay daw sa bayaw ko ng dati kong ka work. Nong tinanung ko kong kelan ibinigay sa kanya bago daw sya umuwi kahapon at open na daw a g letter which is pinakelaman ng mga dating kong ka work. Wala na ako sa kanila since 2021 at naka indicate naman doon na confidential pero binuksan pa din nila. Simula kasi ng umalis ako doon di na ako nakapag update ng compang na nilapitan ko at ilang buwan din ako nawalan ng work due to pregnancy baseman ako mag buntis. At fault naman po this year nawalan ako ulit ng work at nakunan last June 3 months na po ako iponag bubuntis ko at niraspa ako. Kahit pinipilit ko wag isipin dahil nakakasama nga sakin lalot ma raspa ako pero di ko maiwasan kasi every minute may tumatawag sakin at every week may nag papadala ng letter dahil naipapasa na kong saan saan na CA ang pangalan ko ng mga banko.
Para na akong mababaliw sa kakaisip ngayon nag hahanap pa din ng work para kahit papaano makabayad ng painting unti sa mga natitirang CC na minimum amount lang din ang kinakaya. Makikiusap po ako gusto ko maliwanagan at makahinga kahit papaano sana po ay may mag advice sakin hindi ko na po kaya ang nangyayari sakin stress na stress na po ako.
Salamat po sa mag a advice.
wag ka ng mastress accept the fact na default ka na at di mo na kaya wag ka matakot sa mga CA na yan dahil hanggat nakikita ka nilang takot lalo ka nilang haharassin,
Deletesabi nga ni Banker pay when able if wala sorry na lang sila
they will continue harrassing you wala ka ng magagawa dun kundi ignored mo sila kung wala ka talagang pambayad di ka naman makukulong. masyado ng mayaman ang mga banko para maghabol pa syo titigil din yan at paunti-unti magsasawa the best na isagot mo wala ka ng kakayahan kaya ifile na nila sa korte kng gusto nila 7 years na rin akong default at nakasuhan na rin ng small claim pero ano magagawa ko wala talaga kakayahan kaya pay when able na lang priorities your needs stop stressing yourself.
hi po.
Delete1. Accept the fact na wala ka pambayad. walang wala ka na at hindi mo na kaya, stop paying minimum. lalo mo na linulubog sarili mo.
2. STOP answering their call. protect your mental health. trabaho nila na tawagan ka at trabaho nila na padalhan ka ng sulat pero kung wala kang pambayad edi wala hehe.
3. PRAY. PRAY. AND. PRAY. Surrende everything. Tulungan mo din sarili mo. kapag nalaman nila na yan kahinaan mo ay gagamitin nila yan para iaharass ka.
4. Doon sa mga dati mo na katrabaho, hayaan mo na wala ka naman na business ka sa kanila. wag mo na isipin.
busy now. something important came up just now. FYI 😪
ReplyDelete